Chapter XLVIII~

2 0 0
                                    

Chapter Forty eight
Lies
~

(May 3)

[Drix]

"Is she in her room?"

"Yes doc."

"I'll go check her." tumango lang ako at nagpunta na ng kusina. Kukunin ko yung hinanda kong meryenda nila.

Yung doctor na yun, family doctor nina Angela yun. Canadian. Ninang nya daw. Mabait naman sya, mas gusto ko lang talaga si Tita Doctora Ellie kaysa sa kanya.

Kakatok na sana ako nung marinig kong tumawa sya. Pero nagulat ako nung tumawa rin si Angela.

"Hahaha. Tita! How dare you. Lower down your voice, he might hear you."

"I'm sorry dearie. So what if he hears us? He's too stupid." What the fuck? Who's stupid?? Ako??

"No, he's not. Its just that he loves me too much kaya hindi nya napapansing inuuto ko lang naman sya." What?

"What is it dear?"

"Nothing tita. I said he migjt be really stupid kasi hindi nya alam na wala naman talaga ako sakit."

Tangina.

Nagcreate ng malakas na ingay ang pagbagsak nga mga platito at tasang nabitawan ko dahil sa nalaman ko.

Bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang manloloko.

"Lyle? What happened?"

"K-kuya... A-anong nangyari?" humawak sya sa ulo nya at nagkunwaring hinang hina. Tangina narinig ko lahat! Alam ko na ang totoo!

"Wag ka ng umarte Angela."

"K-kuya.."

"Tell me the truth Angela. May sakit ka ba talaga?"

"O-oo kuya.. Ano bang nangy-- kuya nasasaktan ako!" nagkukunwari kang may sakit? Naglalagay ka ng mga fake na pasa jan sa katawan mo? Pwes ngayon lalagyan kita ng totoo! Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso nya at hinila sya sa living room. Ibinagsak ko sya sa couch.

"Lyle! You're hurting her! You know it's not good for her condition!"

"Condition?! What condition?! You better get out of my sight Doctor before I could give you a reason to cure yourself!" galit na galit ako at sa sitwasyon ko, hindi ko sigurado kung makokontrol ko pa ang sarili ko.

"Ano Angela ha?! Sumagot ka! Sabihin mo yumg totoo!" tumayo sya at humarap sakin. Nakikipagcontest sya sakin ng tingin.

"What do you want to hear? Na wala akong sakit? Now that you heard it? Happy? O gusto mo ba ulitin ko pa kuya? Wala akong sakit!"

"Anong sabi mo Angela?" napalingon ako sa likod ko. Nandun ang daddy... Naglakad sya palaput samin at hinila si Angela paharap sa kanya.

"Is that true?"

"Dad... Nagawa ko lang naman y--"

*PAK!!*

Sinampal nya ng malakas si Angela kaya napaupo ito sa sahig. Nilapitan ko si Gela at hinawakan ko.

"Dad ano ba?!"

"Niloko mo kami. Lahat kami pinaikot mo! Pati ang kuya mong nananahimik ginulo ko para lang sayo! Tapos malalaman ko fake ang lagat ng to?! Hindi ka na nahiya sa kuya mo Angela!"

"Iniwan nya ang kapatid nya para sayo!"

"Pero dad kapatid nya rin ako!"

"Alam mong hindi totoo yan!"

"A-anong... Sabi nyo??" anong hindi totoo? May hindi pa ba ako alam dito??

"Hindi kayo magkapatid Lyle. Hindi ko sya totoong anak." napatayo ako. So lahat sila niloloko lang pala ako?! Pinagmukha nila akong tanga!

Ang pinakamasama pa, iniwan ko ang kapatid ko para lang sa mga taong niloloko lang pala ako! Sinaktan ko sya! Putangina. Galit na galit ako. Galit na galit ako.

I rushed to my room at pinack lahat ng gamit ko. Aalis ako at hinding hindi na ko babalik dito. Mga walang hiya sila. All this time pinaglololoko lang pala nila ko. Ako namang si tanga, nagpauto.

Babalik na ko sa kapatid ko. Sa totoong kapatid ko.

Uuwi na si kuya baby... Hinding hindi na kita iiwan ulit. Hintayin mo ako...

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon