Chapter L~

7 0 0
                                    

Chapter Fifty
The devil behind it all
~

(May 4)

[Harrie]

7:56pm

"Hoy."

"Hoy gising."

Nagising ako dahil sa mga tapik sa pisngi ko.

"Ano bang problema mo?" sinamaan ko sya ng tingin. Sa totoo lang, tinatapangan ko na lang ang sarili ko pero hinang hina na talaga ako... Hindi naman ako natatakot masyado, nanghihina lang talaga ang katawan ko. Ilang araw na ba ako dito??

"Kumain ka." binagsak nya ang plato sa sahig. Tss. Tanga din ang isang to.

"Sa tingin mo makakakain ako??" ano bang tingin nya sakin? Flexible para maabot ko ang pagkaing nasa sahig habang nakasabit ako dito??

"Oh." sumandok sya ng isang kutsarang pagkain at sinubo sakin. Pero binuga ko lang yun sa kanya. Ayoko nga! Baka mamaya may lason yun. Hindi ko pinangarap mamatay ng dahil sa katakawan ano.

"Aba at talagang!"

*PAK!*

"How dare you!" anong karapatan nyang sampalin ako?!

"Sige sipain mo ulit ko. Makakatikim ka ulit."

"Hindi ako natatakot sayo. Anong oras na?"

"Oras na para malaman mong wala na yung bestfriend mo." lahat ng tapang ko, parang unti unting natunaw... Yung balak kong sipain si Romero, bigla na lang nabura...

Anong wala na? Anong ginawa nila? Mga hayop sila.

"Hayop ka." I glared at him. Bigla kasi syang tumawa nung nakita nya ang reaksyon ko. Yan ba talaga ang gusto nya? Yung nakikita nyang nasasaktan ako??

"Tanga. Wala as in wala na dito. Hindi wala na patay na."

"Ikaw ang tanga. Ayaw mong linawin." I sighed. Grabe mapapatay ko talaga itong lalaking to kung mawala ang bestfriend ko.

"Asan sya?"

"Kinuha na nung boyfriend mong hapon." Si... Si R-rikk?? Nakuha nya si Rynn? Shit...

"P-paano ko masisiguradong hindi mo ko niloloko?" alam ko kasing ayaw nyang nanlalaban ako... At alam kong alam nya ring pag sina Rynn na ang usapan, nawawalan na ko ng laban... Baka inuuto nya lang ako.

May dinukot sya sa bulsa nya... Phone... Nagscroll sya ng nagscroll tapos hinarap nya sakin yung screen... I nearly cried nung makita ko ang video... Si Rikk... Unti unting binubuhat si Rynn mula sa kalsada at sinasakay sa kotse nya... Hanggang sa umalis na sila..

Nakuha nya si Rynn...

I'm so proud of you Rikk...

"P-pano ko malalamang hindi nyo sila hinarangan? Pano ko makakasiguradong nakauwi sila ng maayos?!" hindi ako pwedeng magtiwala sa mga mamamatay taong ito.

"Aish. Sabihin mo ang number ng boyfriend mo." hindi ko boyfriend si Rikk pero number nya ang dinikta ko kay Romero.

Nagtaka ako kasi hindi nya pa pinipindot yung call. May dinukot ulit sya sa back pocket nya.

"Hoy anong gagawinmmmnnnmm!" tinakpan nya ng itim na tape ang bibig ko. Tanga talaga to. Paano ko makakausap si Rikk kung may tape ang bibig ko?!

(Hello?? Hello sino to??)

Rikk... Buti naman ligtas ka...

"Gusto lang daw malaman ng girlfriend mo kung nakauwi kayo ng maayos ng bestfriend nya."

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon