Chapter XXXVII~

5 0 0
                                    

Chapter Thirty seven
Missing
~

[Rikk]

"Lyre... Kumain ka na..."

Hindi sya nagsasalita. Tinalikuran nya lang ako.

"Paano ako mapapanatag sa pupuntahan ko kung alam kong ganyan ka bunso? Haaaay." unfortunately, kailangan ding umalis ni Blake... Kelangan sya sa business nila sa London.

Nagaalala tuloy lalo kay Lyre... Baka isipin nya lahat na lang iiwan sya..

Kagabi pa sya hindi kumakain. Ito.. Iyak lang sya ng iyak.

"Bunso... Kagabi ka pa hindi kumakain. Anong oras na oh? Magkakasakit ka nyan."

Grabe awang awa ako sa kanya... Kitang kita ko kung paano sya dahang dahang napaupo nung pumasok si kuya sa kwarto... Kitang kita ko kung paano sya hinang hinang pumasok sa kwarto nya. Ang sakit siguro ng nararamdaman nya.

Kanina, akala ko ayos na sya kasi lumabas pa sya at pinanood na umalis si kuya. Tapos ayun, umiyak na naman sya ng umiyak nung makapasok sya sa kwarto.

Naaawa nga rin ako kay kuya eh. Hindi nya naman gustong saktan si Lyre.. Yung daddy lang talaga nila ang nagpapacomplicated sa lahat. Hay.

~ccc~

[Harrie]

"Lyre... Kumain ka na..." binaling ko lang ang ulo ko sa kabilang side. Ayokong kumain. Ayokong makipagusap.

"Paano ako mapapanatag sa pupuntahan ko kung alam kong ganyan ka bunso? Haaaay." lahat naman kayo ganyan. Iiwan nyo ko. Lagi na lang. Nakakatampo na.

"Bunso... Kagabi ka pa hindi kumakain. Anong oras na oh? Magkakasakit ka nyan."

Mabuti nga kung magkasakit ako eh. Baka sakaling bumalik si kuya pag nalaman nya at dito na lang sya.

Grabe...

Ang sakit sakit ng pakiramdam ko.

Nung magkaisip ako, at namulat ang isip ko sa concept ng love, inexpect ko na talaga na magkakaganito ako... Yun bang broken hearted na feeling ko wasak na wasak na ko, yung hindi na ko makakakain, yung iyak na lang ng iyak...

Pero never ko naman naexpect na si kuya pala ang makakapagparamdam sakin ng gantong sakit.

Akala ko swerte ako kasi hindi masyadong nangyari to nung makipagbreak si Jules... Yung kay Jules kasi sobrang sakit... Yung kay kuya mas masakit pa sa sobrang sakit.

~ccc~

[Rikk]

Pabalik na ko sa bahay nina Lyre ngayon. Kumuha kasi ako ng mga gamit ko sa bahay nung nakatulog sya. Napagusapan na namin ni kuya to, pinayagan na rin naman ako ng mom. Pinilit ko syang wag muna akong kailanganin sa coffee shop.

Ako muna ang magiging kuya ni Lyre. Ako ang magaalaga sa kanya. Hindi ko sya pwedeng iwan..

*ring ring*

"'Llo Blake?"

"Hello Ryu. Gustong pumunta ni Harrie kina Aerynn. Sasamahan ko."

"Ah ohsige. Asan na kayo?"

"Malapit na."

"Ah.. Sunod na lang ako. Andito na ko sa village eh." ngumiti ako sa guard at tinanguan naman ako.

"Geh."

Nilapag ko na yung mga gamit ko sa guestroom at bumaba na rin. Palabas na ko ng bahay nung tumawag ulit si Blake.

"Hello."

"Hello Ryu. Wag ka ng pumunta. Pabalik na kami jan, wala si Aerynn."

~ccc~

[Harrie]

"Kuya Blake. Punta ko kina Rynn.."

"Ngayon? Samahan kita." tumango lang ako.

Kailangang kailangan ko ang bestfriend ko. Gusto ko syang makausap...

Nakatingin lang ako sa labas habang nasa byahe. Narinig kong may tinawagan si kuya Blake pero hindi ko naintindihan yung pinagusapan nila. Lutang ako.

Ewan ko... Di ko alam kung anong iisipin ko.

Hawak ako ni kuya B sa kabilang siko habang hinihintay namin na may magbukas ng gate.

*dingdong*

"Uy Harrie." nagulat ako nung si manang Demi ang magbukas. Tinext ko naman si Rynn na pupunta ako eh. Asan kaya yun.

"Hello po." sabi ko at nagmano sa kanya. Ngumiti naman sya at binuksan ng malaki ang gate.

"Si Rynn po?"

"Hindi ba tumawag sayo?" napailing naman ako.

"Nagtext kasi sya kahapon. Sabi nya pinapasunod daw sya ng mommy nya sa Davao. Urgent daw eh."

"Huh... Ganun po ba.." bakit ganun...

"Sige po mauna na po kami. Tatawagan ko na lang po." I sighed. Bakit ganun? Bakit lahat umaalis? Bakit kung sino yung kailangan ko, iniiwan ako? Bakit ganun?

~ccc~

[Rikk]

Kakarating lang nina Lyre galing kina Aerynn. Tiningnan ko si Blake ng 'bakit-look', nagshrug lang sya.

"Akyat po muna ko." lumapit si Lyre kay Blake at hinalikan ito sa pisngi. Nung lumapit sya sakin, akala ko tatapikin nya lang ang balikat ko gaya ng lagi nyang ginagawa pag badtrip sya... Pero... Hinalikan nya rin ako.

Kahit pa gusto kong kiligin, parang hindi naman ata appropriate na maramdaman ko yun sa sitwasyon na to.

~

It has been already two days since umalis si kuya yet ganun parin si Lyre.. Hindi parin masyadong nagsasalita. Para syang robot. Kakain lang pag papakainin ko, sasagot lang kapag tatanungin ko. babangon lang pagpupuntang cr, tapos hihiga na ulit at yayakap sa unan nya... Hay..

Nakaalis na rin si Blake kanina. Hindi umiyak si Lyre nung nagpapaalam siya pero the moment na makalabas sya ng pinto, isa isang nagpatakan ang luha ni Lyre.... Nagaalala nga ako lalo kasi yung mukha nya, expressionless pero tuloy tuloy lang yung pagtulo ng luha nya. Haaay...

"Lyre.." umupo ako sa kama nya at kinalong ko yung pinggan.

"Lika, kain na tayo." sinubsob nya ang ulo nya sa mga tuhod nya tapos umiling. I sighed. Pinatong ko yung plato sa bedside table at niyakap ko sya.

"Wag ka ng umiyak please.." ayokong nagkakaganito sya. Tsk. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman nya at itapon sa malayong malayong lugar, baka nagawa ko na bago nya pa maramdaman.

"Hay Lyre.." Iyak lang sya ng iyak sa braso ko. Hanggang kelan ba magkakaganito? Tsk.

*ring ring*

Inabot ko yung phone ni Lyre at ako na ang nagpress ng answer. Nakatingin lang si Lyre kaya sinet ko na lang sa speaker phone.

(Hello, Harrie anak?)

"H-hello po tita. Bakit po?"

"Anak.."

"Tita, si Rynn po? Alam nyo po ba kung bakit hindi nya ko kinocontact??"

"Harrie... I... I think... Harrie... N-nawawala si Aerynn.."

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon