UVEXIU
TANGINA! Parang gusto kong ma-inlove sa sarili ko ngayon. Ang pogi ko, kamukhang kamukha ko si Uven
"Magkamukhang magkamukha kayo," Sabi ni Lolo Noel. "Ikaw na ikaw si Uven."
"Sigurado ka bang safe itong wig na ito?" Tanong ko at hinawakan ang wig ko. "Aba, kapag nagkabukuhan labas ako ah?"
"Walang mabubuko, basta mag ingat ka lang." Sabi nito. "Bilisan mona, nasa labas na ang kaibigan ni Uven."
Tumayo naman ako, akmang lalakad na ako pero hindi natuloy ng hampasin ako ng tungkod ni tanda sa hita
"Aray! Ano ba!" Reklamo ko dito
"Walang dibdib si Uven!" Inangilan ako nito
Napatingin naman ako sa dede ko. Anong magagawa ko? Eh malaki talaga 'to
"Isuot mo ito," May inabot ito sa aking parang tela
Inis ko namang kinuha iyon at isinuot, lumabas ako ng banyo habang binubutones ang suit ko
"Yan, puwede na." Sabi nito. "Tandaan mong si Uven ka ngayon, ayusin mo ang lakad mo! Wag kang malandi!"
"Bunganga mo naman, tusok ko 'yang tungkod mo sa bunganga mo eh!" Singhal ko dito bago tuluyan siyang layasan
Bumaba ako ng hagdan at bumungad sa akin ang isang guwapong lalaking naka suit.
"U-Uven," Utal na sambit nito
"Uvexiu," Pakilala ko. "Babae talaga ako."
"Ikaw pala yung sinasabi ni Mang Noel." Ngumiti ito. Tangina! Ang pogi!. "Kamukhang kamukha mo si Uven ngayon, pakilakihan lang yung boses hehe."
"Okay," Sabi ko
Lumabas kami ng bahay ni Lolo Noel at sumakay sa isang magandang sasakyan
"Si Uven ang pinagkakatiwalaan ni Master Qwedei kaya sana ay galingan mo," Sabi nito. "Mag ingat ka din sa kilos mo dahil magaling siyang kumilatis ng tao."
Tumango ako. "Kailan pala ang sahod ni Uven?"
Kailangan ko ng pera ngayon.
"Sa makalawa," Sagot nito
Napatango lang ako bago pumito pito. Halos isang oras ata ang binyahe namin bago kami huminto sa isang malaking bahay
Ang laki!
Bumaba si–teka ano nga bang pangalan nito?
"Ano pa lang pangalan mo?" Tanong ko dito habang sinasabayan siya ng lakad
"Alquiroz, Alqui ang tawag sa akin ni Uven," Sagot nito. "Uhm, tikasan mo ang lakad mo, wag kang kumembot."
Tumikhim naman ako at tinikasan ang aking lakad. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay lalo akong namangha dahil sa ganda
Sarap asawahin ng Boss ni Uven.
"Nasa taas ang kuwarto ni Master Qwedei, kulay pulang pinto." Sabi nito. "Umakyat kana sa taas."
Tumango naman ako bago umakyat ng hagdan, ang dulas ng hagdan, para akong madudulas
Sinunod ko ang utos niya, hinanap ko ang kulay pulang pinto. Tumapat ako dito at saktong bumukas ito
Napaawang ang bibig ko ng bumungad sa akin ang isang matikas na lalaki na may mala anghel na mukha. Nakatapis lang ito ng tuwalya kaya kitang kita ko ang katawan niya
Oh shit!
"Ang sarap mo naman," Wala sa sariling sabi ko
"What!?" Kumunot ang noo nito. "Are you Gay Uven!?"
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
CintaWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...
![Bring me to Heaven [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/330603240-64-k356097.jpg)