Chapter XXXVI~

5 0 0
                                    

Chapter Thirty six
Goodbye?
~

[Harrie]

Hanggang ngayon ang saya parin ng mood ko dahil sa pasyal namin ni kuya kahapon. Ang saya kaya. Ang tagal na rin namin nagbonding na kami lang. Sayang nga kasi hindi namin kasama si mommy. Pero okay lang, next time na lang. Hmm.

Normal lang naman ang araw ngayon. Yung mga kumag lang talaga ang abnormal. Si Rynn, buong araw ko syang di nakita. Ngayong last period lang sya umattend ng class.

"Enjoy your summer break class."

"Yeah!"

"Bye ma'am!"

"Pst Rynn... Glamping tayo."

"Oo naman. Sure akong tapos ko na mga trabaho sa office within two days or three." she smiled at sinuot na ang bag nya. Tumayo na kami at pumunta na sa cafeteria.

Pagdating namin, saktong naglalakad parin papasok yung apat. Binilisan namin ni Rynn ang paglalakad.

"Tara na."

"Mahal naman! Kakaupo pa lang namin oh!" hahaha.

"Eh ano?"

"Eh saan?"

"Gusto mong tamaan?" I glared then raised my fist at him.

"Oh pano guys? May kailangan pa kasi akong tapusin. Una na kami ha?"

"Oo sige. Ingat Rynn. Kuya Drew, ingatan mo." nagbeso ako sa kanilang dalawa tapos umalis na rin naman sila. Ayiieeeeeee. Kilig na naman ang loka lokang bestfriend ko.

"Inggit ka mahal?"

"Pakialam mo naman. Tara na nga kuya." nilink ko ang arm ko kay kuya. Napansin kong ang tahimik nya. Hmm.

Pagkarating namin sa bahay, nagtaka ako kasi hindi parin umaalis sina kuya B at Rikk. Wala naman akong nabalitaang tatambay sila ngayon. Hmm..

"Kuya, shower lang ako ha." nakatingin lang sakin si kuya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, kung anong iniisip nya...

"Kuya... May problema ba?" umupo sya sa couch kaya tinabihan ko sya. Napansin ko namang nawala yung dalawang kumag. San na yun?

Tinitigan ko si kuya. Derecho lang pero lampasan ang tingin nya. Ano bang problema?

"Kuya... Ano, nabasted ka ba? Napahiya ng prof? Ano bang nangyari po?"

"Lyre.." this time, tumingin na sya sakin.

"Aalis ako.."

"Ha? Ngayon? Kaya ba andito sina Rikk? Anong oras uwi mo?"

"Lyre. Aalis ako."

"Hala ang kulit. Oo na nga." Sabog ba to? Alam ko namang aalis sya, kakasabi nya lang kaya.

"San ka ba pupunta kuya?"

"Canada."

"Weh? Saan nga kasi? Seryoso."

"Seryoso." Eh? Talaga?

"Pinapapunta ka ni mom?? Ibig sabihin ako rin?"

"Kelan ba kuya? Wait, magpapack na ko." tumayo na ko pero hinawakan ni kuya ang braso ko at pinaupo ulit ako. Humarap sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Ako lang... Aalis ako. Pupunta akong Canada. Bukas..."

"Bakit?" bakit sya lang? Bakit hindi ako kasama? Bakit bgayon lang nya sinabi? Bakit parang kinakabahan ako?

"Si Angela." nanlaki ang mata ko. Anong si Angela? Anong kinalaman ni Angela??

"Kailangan ko syang samahan." binawi ko ang kamay ko kay kuya. Bakit biglang parang nainis ata ako?

"Bakit?" bakit kailangan pa syang samahan?

"Kailangan nya ko."

"Paano ako?" hindi ko maiwasang... Hindi ko nga alam yung nararamdaman ko-- nagseselos ba ko o nalulungkot o naiinis na ewan. Basta ang alam ko... Kailangan ko rin naman ang kuya ko.

"Lyre... Ano bang paano ka? Kailangan nya ko. May sakit sya." biglang naging parang galit na yung tono ni kuya.

"Paano ako? Kailangan rin naman kita ah? May sakit sya? Teka lang kuya, magpapaulan ako sa labas para magkasakit rin ako. Para hindi mo naman ako iwan." nagiinit na yung mga mata ko, feeling ko anytime maglalaglagan na ang luha ko. Pati ba naman si kuya iiwan na rin ako?

"Lyre naman! Wag ka ngang childish!" tumayo na si kuya at tumalikod sakin. Nagsimula na syang umakyat ng hagdan. Sinundan ko sya.

Naglakad lang kami hanggang sa tumigil si kuya sa harap ng kwarto nya. Hindi nya ko tinitingnan. Nakaharap lang sya sa pinto nya.

"Ano bang sakit nya ha? Malubha ba para mas piliin mo sya kesa sakin kuya?" di ko na napigilan ang luha ko. Ganun kasi talaga yung nararamdaman ko... Feeling ko pinili na naman ang iba kesa sakin. Iiwan na naman ako para sa iba.

Palagi na lang ganun.

"Wag mo namang pairalin yung selos mo! Buong buhay ko ikaw na ang inalagaan ko! Hindi ba pwedeng alagaan ko naman yung isa ko pang kapatid na nangangailangan sakin?" natahimik ako... Kahit kelan hindi ko naisip na mangyayari to... Na isusumbat sakin ni kuya ang pagaalaga nya sakin.

"Pwede ba Lyre. Hindi naman ako magbabakasyon dun! Magaalaga ako ng may sakit. Kaya mo na ang sarili mo diba. Malaki ka na. Buong buhay ko ako na ang tumayong tatay mo. Hindi ba pwedeng magpahinga naman muna ako sa pagaalaga sayo? Wag ka namang selfish. Wala ka namang sakit... Napapagod din naman ako."

Pumasok si kuya at pinagsarhan ako. He shut me out of his room but it feels more like he's shut me out of his life.

Napaupo na lang ako...

"A-ang sakit kuya."

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon