Chapter 5

21.5K 522 13
                                    


UVEXIU

    MAKIKITA kona naman si Qwedei, hindi bilang Uvexiu kung hindi bilang Uven.

"May tanong ako," Agaw pansin ko kay Alqui habang naglalakad kami papasok ng bahay ni Qwedei. "Allergic sa kape si Uven diba? Bakit siya ang pinagtitimpla ng kape ni Qwedei?"

"Hindi naman siya ang usually nagtitimpla, inihahanda niya lang tapos yung katulong ang magtitimpla," Tugon nito kaya napatango na lang ako

Napahinto kami sa paglalakad ng masalubong namin si Qwedei na nakabihis na at mukhang paalis na. Ngiting ngiti ito na ikinangiwi kona lang

Pogi sana mukha lang baliw.

"Papasok na ako," Sumeryoso ang mukha nito ng makalapit siya sa amin

Agad agad? Haler, ang aga aga pa kaya!

Nauna itong naglakad palabas, sumunod dito si Alqui kaya no choice ako kung hindi ang sumunod na lang din.

Nakasakay na sila sa sasakyan ng makalabas ako kaya sumakay na lang din ako.

Tiningnan ko si Qwedei mula sa rearview mirror, parang tangang nakangiti ito. Masaya ba siya dahil binitin ko siya kagabi o may nakantot siyang iba kaya siya mukhang tangang nakangiti mag isa?

Naputol ang pagtingin ko dito ng biglang pumreno yung driver, buti na lang ay naka-seatbelt dahil kung hindi ay mangungudngod na naman ako.

"Ano ba!?" Sita ko dito

Muntik na akong mapatili, pesteng driver na'to.

"What's the matter?" Dinig kong tanong ni Qwedei

"Boss, nasiraan yata ang nasa harapan natin," Tugon ng driver

Tumingin ako sa harapan namin, may kotseng nakahinto doon. May dalawang lalaki ang tinitingnan yung kotse, mukhang nasira nga.

"Tingnan mo," Utos ni Qwedei sa driver. "Pakisabi itabi ang kotse nila."

Tumango naman yung driver bago bumaba at naglakad papalapit doon.

Hindi maganda ang kutob ko, tumingin ako sa paligid at napansin kong walang ka-kotse kotse. Tumingin ulit ako sa nasa harapan namin, napansin ko ang isang baril sa tagiliran nung lalaking isa.

Binuksan ko ang bintana sa tapat ko at inilabas ang ulo ko. "BUMALIK KA! BILIS!"

Huli na, bumunot ng baril yung isang lalako at pinagbababaril yung driver. Napayuko naman kami sa loob ng kotse

Akala ko ibang putok ang papatay sa'kin, baril lang pala

Nakayukong lumapit ako sa driver seat.

"Yuko lang kayo," Sabi ko sa dalawang tao sa backseat

Mabilis kong inatras ang kotse at iniliko, umayos ako ng upo at saka mabilis na nag drive.

"Kailan kapa natutong mag-drive!?" Gulat na tanong ni Qwedei na may hawak na baril

Hindi nga pala marunong mag-drive si Uven.

"Ngayon lang," Sagot ko

Nakita ko sa side mirror na sumusunod yung naka-kotse kaya binilisan ko lalo ang pagda-drive ko. Eksperto akong nag-overtake sa mga kotseng nasa harapan namin

Buti na lang talaga marunong akong mag-drive.

"MAY TRUCK!" Takot na sigaw ni Alqui

Ngumisi lang ako bago mabilis na Kinabig paliko yung kotse, hindi iyon inaasahan ng mga humahabol sa amin kaya sila ang sumalpok sa truck. Kitang kita ko mula sa side mirror ang pagsabog ng sinasakyan nila

"That was fvcking intense!" Habol hiningang sabi ni Qwedei bago itago ang baril niya

"Ang galing mo!" Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Alqui

Hindi ako kumibo. Nag drive lang ako hanggang sa makarating kami sa company ni Qwedei

"Na-report kona sa pulis ang mga nangyari." Sabi ni Alqui ng makababa kami. "Master, cinontact kona rin po yung tauhan natin sa bahay niyo, ipinadala ko dito ang bullet proof car niyo dito."

Amputek, may bullet proof car pala

"C.R lang ako," Paalam ko

Dire diretso akong nagtungo sa C.R nitong ground floor, siyempre men room ang pinasukan ko, baka masampal ako bigla eh

Hindi ako umihi, naghugas lang ako ng kamay. Nanggigigil ako kay Qwedei, may bullet proof car pala tapos doon sumakay sa hindi, tatanga tanga ang putek, alam ng may banta sa buhay niya tapos pa-chill chill lang

Napailing iling na lang ako bago lumabas. Napahinto ako ng matapat ako sa women C.R, may nag uusap kasi about kay Qwedei at Uven

"Kaya pala hindi ako pinapansin ni Uven," Dinig kong sabi ng isang babae. "Sila pala ni Sir Qwedei, nakakaloka!"

"Kaya pala bihira na ang babae ni Sir na pumupunta dito," Sabi naman ng isa. "Wala naman masama sa relasyon nila kaso sayang ang lahi!"

"Hoy may makarinig sa inyo!" Apela nung isa sa kanila. "Baka misunderstanding lang ang nakita nung mga nasa floor ni Sir. Imposibleng bakla ang isa sa kanila."

"Wag ka ng umapela diyan Auxill!" Sita dito nung unang nagsalita kanina. "Tanggapin mona lang, alam naming patay na patay ka kay Uven pero magparaya kana."

Napahagikhik ako na mukhang narinig nila, gulat ang mga itong napatingin sa akin..

"Hi," Bati ko sa kanila

"S-Sir Uven," Utal na sabi nung dalawa sa kanila

Yung babae namang nagngangalang Auxill ay umiwas lang ng tingin pero hindi nakatakas sa paningin ko yung pamumula ng pisngi niya.

Siya na ba ng magiging future sister in law ko?

"Hindi ako bakla," Sabi ko sa mga ito. "Lalong hindi bakla si Master Qwedei."

"S-Sorry Sir." Nakayukong sabi nung dalawa na ikinatawa ko lang

Napatingin ako kay Auxill na nahuli kong nakatingin sa akin, kinindatan ko siya bago umalis doon

Kasalanan 'to ni Qwedei, kawawa naman si Uven.

Wala na sa ground floor sila Qwedei ng makabalik ako kaya sumakay ako ng elevator at umakyat sa floor nila

"Tawag ka ni Master," Salubong sa akin ni Alqui

Tumango lang ako bago nakapamulsang naglakad patungo sa pinto. Malakas kong itinulak ang pinto kaso ay bigla itong bumukas kaya ang naitulak ko ay dibdib ng isang lalaki.

Masyadong malakas ang pagkakatulak ko kaya natumba ito kaso hinigit nito ang kamay ko kaya parehas kaming bumagsak

Ayos lang sana kaso tangina! Magkadikit ang mga labi namin. Mag eenjoy sana ako kaso si Uven nga pala ako

"Kadiri!" Agad akong tumayo

Si Qwedei naman ay tulalang naupo habang sapo ang labi niya.

"Y-You kissed me!" Gulat ako nitong tinuro

"Master, aksidente po ang nangyari," Sabi ko dito

"GET OUT!" Galit na sigaw nito

Agad naman akong lumabas, tumayo ito at malakas na isinarado ang pinto.

Pumihit ako para harapin ang nga nasa likuran ko, gulat na gulat din ang mga ito lalo na si Aqui

Bakit parang kasalanan ko pa?

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon