UVEXIU
"BAKA gusto mong tumayo," malamig na sabi ni Qwedei.
Nabalik naman ako sa ulirat, at mabilis na tumayo. Tumikhim ako para mawala ang awkward atmosphere na feeling ko ay nakapaligid na sa amin.
"Kaloka, sana all nadama si Sir," sabi ng baklang naggugupit kay Noshi.
"Wala akong nadama," sabi ko dito.
Siyempre joke lang, laki nga eh.
"Really?" sarkastikong tanong nito. "Parang hindi ako inungol eh."
Pabulong lang ang sunod niyang sinabi, ngunit narinig kopa rin. Parang aning lang eh, ang alam ko galit sa akin ito eh.
Marupok nga siguro ang lalaking ito, kagaya na lamang ng sabi ni Uven.
"Mama!" Nabaling ang tingin ko sa Anak ko, na parang takot na takot. "Mama!"
"Bakit?" alalang tanong ko dito. Hinawakan ko ito sa kamay. "Anong problema?"
Umiling lang ito, at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Mukhang takot pa rin sa tao itong Anak ko.
Nang matapos ng gupitan si Noshi, ay tapos na din si Qwedei. Infairness, mas lalo siyang yummy.
"Pogi naman ng Anak ko." Pinagpagan ko ang damit niyang may kaunting buhok. "Kamukha mona si Papa mo."
"Psh!" dinig kong singhal ni Qwedei, na hindi kona lamang pinansin.
"Magbabayad lang si Mama ah?" Ibinaba ko ang Anak ko. "Dito ka lang po."
Tumango lang ito.
Lumapit ako sa cashier at inabot ang credit card ni Tanda. Habang naghihintay ay nilingon ko ang Anak ko. Kausap na ito ni Qwedei.
"Mukhang mag ama," hindi maiwasang bulong ko.
Ang saya siguro kung naging maayos kami ni Qwedei. Kaso malabo, at hindi puwede dahil mapapahamak lang siya sa akin.
"Ma'am, ito na po yung credit card mo." Napatingin ako sa baklang kahera. "By the way, ang cute po ng mag ama mo."
"Hindi po siya yung Tatay." Kinuha ko yung credit card ko sa kaniya. "Driver ko lang po ang kausap ng Anak ko."
"Po?" kumunot ang noo nito. "Hindi ba at si Qwedei Aguilar po iyon?"
"Kamukha niya lang," sabi ko. "Sige po, salamat."
Nginitian ko muna siya, bago lapitan si Noshi na kausap ni Qwedei.
"Anak, halika na." Hinawakan ko ito sa kamay. "Ibibili kana ni Mama ng mga toys."
Tumingin ito saglit, bago lingunin muli si Qwedei. "Alis na kami po. Ba-bye."
"Take care." Ti-nap ito ni Qwedei sa ulo.
Hinila kona paalis doon si Noshi, ng hindi man lang kinikibo si Qwedei. Tiyak naman kasing susungitan niya lamang ako.
Dumiretso kami sa bilihan ng mga laruan ng Anak ko. Ayun, ang bata agad na tumakbo at dumampot ng mga laruan.
Napangiti na lamang ako bago kumuha ng cart at sundan ito. Lagas ang pera mo, Tanda.
Kung ano ano ang pinagkukuha ni Noshi, na pinabayaan kona lamang. First time ng Anak ko ito, at i-i-spoiled ko siya, pero sa tamang paraan naman.
"Aray!" daing ko ng may bumunggo ng cart namin. Naipit yung daliri ko ng kaunti.
Inis kong nilingon ang may gawa non. Si Qwedei.
"Sorry," walang emosyong sabi nito.
Nananadya ata 'to eh.
"Ito, Mama!" Binalingan kona lang ang Anak ko, na tumatakbo palapit sa akin, bitbit ang dalawang robot.
Muntik na itong masubsob, mabuti na lamang ay agad siyang nasalo ni Qwedei.
"Hey, careful." Inayos niya ito ng tayo, at sinuri ang katawan nito. "You all right?"
Ngumiti lang si Noshi, bago lumapit sa akin. Inilagay nito ang robot sa cart ko, na tila wala lang sa kaniya ang nangyari.
"Ayos ka lang?" tanong ko dito.
Umiling ito.
Binalikan nito si Qwedei, na nakaluhod pa at hinawakan sa kamay. Hinila niya ito patayo, bago pagpagan ang pantalon nito na may alikabok.
"Salamat po," nakangiting sabi dito ni Noshi. "Gusto mo din po toys?"
Natawa si Qwedei, bago umiling dito. "Marami akong toys sa bahay,"
"Talaga po?" masayang tanong dito ni Noshi. "Pwede ako po pahingi?"
"Kapag malaki kana." Tumingin sa akin si Qwedei. "Sa ngayon kasi bawal pa sa bata yung toys ko."
"Ano po yung mga toys n'yo?" inosenteng tanong dito ni Noshi.
"That toys, can give pleasure to a human." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot nito sa Anak ko.
Mabilis kong dinampot, ang isang laruang matigas at binalibag sa kaniya. Tinamaan naman ito sa noo, sinapo nito ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
"That's hurt!" inis na sabi nito.
"Kung ano anong kababuyan ang sinasabi mo sa Anak ko!" singhal ko dito.
"What!?" nagsalubong ang kilay nito. "You're just dirty minded! Hindi porket pleasure, bastos na agad. Kapag masaya ka, pleasure din yun!"
"K-kasi sabi mo bawal sa bata!" depensa ko.
"Yeah, it's for adult." masama pa rin ang tingin nito sa akin. "Ps4 ang tinutukoy ko! Totoo namang masama pa sa bata iyon, lalo na sa edad ng Anak mo ngayon. Masisira ang mata niya."
Malay koba? Ayaw niya kasing linawin.
"What are you thinking? A fvcking sex toys?" tanong nito. "Damn! Kahit hindi ako gumamit non, daliri ko pa lang napapatirik na kita."
"Bunganga mo!" saway ko dito. "Umalis kana nga!"
"Bakit? Sa'yo 'tong mall?" umirap ito.
Napairap na lang din ako, bago buhatin ang Anak ko at iupo sa ibabaw ng cart.
"Anak, enough na muna siguro ito," sabi ko dito. "Sa susunod na lang ulit."
Tumango lang ito, kaya tinulak kona ang cart palayo kay Qwedei. Kinawayan naman ito ng Anak ko.
Nagtungo kami sa counter at nagbayad. Naka 15k lang naman kami, tanginang laruan 'to. Ginto ata.
Nang maibalot na lahat ay binitbit kona iyon. Dinala ko sa jollibee ang Anak ko, dahil baka gutom na.
"Oorder si Mama." Inilapag ko yung mga pinamili namin sa tabi niya. "Wag pong aalis, maliwanag?"
Tumango lang ito.
Nagtungo ako sa counter at nag order. Umorder lang ako ng kahit ano, habang tinatanaw tanaw ang Anak ko.
Nang makaorder ako ay agad ko itong binalikan. Dala ko ang drinks namin, kasunod ko naman ang isang crew na dala ang foods namin.
"Thank you," nakangiting sabi ko dito, nang mailapag na niya ang foods namin.
Nagsimula na kaming kumain ng Anak ko.
"Puwedeng makiupo?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. "There's no extra vacant seat."
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng jollibee, wala na ngang bakanteng upuan kaya tumango na lang ako.
Inilapag nito ang pagkain niya sa lamesa, at umupo sa tabi ni Noshi. Sa pang apatang upuan kasi kami nakaupo ni Noshi, dahil wala ng extra for two seats only.
Pero kanina pa itong Qwedei na ito eh, kaunti na lang talaga at iisipin kong sinusundan niya kami ni Noshi.
"I know that look," sabi nito. "Hindi ko kayo sinusundan, wag kang assumera."
Ay wow, ako pa talaga?
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...
![Bring me to Heaven [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/330603240-64-k356097.jpg)