Prologue

43.5K 662 24
                                        


UVEXIU

      "MAY naghihintay sa'yo sa labas," Sabi sa akin ng poging bouncer namin. "Sugar Daddy mo ata,"

"Gago mo, alam mo namang hindi ako pumapatol sa matatanda." Sabi ko dito na ikinatawa niya

"Libre ka mamaya?" Tanong nito. "Kailangan ko ng pampawala ng stress."

"Tingnan ko," Kinindatan ko siya bago lumabas

May nakita akong isang matandang lalaki na nakatayo sa labas. Agad itong lumapit sa akin ng makita niya ako

"Ako si Noel," Pakilala nito. "Alam ko ang buong pagkatao mo Uvexiu."

Natigilan ako sa sinabi nito. "K-Kilala mo ako?"

"Kilala ko ang Pamilya mo," Sagot nito. "Sumama ka sa akin."

Akmang hahawakan niya ako pero agad akong lumayo. "Ulol! Ako nga hindi ko kilala Pamilya ko tapos ikaw kilala mo? Lolo, hindi po ako pumapatol sa matatanda!"

"Nagsasabi ako ng totoo," Seryosong sabi nito. "Kung gusto mo ay dadalhin kita sa kapatid mo."

"Kapatid?" Tumango ito. "May kapatid ako?"

Hindi ito sumagot. Sa halip ay basta na lang ako nito hinila papasok sa isang sasakyan na agad umandar

"Sinabi ko sa'yong matanda ka! Tatamaan ka sa'kin kapag ako niloloko mo!" Banta ko dito

Natawa ito. "Kaugaling kaugali mo si Amelia."

"Sino naman si Amelia?" Tanong ko dito

Umiling lang ito at nagsindi ng tabacco

Halos kalahating oras ang binyahe namin bago kami huminto sa isang maganda pero nakakatakot na bahay. Bumaba ang matanda kaya bumaba na lang din ako

"Sumunod ka," Nauna itong maglakad kaya sumunod na lang ako

Ang ganda ng bahay, may magandang ilaw na nagbibigay liwanag sa daan kasi ang creepy.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay nakatakip ng telang puti ang mga gamit.

"Jinojoke time mo yata ako eh!" Singhal ko dito kay Tanda

Hindi ako nito pinansin. Naglakad ito paakyat sa hagdan kaya sumunod ako

Nakita ko itong pumasok sa isang pinto kaya sumunod ako. Napaawang ang bibig ko ng makita ang isang lalaki roon na nakaratay, kamukhang kamukha ko ito.

"S-Sino yan!?" Gulat akong tinuro yung lalaking nakaratay. "B-Bakit kamukha ko?"

Kamukha ko talaga yung lalaki, siguro kapag naging babae siya kagaya ko ay malilito ang mga makakakita sa amin

"Siya si Uven, ang kapatid mo–ang kakambal mo." Sabi ng matanda. "Isa siyang bodyguard ng isang bilyonaryo, may bumangga sa kaniya kaya kasalukuyan siyang comatose."

"Anong gagawin ko?" Tanong ko

"Gusto kong magpanggap ka muna bilang siya habang inaayos namin ang lahat," Tugon nito

Natawa ako. "Anong gagawin ko? Magpapagupit ng kagaya ng kaniya? No way, ganda ganda ng buhok ko oh."

"Hindi sa ganoon iha," Huminga ito ng malalim. "Magsusuot ka ng wig."

"Ano namang mapapala ko kung pumayag ako?" Tanong ko dito

"Malalaman mo ang totoo tungkol sa Pamilya mo," Sagot nito. "Hanggang alas singko lang ng hapon ang pasok mo bilang bodyguard, ang sahod mo ay singkwentamil kada linggo."

S-Singkwenta mil!?

"Si Uven ang makakapagsabi sa'yo ng lahat ng gusto mong malaman, kailangan natin siyang ingatan." Dagdag pa nito. "Kailangang hindi malaman ng mga kalaban ni Uven na comatose siya, kailangan mong magpakita bilang Uven."

"Sige, alang alang sa fifty thousand." Sabi ko. "Ano ng gagawin ko?"

"Papasok ka kay Qwedei ng alas singko ng umaga hanggang alas singko ng hapon," Sabi nito. "Ang kaibigan ni Uven doon ay alam ang lahat, siya ang magsisilbing guide mo sa trabaho mo. Bago ka pumasok doon ay kailangan mo munang dumiretso dito para maayusan ka namin bilang si Uven."

Sunod sunod lang akong tumango kahit wala akong maintindihan. Muli kong tiningnan ang sinasabi nilang kakambal ko

Ganito pala itsura ko kapag naging lalaki. Ang pogi, halatang tinutuwaran ng Iba't ibang babae eh

"Babaero ba itong kakambal ko?" Tanong ko kay Tanda

"Wala akong alam sa sex life niya," Sagot nito

Tumango lang ako. "Ibalik mona ako sa trabaho ko, may special customer ako."

"Dito ka matutulog Uvexiu, bukas na ang simula mo." Nakangiting sabi nito na ikinanganga ko. "Good night."

"Teka naman!" Angal ko. "Bakit ang bilis!?"

Nagkibit balikat lang ito bago lumabas ng kuwarto ni Uven. Bagsak ang balikat naman akong umupo sa tabi ni Uven

"Kung kapatid kita, nasaan ang mga magulang natin?" Tanong ko dito. "Bakit niyo ako iniwan ng basta basta at hinayaang maging pulubi ng mga sindikato?"

Natawa na lang ako ng mapait.

Hinding hindi ko makakalimutan ang bangungot na yun sa buhay ko, kung saan ay sa murang edad, naranasan ko kung paano kaharapin si Kamatayan..

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon