UVEXIUNANG makapasok ako sa bahay ni Tanda, ay nakita ko agad si Uven na nasa labas at mukhang hinihintay ako.
"Ang aga m–Anong nangyari?" kunot noong tanong nito.
Umiwas ako ng tingin. "Wala."
"Uvexiu." Kusa na lamang akong napaluha ng sapuhin nito ang magkabilanh pisngi ko, at iharap ako sa kaniya. "Sabihin mo kay Kuya. Anong nangyari?"
Sunod sunoda tumulo lamang ang luha ko. Agad akong niyakap.
"A-ang sakit," iyak ko dito. "G-gusto ko lang naman maging masaya, Uven eh. Bakit hindi ibinibigay sa akin?"
"Sorry," sabi lang nito.
"K-kailan mo ba sila huhulihin?" Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya. "Pagod na yung kapatid mo eh, gusto ko ng makawala at gawin ang mga gusto ko."
"Malapit na, kaunting hintay na lang." Pinunasan nito ang mga luha ko. "Kaunting hintay na lang, pangako."
Parang batang ngumuso lang ako at naupo. Tinabihan naman ako nito.
"Alam na niya lahat," sabi ko dito. "Yung nangyari dati sa Papa ni Noshi, sinabi sa kaniya lahat ni Cynthia. Galit siya sa akin, pero mas mabuti yun para naman tantanan na siya nila Gerald."
"But you love him right?" hindi ako nakakibo sa sinabi nito. "You love, Qwedei."
Nagkibit balikat ako. "Maybe? Ewan mo,"
"Don't worry, I know him." Inakbayan ako nito. "Marupok ang gagong iyon, tingnan mo, bukas makalawa nandito na yan."
"Sira!"
Natawa lang ito.
Saglit pa kaming tumambay sa labas, bago namin napagdesisyunang pumasok sa loob. Agad akong dumiretso sa kuwarto namin ni Noshi.
Inilapag ko ang bag ko, at nagpalit ng damit. Naghilamos ako, bago tabihan ang Anak kong mahimbing na natutulog.
"Love you, baby boy." Hinalikan ko ito sa ulo, bago yakapin at matulog.
Alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako, kahit inaantok pa ako ay hindi na ako nakatulog. Hindi ko alam, pero parang hinihila ng katawan ko na manatili akong gising.
Siguro ay nasanay na ako, dahil ganitong oras ako nagbibihis para puntahan si Qwedei, bilang bodyguard niya.
Tanginang utak ito, puro Qwedei ang umiikot. Nilason ata ako ng gagong lalaking yun eh.
"Uvexiu." Napalingon sa pintuan ng kuwarto ng may nagsalita. "Gising kana?"
"Mukha ba akong tulog?" masungit na tanong ko kay Uven, na ikinatawa nito.
"Aalis na ako," paalam nito. "Kailangan ko ng bantayan si Qwedei."
Tumango ako. "Sige, anong oras ka uuwi?"
"Twelve," tugon nito. "Pagkatapos non si Alqui na ang magbabantay kay Qwedei."
"Bilhan mo akong caramel cake," sabi ko dito. "Hindi ko birthday, pero gusto kong kumain ng cake."
Tumango lang ito.
Sinarado na nito ang pinto. Bumalik na lamang ako sa aking pagmumuni muni. Nakakainip.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga, nabalik lang ako sa reyalidad, nang maramdaman ko ang yakap ni Noshi.
"Mama," malambing na saad nito.
"Anong kailangan ng baby ko?" tanong ko dito. "Maayos ba ang tulog mo?"
"Nagugutom ako po." Tiningala ako nito. Nakanguso ito. "Mama, gusto kona kain po."
"Opo, kakain tayo." Hinawi ko ang buhok niyang tumatakip sa mukha niya. "Mahaba na buhok mo, papagupitan kana ni Mama."
Nakangusong umiling ito.
Umalis kami sa kama at lumabas ng kuwarto. Dumiretso kami sa kusina ni Noshi.
May nakahain na sa lamesa, kaya naupo na lamang kami ni Noshi at nagsimulang kumain.
"Sarap?" tanong ko dito.
Tumango lang ito.
Natawa ako, bago guluhin ang buhok nito. Masaya lang kaming kumain ng Anak ko, hanggang sa natapos kami.
"Nak, pagupitan ka ni Mama," sabi ko dito. "Bili din tayo maraming laruan mo."
"Raluan?" tanong nito. "Ayaw gupit, Mama."
"Kailangan mo pong magpagupit," sabi ko dito. "Kaunti na lang po kasi, mag school kana."
Napanguso ito. "Kailangan gupit?"
"Opo."
Tumango na lang ito.
Nagtungo kami sa kuwarto ng Anak ko, at sabay naligo. Minatchy ko ang damit namin, wala lang trip ko lang. Para kasing ang cute.
"So, pogi naman ng baby boy ko," sabi ko dito. "Alis na tayo."
Lumabas kamu ng kuwarto at bumaba. Bumungad sa amin si Tandang Noel na nasa sala, may ibang tao din na nag aayos ng bahay.
"Anong meron?" tanong ko dito.
"Gusto ko lang i-make over ang bahay ko," sagot nito. "May lakad kayo ni liit?"
"Pagugupitan ko siya," tugon ko. "Hiramin sana namin yung driver at kotse mo."
"Nasa garahe," sabi nito. "Alas tres nga pala ang session ng Anak mo, wag mong kalimutan." May dinukot ito sa bulsa niya at inabot sa'kin. ATM card. "Para hindi kana gumastos sa pera mo."
"Hindi na kai–"
"–Kunin mona." Inilagay niya ito sa palad ni Noshi. "Minsan lang ako hindi maging kuripot."
"Salamat." Nginitian ko siya. "Salamat, panot."
Natatawang hinila ko ang Anak patungo sa garahe. Sinabi ko sa driver ni Tanda, na hihiramin mona namin siya at masayang pumayag naman ito.
"Kay Lolo itong car?" tanong ni Noshi. "Bakit yung car niya malaki?"
"Mayaman kasi Lolo mo," sagot ko lang dito. "Kapag pasok, hingan mo ng pera yun ng marami."
Tumango ito.
Hindi na muli itong nagsalita, hanggang sa makarating kami sa mall. Balak ko sanang sa barber shop na lang siya pagupitan para mura, kaso nag offer si Tanda ng ATM kaya sulitin kona pagiging rich ko.
"Thank you Kuya, mag taxi na lang kami pauwi," sabi ko dito.
Tumango lang ito.
Pumasok na kami ni Noshi sa mall, at ang Anak ko ay tuwang tuwa at bakas ang pagkamangha sa mukha.
Una kaming nagtungo sa barber shop. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang taong nagpapagupit doon. Walang emosyong nakatingin ito sa akin mula sa salamin.
"Ano pong gupit ni baby boy?" tanong nung beking maggugupit.
"Kahit ano po, basta po magandang tingnan." Binuhat ko ang Anak ko at inupo sa upuan. "Wag malikot ah?"
Tumango lang ito at hinawakan ang kamay ko. Nakatayo lamang ako doon habang inuumpisahan siyang gupitan.
Medyo nakakailang pa dahil nagkakasalubong ang tingin namin ni Qwedei mula sa salamin.
Kung nandito si Qwedei, ibig sabihin nandito din si Uven. Inilibot ko ang paningin ko, at nakita ko ang isang lalaking may bigote sa labas na may suot na sumbrelo.
Kahit naka-disguise alam kong si Uven yun. Hindi man lang ginalingan ang pag-di-disguise.
Gumawi sa gilid ko yung nag-gugupit. Bahagya akong napaatras, kaso ay hindi ko napansin yung wire kaya napaatras ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapaupo ako sa kandungan ng kung sino.
Shit! Ang laki!

BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...