Chapter XVIII~

12 0 0
                                    

Chapter Eighteen
Worries
~

[Harrie]

Nakalabas na ko kaninang mga bandang 6pm. Inaamin ko... Natakot pa kong pumasok sa bahay kanina. Napahawak pa nga ako ng mahigpit kina Rikk at Rynn. Tapos sina kuya... Simula nung dumating ako, dun na ko pinagshower sa baba. Sya ang umakyat para kuhanan ako ng mga gamit na pampalit. Paano ako hindi matatakot? Ay naku.

"YES! Natapos din!"

"Ano na next? Dali."

"Sea of monsters." Nagmomovie marathon kami ngayon, kakatapos lang nung Percy Jackson 1 kaya sabi ko 2 naman. Bakit ayaw nila? Hmp.

"Harrie naman!"

"Bunso!"

"What? Bakit ba ayaw nyo?? Nagtatanong kayo ng next sa part one, diba part two? Tapos ayaw nyo." hahaha. Sawang sawa na siguro sila kay Logan ko. Bakit ba...

"Eh! Hindi ka ba nagsasawa jan?? Dalawang beses na natin napanood sa sine yang Sea of monsters na yan tapos nung nakahanap ka ng copy, pinanood pa natin ng paulit ulit!" Oh well. Totoo naman.. XD

"Promise last Logan movie na yan." I grinned.

"Wala! Ayoko! Alam na alam ko na yang style mo na yan Lyre. Pagkatapos nyan ipipilit mo na naman yung The perks of Charlie, tapos Noah, tapos Meet Bill, tapos may Stuck in love pa." the Perks of Charlie?? The Perks of Being A Wallflower yun. Hahahaha. Alam na alam na ni Rikk eh. Kinurot ko lang sya at binatukan lang sya ni kuya nung gumanti sya.

In the end, si Rynn ang nasunod. Wild Child ang pinanood namin. Ganda rin. Tuwang tuwa ang mga lalaksot kay Emma Roberts. Tss.

*dingdong*

"Oy. Yung pizza na ata yan." asan na si kuya? Si Rikk ang tumayo para pagbuksan yung nagdoorbell. Paano pag hindi naniwala yung delivery boy na hindi sya magnanakaw na nakikuha lang ng order ng may ari ng bahay? XD

Umorder lang kami kasi tinatamad daw sila magluto. Tss. Ang tatamad ng mga kuya kong to. Hmp.

"Psst." napalingon ako sa sumitsit sa may pinto. Isa lang ang sumisitsit sakin na ganun ang boses.

"MOM!" tumakbo ako sa kanya at yumakap. Waaaaaaah. Namiss ko ang mommy ko. Kelan ko ba sya huling nakita?? Three weeks ago? Sa video call? Awts.

"Kuyaaaaa! Andito ang mom!"

"Alam ko! Haha." sigaw ni kuya mula sa kusina. Ay. Ang daya! Bakit alam ni kuya na dadating ang mommy?? Bakit ako hindi??

"Musta na baby?" she kissed me on my cheek.

"Okay lang. Namiss ko ikaw." Tumayo yung dalawang kuya. Hinila ko naman sya sa paupo sa sofa. Nasa gitna namin sya ni Rynn. Kiniss nya din si Rynn sa cheek.

"Ano, girls? Inaalagaan ba kayo ng boys?"

"Hindi po!/Opo mommy!" haha. Sabi nila ng sabay sabay na nakangiti pa. Sinamaan pa nila ng tingin si Rynn kasi humindi.

"Wow... Nung huling alis ko parang dalawa pa lang ang anak na naiwan ko ah? Bakit ngayon, one, two, three, four, five, six! Bakit six na??"

"Naulanan po sila. Hahaha." huh? Ano pag naulanan? Dadami? Di ko gets.

"Oh.. Total mga anak ko naman pala kayo, oh kunin nyo yung mga pinamili ko sa kotse." binato ni mom sa tatlo yung susi ng sasakyan nya kina Rikk. Tatamaan dapat si Rikk sa mukha pero nakaiwas sya. Kaya si kiya D ang tinamaan. Hahahaha.

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon