UVEXIU
HANGGANG makarating kami sa bangko ay wala pa rin sa sarili si Tandang Noel. Na-praning din ata kagaya ni Qwedei
"Humihinga kapa ba?" Tanong ko dito
Napahinga lang ito ng malalim bago umiling. "Maghintay ka lang diyan sa akin, ako ng aasikaso ng lahat."
"Isang milyon ang kailangan ko ah?" Paalala ko dito
Tumango lang ito bago magtungo sa counter. Naupo lang ako sa waiting area kagaya ng bilin niya.
"U-Uven!?" Napaangat ako ng tingin ng may magsalita. Shit! si Qwedei. "Is this for real!?"
Natawa ako ng peke. "Who's Uven? Hindi mo ba ako nakikilala? Nagtanggal lang ako ng make up."
Namilog ang mga mata nito ganun din ang bibig nito. "A-Are you the woman in the bar?"
Nakangiti akong tumango. "Mukhang nakalimutan mo ang pangalan ko, hindi mo kasi naiungol kagabi." Mahina akong napatawa. "Uvexiu ang name ko."
"I didn't forget your name," Naupo ito sa tabi ko. "Bakit umalis ka agad ng makatulog ako?"
"May inasikaso ako," Sagot ko dito. "Ano? Kumusta naman ang tulog mo?"
"Masarap," Kinuha nito ang isang kamay ko at pinaglaruan iyon. "Kagaya ng ginawa natin kagabi, masarap."
"So? Anong balita sa pagkalito mo sa sarili mo?" Nakakalokong tanong ko dito
Kita ko ang pamumula ng magkabilang tainga nito. "Well, I think I'm not attracted to my bodyguard anymore."
"Hindi kapa rin sigurado?" Tanong ko dito. "Wala namang masama sa pagiging bisexual Qwedei."
Talaga lang Uvexiu ah? Kapag nalaman niyan ang totoo baka sapakin ka niyan
"I know but I'm one hundred percent sure that I'm not bisexual," Sambit nito. "Just forget that, let's just remember our memorable make love last night."
"Make love?" Natatawang binawi ko ang kamay ko. "Qwedei, hindi tayo lover. Pure sex lang iyon okay?"
Kita ko ang pag iiba ng emosyon nito, sumeryoso ang mukha niya na parang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko
"Is that just a plain sex for you?" Mapaklang tanong nito
"Bakit? Yun lang naman yun diba?" Come on, please wag kang ma-attract sa'kin. "Qwedei, pokpok ako, ginagawa ko lahat ng ito sa mga customer k–"
"–You said pangalawa ako sa nakagalaw sa'yo," Nag igting ang panga nito. "Ibig sabihin kagaya ng nauna sa'yo ay iba ako sa kanila, importante ako sa'yo."
Bago pa ako makapagsalita ay tumayo na ito at dire diretsong lumabas ng bangko.
Napahinga na lang ako ng malalim. Tama naman siya, iba siya sa ibang lalaki pero kasi ayokong mapalapit siya sa'kin. Gusto ng mga may hawak sa'kin na mapalapit kami ni Qwedei sa isa't isa tapos iuutos nila sa'kin na kuhanin ko ang loob nito at saka ko siya nanakawan.
Uubusin nila ang yaman ni Qwedei at papatayin nila ito kagaya ng ginawa nila sa unang taong naging sandigan ko.
Alam kong attracted sa'kin si Qwedei, ganoon din naman ang nararamdaman ko sa kaniya pero kasi hindi puwede. Kung may mamagitan man sa amin ay yun lang ang pagiging babae niya ako sa bar at customer ko siya.
At isa pa matatanggap niya kaya ng buo ang isang katulad kong babae? Matanggap niya kaya ako kahit may Anak na?
"Ito na yung isang milyon milyon mo," Nabalik ako sa ulirat ng may malaking bag ang tumapat sa mukha ko. "Pakisiguradong ibabalik mo agad yan, obsessed sa pera ang kapatid mo."
"Nandiyan ka naman," Nakangising sabi ko bago kuhanin yung bag sa kaniya. "Bukas na pala ako papasok kay Qwedei, babush."
Hindi kona siya hinintay sumagot dahil agad na akong lumabas ng bangko at pumara ng taxi.
Napatingin ako sa malaking bag na puno ng pera. Excited ako na kinakabahan, after ilang taon sa wakas makakasama kona ulit siya
Nang makarating sa lugar na iyon ay agad akong bumaba. Humigpit ang hawak ko sa bag ng pera habang naglalakad papasok sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan naranasan ko ang isang impyerno, sa lugar kung saan namulat sa takot ang aking pagiging bata
"Nagbabalik!" Malakas na sabi ni Jaguar at tumawa. Ramdam ko ang tingin ng iba sa'kin. "Anong balita?"
"Si Gerald?" Walang emosyon kong tanong dito
"Nasa opisina niya," Sagot nito
Nilampasan ko siya at nagtungo sa opisina ni Gerald pero hindi ko inasahan ang bubungad sa'kin. May hinahataw na batang lalaki si Gerald.
"TANG INA MO!" Galit ko siyang tinulak
Mabilis kong binuhat ang batang lalaki na iyon at niyakap, hindi ito umiiyak pero kitang kita sa mukha niya ang sakit
"Ikaw pala," Ngumisi si Gerald. "Tinuturuan ko 'yang Anak mong maging matapang dahil magiging tauhan ko din siya balang araw."
"Hinding hindi siya susunod sa yapak mo!" Galit kong sambit
"Tapang mo ah?" Ngumisi ito. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo?"
Matapang ko siyang hinarap bago sinipa palapit sa kaniya yung bag na puno ng pera
"Yan na ang pera mo Gerald, akin na ang Anak ko." Sabi ko dito. "Pakiusap lang, wag na wag mo ng guguluhin ang buhay ng Anak ko."
Dinampot niya ang bag ng pera at tiningnan ang laman nito. Napangisi si Gerald bago yakapin ang bag na puno ng pera.
Binuhat ko ang Anak ko at lumabas ng kaniyang opisina. Nakatingin sa amin ang mga tauhan ni Gerald ng makalabas kami ng Anak ko ngunit hindi kona sila pinagtuonan ng pansin.
Nang makalabas ng lugar na iyon ay ibinaba ko sa gilid ang Anak ko at sinuri ang katawan niya. Ang payat ng katawan niya, marami siyang sugat at pasa sa katawan.
"Mama," Ngumiti ito. "Tama na si Gerald, kapag hindi ako umiyak, babalik ka sa akin."
"Nandito na si Mama," Niyakap ko siya kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. "H-Hindi kana nila makukuha, hindi kana mawawala kay Mama."
Naramdaman ko ang pag ganito nito sa aking yakap. "Opo, Mama. Tahan kana."
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...
![Bring me to Heaven [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/330603240-64-k356097.jpg)