Chapter 16

16.7K 420 13
                                    

UVEXIU

    HINDI pa rin maayos ang pakiramdam ko, kaya magdamag lang akong nakahiga sa kuwarto ko sa bahay habang inaalagaan ni Uven.

Wala rin akong balita kay Qwedei, hindi ko nga alam kung buhay pa ang lalaking 'yon. Mukhang naghanap na ng bagong magpapasaya sa kaniya, at gigilingan niya.

"Hey." Napalingon ako sa pumasok. Si Uven. "Uncle, make a tea for you. I don't know if it's delicious, it's smells like gross."

"Sa tingin mo iinumin ko 'yan?" sarkastikong tanong ko dito. "Tapon mo yan, umaalingasaw yung amoy."

Natawa ito, bago ilapag yung tasa malayo sa akin. "So, how's your feeling?"

"Maayos na naman," tugon ko. "Siguro makakapasok na ako sa bar mamaya–"

"–You still want to go to that place?" Kumunot ang noo nito. "Uvexiu, I can give you whatever you want, just please don't comeback to that place again."

"Kailangan Uven. Tandaan mo, hawak pa nila ako. Wala pa tayong plano kung paano mo ako mapapalaya mula sa kanila, " sambit ko dito. "Kailangan munang go with the flow muna ako."

"Don't worry, sayaw lang ang tanging trabaho ko doon," dagdag ko pa. "Pero sana ay bilisan mona Uven. Target din nila si Qwedei, at ako ang ginagamit nila para makuha ang mga kayamanan nito."

Sumeryoso ang mukha nito. "Kaunting tiis na lang, pangako. Iaalis kita sa kanila."

Nginitian ko lamang siya bilang sagot.

Saglit pa kaming nag usap ni Uven, bago ito lumabas. Aalis daw muna siya para hagilapin si Qwedei, baka daw mapano na ito.

"Mama!" Masayang tumalon sa kama ang Anak ko, na kapapasok pa lang ng kuwarto. "Raralo kami kanina nun Doktol."

"Anong nilaro n'yo po," malambing kong tanong dito.

"Yung car po, tapos marami pang toys," sagot nito. "Sasaya ako, Mama."

Napangiti na lamang ako, bago haplusin ang buhok nito. Bumubuti na ang lagay ng Anak ko, at hiling kong magtuloy tuloy na 'yon.

"Anak, pangako mo kay Mama na hindi kana hahawak ng kutsilyo at ng mga bagay na makakapanakit," sabi ko dito. "Please, promise mo kay Mama."

"Promise po," sabi nito. "Sabi din ni Doktol, bad daw po yun eh."

"Tama yun, bad po yun," saad ko dito. "Dapat puro toys lang ang hahawakan mo, at yung mga bagay na hindi makakapanakit."

Tumango ito. "Mama, may titindang choco doon po sa labas. Gusto ko po bili po,"

Napaka cute talaga ng Anak kong ito.

"Bibili tayo." Umalis ako sa kama. "Bibilhan ka ni Mama, dahil very good ka."

Ngumiti naman ito ng malaki bago humawak sa kamay ko.

Dinampot ko muna ang wallet ko, bago kami lumabas ng Anak ko. Nadaanan pa namin si Tandang Noel sa garden na nag-go-golf, pero hindi na lamang pinansin.

Nang makalabas kami gate, ay natanaw ko sa kabilang kalsada ang isang manong na nagtitinda ng chocolate ice cream.

"Yun, Mama po!" Tinuro ni Noshi ang nagtitinda.

Tumawid kami ng Anak ko at nilapitan ito. "Manong, dalawang thirty pesos po, sa apa."

Sumandok ito ng ice cream, yung una ay ibinigay ko kay Noshi, tapos yung pangalawa ay sa akin. Nang makapagbayad ako ay umupo kami ni Noshi sa tabing kalsada habang kumakain ng ice cream.

"Mama, niririble ako ni Lolo nito lagi po," sabi nito. "Masarap pala ice cream po. Kay Geral kasi ayaw niya ako bigyan ice cream po."

"Anak, wala kana kay Gerald. Sabihin mo lang kay Mama, lahat ng gusto mo at ibibigay ko." Pinunasan ko ang gilid ng labi nito na may ice cream. "Hindi kana makukuha ni Gerald, hindi kana niya masasaktan."

Tumango ito. "Marami akong gusto po Mama. Pero mas gusto ko po na dito lang ikaw po sa tabi ko, ayaw ko po ulit makuha ni Gerald po."

"Hindi na Anak, pangako ni Mama yan," nakangiting sabi ko dito. "Okay po?"

Tumango ito, at masaya na lamang dinilaan yung ice cream niya.

Nagkulitan lamang kami ng Anak ko doon, habang pinagtitripan ang mga mukha naming marusing gawa ng Ice cream. Nang mainip na kami ay tumayo na kami at napagpasyahang pumasok sa loob.

Naunang pumasok ang Anak ko. Akmang papasok na din ako, ngunit nahinto ako ng may mahagip ang aking mga mata.

"Anak, doon ka muna kay Lolo mo. May titingnan lang saglit si Mama," sabi ko dito.

Tumango naman ito, bago tumakbo palapit kay Tandang Noel. Bahagya ko namang sinara ang gate ng bahay, bago dahan dahang lumapit sa kotse ng taong iyon.

Hindi ko man makita ang reaksiyon ng mukha niya, pero nararamdaman kong galit siya. Hinawakan ko ang pinto ng passenger seat at bukas ito.

Paghila ko ng pinto pabukas ay natigilan ako ng makita ang eksena sa loob. Si Qwedei ay nakikipaghalikan sa isang babae.

Malamig na nakatingin sa akin si Qwedei, habang patuloy sa paghalik sa babae.

"Yan na yun?" sarkastikong tanong ko dito. "Laplap lang ang revenge mo? Kayang kaya kong higitan yan Qwedei. Handa akong bumukaka para lang sa paghihiganti."

Kita ko ang pag igting ng panga nito at pagyukom ng kaniyang kamao.

Lumingon naman sa akin yung babae, at parehas kaming natigilan ng makilala ang isa't isa.

"Uvexiu?" Bumangis ang itsura nito, dahilan para mapaatras ako. "You bitch!"

Bago pa niya ako mahablot ay mabilis na akong tumakbo papasok sa bahay. Nilock ko ang gate, at habol hiningang sumandal dito.

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko. Maayos naman ang relasyon namin dati ni Cynthia eh, magkaibigan kami at sanggang dikit. Kaso nga lang, nagbago iyon ng mamatay si Noah.

Binaril si Noah, sa harapan namin dalawa. Pero imbis na lapitan ko si Noah, ay sumama ako sa mga bumaril sa kaniya dahil sa takot na pati si Cynthia ay patayin nila.

Doon nagsimulang mabura ang pagkakaibigan namin ni Cynthia, doon nagsimula ang galit niya para sa akin.

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon