Chapter XIV~

6 0 0
                                    

Chapter Fourteen
Rynn vs Gela (part 2)
~

[Harrie]

"Kuya Drew?!"

"Oy Harrie!" napatingin ako sa mga lalaking katabi nya. Syete. Ang mga kumag pala ito. Tsk. Siniringan ko si Ryu Venndict at iniwasan kong mapatingin dun sa dalawang babae.

"Hi Harrie."

"Uy.. Hi Gela." andito rin pala sya? Oh.. Naintindihan ko na.. Itong dalawang babaeng katawanan ni Ryu Venndict ang sinasabi nyang nakikipaglandian.

"Oy Rrie!" napalingon ako kay Rynn. Shit. Patay ka ngayon Ryu Venndict. Tsk.

"Oh. Bakit may nakaupo na sa table natin?"

"Ah eh..." kasunod ni Rynn yung isang crew na may dala pang dalawang trays.

"Ay... Table nyo ba to? Hala naku."

"Hindi okay lang.." umiling ako at winave ko pa ang isang kamay ko dun sa isang babae na straight ang buhok.

"Nakakahiya naman kasi sa inyo." bulong ni Rynn. Pero narinig ata nila. Tsk. Namaaan.

"Ah kuya... Dun na lang po kami sa table na yun." tinuro ko yung table sa likod mismo nina Ryu Venndict. Bago naglakad si Rynn, she smirked and rolled hr eyes at Rikk. Haha. Patay ka.

"Uhh... Mauuna na kami ha. May class pa kasi kami." Nagsalita ako pero I don't think naintindihan nila o narinig man lang ako. Busy kasi sila masyado. I sighed at pumunta na sa table namin. Dun ako pumwesto sa di ko sila makikita. Nakakatampo lang kasi. Haaaay.

Tumabi sakin si Rynn. Ayaw rin sigurong makita ang mga kumag. Tss. Hay naku talaga. Nakakainis sila.

Anong nangyari sa kanila?? Bakit ganyan sila ngayon?? Parang nakakita lang sila ng mga babae nalimutan na nila kami?

Di ba nila naisip na kaya ko dito piniling umupo sa 6 seater na table na ito dahil I was thinking na baka sakaling may lumipat samin dito at samahan kami? Kahit si Rikk lang dahil andito ang pagkain nya? O kahit si kuya man lang? O si kuya Blake? Si kuya nga hindi man lang ako pinansin kanina. Wala man lang hi. Hindi nga ako tiningnan eh. Tss.

Oo na oa na ako. Nakakatampo lang kasi. Mas matagal na nila kaming kilala kaysa sa mga yan. Hay naku.

Tahimik lang kaming kumakain nung magpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Wag na Gela... Haha." tapos tawanan pa sila ng tawanan jan. Tsk.

"Sige na kuyaaa." napatingin ako kay Rynn. Bakit ganun? Parang... Parang iba yung boses ni Angela? Parang ...

"Sorry Rrie ha? Pero ang landi lang.." sabi ni Rynn bago lumagok ng coke nya. Ayun... Ayoko sanang isipin na ganun, kaso... Ayun.. Iba nga yung tono ni Gela.

"Hay naku. Ang sweet mo naman Gela. Buti pa ikaw... Di katulad ni Aerynn ko na masungit. Akin ka na lang kaya?" naramdaman kong nanginig si Rynn sa sinabi ni kuya Drew. Shit.

"Mnnmmnnmnnm." may sinasabi sya habang kumakagat sya sa burger nya. Pero feeling ko cuss yun. Tsk. Si Kuya Drew kasi.

"Rynn.." hinawakan ko yung isang kamay nya kasi nakaclench na.

"Naku hindi naman ano... Ikaw talaga Drew." sabi ni Angela at nung lumingon ako hinampas nya pa si kuya Drew ng mahina sa braso. Tapos nagturn na naman sya kay kuya.

"Sigee na kasi... Isa lang naman kuya.." kuya daw pero ganun ang tono. Ano to? Incest? Tss. Hay naku.

Bakit parang iba naman yung Angelang ito sa Angelang pinagtatanggol ko kay Rynn? Bakit parang...

Tsk.

Mali ba na binibigyan ko sya ng chance na patunayan ang sarili nya ngayon? Mali ba ko na nagbago na sya? Mali ba ko na dapat na akong magtiwala sa kanya? Mali ba ko?

Choices.Changes.Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon