UVEXIU
"NASAAN si Noshi?" tanong ko kay Qwedei.
Mag isa lang kasi siyang pumasok ng kuwarto.
"He's eating," tugon nito. "He's with my maid."
Tumango lang ako, at nagpatuloy sa pagpunas ng buhok ko. Napatigil ako, nang maramdaman ko ang mga braso ni Qwedei, na yumapos sa aking beywang.
"Oh? Problema mo?" Binaba ko yung tuwalya, at hinarap siya.
"Miss lang kita." Muli ako nitong hinapit sa beywang. "Bawal ba?"
Natawa ako. "Bakit, hindi ka magpa-miss kay Cynthia?"
Parang bata itong ngumuso. "Uvexiu, naman!"
Nginisihan ko lang siya, bago itulak sa kama. Nagulat naman ito sa ginawa ko, kita ko ang paglunok niya na ikinatawa ko.
"Bakit?" painosenteng tanong ko dito. "Magpapahinga lang tayo, easy."
"Y-Yeah," sabi nito.
Umupo ako sa tabi niya. Tumikhim naman ito, bago umayos.
"Kumain kana?" tanong ko dito.
Umiling ito. "I want you to be my food."
"Gago!" singhal ko dito. "Bakit ako ang gagawin mong pagkain?"
"Dahil mas masarap ka." Pumwesto ito sa paanan ko. At pinaghiwalay ang hita ko. "Especially, this tahong of yours."
Akmang ibababa niya ang panty ko, pero napatigil siya, nang bumukas ang pinto. Mabilis ko siyang tadyakan, nang makita ko ang Anak ko.
"Mama!" Tumakbo ito palapit sa akin, at sumampa sa kama. "Nagkain ako po."
"Busog na busog ang baby ko." Hinalikan ko siya sa noo. "Madami ka bang kinain?"
"Opo." Napatingin ito kay Qwedei, na nasa lapag at sapo ang kaniyang tiyan. "Papa, ano gawa mo po diyan? May hinahanap ka?"
Tumayo naman si Qwedei, at umupo sa kama. Sapo nito ang tiyan niya, mukhang napalakas ata ang pagsipa ko.
"Nalaglag lang ako," sagot dito ni Qwedei. "Ano? Busog kana?"
Tumango si Noshi, bago kumandong dito. Mabilis ko namang hinalikan sa labi si Qwedei, na ikinatigil nito.
"Sorry, " sabi ko dito.
"It's okay." Ngumiti ito ng malaki. "I'm satisfied to your kiss."
Natawa lang ako, bago sumandal sa headboard ng kama. Umusog naman papunta sa tabi ko si Qwedei, at sumandal din habang kandong si Noshi.
"Gusto n'yong manood?" tanong ni Qwedei.
"Gusto ko nood po," si Noshi ang sumagot. "Yung cartoons, yung maganda."
May kinuha naman si Qwedei sa gilid niya. Isang remote. Pinindot niya ito, at kasabay non ang pagbukas ng T.V na nasa paanan namin.
Lion king ang pinindot niya, dahil iyon ang itinuro ni Noshi. Mukhang magiging under siya kay Noshi.
"Rawr!" sabi ni Noshi kay Qwedei. "Rawr, Papa."
Natawa si Qwedei. "Rawr, Noshi."
At ayun, nagharutan na ang dalawa sa paanan. Natawa na lang ako, at masaya silang pinanonood.
"Mama!" Sumuot si Noshi sa kumot na nakakumot sa paa ko. Yumakap ito sa beywang ko, habang tumatawa.
Natatawang dumukwang naman sa akin si Qwedei, at pinagtapo ang mga labi namin.
"Mahal ko kayong dalawa ni Noshi," sincere na sabi nito.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya. Tiyaka kona siguro sasagutin ang mga sinasabi niya, kapag nasigurado ko nang wala ng banta pa sa amin.
"Mama!" Umalis sa pagkakatalukbong si Noshi, at pareho kaming niyakap ni Qwedei sa leeg. "Mahal si Mama at Papa."
<<----->>
KINABUKASAN ay wala ang dalawa nang magising ako. Lumabas ako ng kuwarto, at bumaba.
Agad akong dinumog ng kaba, nang makita ang mga nagkalat na mga gamit sa ibaba. Nakita ko ang tatlong katulong na nakatali, at walang malay.
Agad ko silang nilapitan. "Ate, ano pong nangyari? Ate?"
Nagising naman ang isa, takot na takot itong sumigaw, dahilan para magising din yung dalawa.
"Kalma po, ano pong nangyari?" tanong ko. "Nasaan po si Qwedei? Nasaan po yung Anak ko?"
May itinuro ang isang katulong. Nilingon ko naman iyon. May papel na nakadikit sa gilid ng hagdan.
Pinakawalan ko muna sila, bago tumayo at lapitan ito. Kinuha ko ang papel at agad binasa ang nakasulat doon.
Sampung milyon kapalit nilang dalawa, sa loob ng tatlong oras. Kapag wala ka pa ng tatlong oras, ipapadala kona lang ang ulo nilang dalawa sa'yo.
May numero sa ibaba. Agad naman akong lumapit sa telepono, at tinawagan ito.
"Uvexiu!" masayang boses ni Gerald agad ang sumalubong sa tainga ko. "Tangina kang babae ka! Nauto ako ng matandang 'yun! Peke lahat ng pera!"
"Deserved mo yan," panunuya ko dito.
Natawa ito. "Sige, magyabang ka. Isa lang ang ililigtas mo sa kanilang dalawa."
"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.
"Sampung milyon para sa isang ulo," sagot nito. "Kailangan mong mamili kung sino ang ililigtas mo, kailangan mong mamili kung sino ang sasabog sa dalawa."
"Gerald!"
"Akala ko ba matapang kana?" Tumawa ulit ito. "Ang Anak mong inutil o Ang bilyonaryo mong mapera."
Biglang namatay ang tawag.
Naibalibag ko ang telepono dahil sa sobrang galit. Tanginang Gerald yan! Papatayin ko talaga siya! Tangina niya!
"Uvexiu!" Napalingon ako, sa tumawag sa akin.
"Uven." Kusang nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang ay nahawakan ako nito. "Si Qwedei, Si Noshi."
"Alam na namin kung nasaan sila," sabi. "Wag kang mag alala, kapag nakarating tayo doon ay hawak na ng mga pulis si Gerald at Cynthia."
"Huh?" naguguluhang tanong ko. "Hindi ko maintindihan,"
Ngumisi lang ito, bago ako alalayang tumayo. "Makikita mo, kapag nakarating tayo doon."
Tumango lang ako. Kahit naguguluhan pa rin.
Sana ay wala ng mangyari pang masama.
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomantizmWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...
![Bring me to Heaven [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/330603240-64-k356097.jpg)