Chapter XXXI~

4 0 0
                                    

Chapter Thirty one
Dad (part one)
~

[Harrie]

"Good morning... Nasa baba sila." sabi ni kuya habang binubuksan yung kurtina ko. I blinked and stretched. Bakit naman andito yung mga kumag na yun? Ang aga aga eh.

"Naisip ko lang kasi... Baka ayaw mo kong kausapin... Kailangan mo pa naman ng kausap ngayon..." I sighed. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob kay kuya. I will never do that. Kami na nga lang dalawa, tas magaaway pa kami.

Bumangon ako at niyakap sya mula sa likod. Hay kuya.

"Sorry baby ha?"

"Madami lang talaga akong iniisip simula nung nalaman ko... Naffrustrate ako kasi hindi ko alam kung dapat mo pa bang malaman o wag na, at kung anong magiging reaction mo kapag nalaman mo.. Sorry kung inaway ka ni kuya.." tumango lang ako.

Sigurado hindi rin naging madali para kay kuya yun. Ayoko na nga rin itanong kung paano nya ba nalaman... Tama na tong alam ko..

Narealize ko rin ngayon ngayon lang na eh ano kung kapatid ko si Angela? Walang dapat magbago. Ngayon pa at hindi kami okay. Sinisiraan nya ko sa kuya ko.

"Bati na tayo?" umikot sya at niyakap din ako.

"Ewan. Pwede."

"Ganun. Ngek. Sige na maligo ka na."

Pagbaba ko, andun silang lahat sa living room, nanonood ng spongebob. Ang tatanda na spongebob pa pinapanood, ako nga barbie eh. XD

"Morning mahal ko."

"Morning bunso."

"Good morning Harrie beybe."

"Ito lang tandaan mo Rrie. Walang maganda sa morning. Meron pala, AKO."

Napailing na lang ako sa kakulitan nila.

"Feel at home ha? Wag kayong mahihiya." sarcastic na sabi ko nung nakaharap na ko sa salamin. Hiyang hiya naman kasi sila sa may ari ng bahay. Nakataas pa mga paa nila.

"Hep. Anong ginagawa mo jan?"

"Kakain."

Sinara naman ulit ni kuya yung pintuan ng ref at hinila ako palabas ng kitchen. Laaaaaaaah. Gutom na koooooooo!

"Mamaya na, sa mall tayo kakain."

"Parang may mall na maagang magbukas eh noh?"

"Parang maaga ka gumising eh noh? Alas onse na kaya." hala. Pagtingin ko sa wall clock, ngek. Oo nga. 11:07

"Sabi ko nga."

Tahimik lang ako habang nasa byahe. Nagtutulugtulugan lang ako kahit halata namang hindi talaga ako makakatulog sa ingay ng kantahan at tawanan nila.

Naramdaman kong may kumuha nung kanang earphone ko. Pinabayaan ko lang. Bahala syang makinig ng trechearous ni Taylor. Isa pa, hahaba na naman ang usapan kapag pinatulan ko itong kumag na to.

Parang kanina, nakipag-agawan pa ng pwesto sakin sa likod, ayan tuloy, sina Rynn at kuya D yung nandun sa pwesto ko dapat.

*click!*

"Waaaaah! Ang sweet! Share sa isang set ng earphones! Ayiiiieeee!"

"Tumahimik ka nga. Kita mong natutulog si Lyre."

"Tumahimik ka nga. Sino bang bestfriend nya sating dalawa? Kaya nga ako nagiingay kasi tulog naman sya. Di nya maririnig."

"Bahala ka." muntik na kong matawa sa kanila. Anong connect ng pagiging bestfriend sa pagiingay? Hindi ba halatang nagpepretend lang ako? Mga baliw to. Sinong makakataulog eh ang iingay kaya nila.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon