Chapter 21

16.8K 413 6
                                    


UVEXIU

NAGISING na lang ako, sa tapik ng kung sino. Napakusot kusot pa ako ng mata ko, bago ito tingnan.

"Oh?" masungit kong tanong dito.

Natawa ito, bago guluhin ang buhok. "Nagsisimula na ang session ni Noshi, kanina pa kita ginigising, kaso sinasampal mo ako."

Napanguso na lang ako. "Yung cake, gutom ako."

"Ayan na sa harap mo." Nginuso nito ang lamesang maliit sa harapan ko, kaya nilingon ko ito. Ready na nga. "Ngayon ngayon lang yan, bago kita gisingin,"

Kinuha ko naman iyong cake, bago simulang kainin.

"Bakit ka nakabihis?" tanong ko dito. "Aalis ka? Mukha naman kasing hindi mo babantayan si Qwedei."

"Mamamasyal kami ni Auxill." Umiwas ito ng tingin. "I asked her to go out."

"Ay, binata na!" Malakas ko itong hinampas sa braso. "Ganiyan dapat, iwasan mo 'yang pagiging torpe mo."

"Nauunahan na kasi ako eh." Napakamot ito sa batok niya. "Naisipan kong wag ng pakawalan pa,"

Napangiti na lang ako. "Sige na, ingat."

Akmang aalis na ito pero pinigilan ko, dahil may nakalimutan akong iabot sa kaniya.

"What?" takang tanong nito.

"May ipababaon ako sa'yo." Kinalkal o ang bag ko, at kinuha ang dalawang pirasong condom doon. "Oh, baka ayaw mo pa ng junior eh, dito tayo sa trust para safe."

Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa akin ngayon. Hinila ko ang kamay niya, at inilapag sa palad iyong dalawang condom.

"Pero mas masasarapan si Auxill, kapag sa loob mo sinabog," sabi ko dito.

"Uvexiu!" namumulang singhal nito. "Stop it!"

Natawa ako. "Sige na, ingat."

Binulsa niya yung condom, bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Mahina ulit akong napahagikhik, bago magpatuloy sa pagkain.

Pinag iingat ko lang si Uven, getting to know each other pa lang sila ni Auxill, kaya dapat hindi muna sila gumawa ng bata. Pero kung bet nila, then go.

Kumain ang ako nang kumain, hanggang sa matanaw kona si Noshi, na tumatakbo palapit sa akin.

"Mama!" Sumampa ito sa sofa bed. At kumurot sa cake ko. "Sarap!"

Nginitian ko lang siya.

Nilantakan lang naming dalawa yung cake, at hindi pinansin sila Doc at Tandang Noel, na nag uusap habang naglalakad palabas ng bahay.

"Kumusta naman ang session mo?" tanong ko dito.

"Raralo kami," sagot nito. "Mama, palit akong damit na po."

"Sige, akyat ka sa taas," sabi ko dito. "Kuha kang damit mo po."

Tumango lang ito, bago bumaba ng sofa bed. At umakyat ng hagdan.

"PASOK!" Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong sigaw at putok ng baril. "PASOK SA LOOB!"

May pumasok na mga kalalakihan na may baril, kasunod nila sila Doc at Tanda, at ang huling pumasok ay si Gerald.

Nanlaki ang mga mata ko, at naibagsak ang platong hawak ko. Anong-Bakit sila nandito!?

"Hello." Lumapit sa akin si Gerald, na may ngisi sa mukha. "Long time no see."

Hinila nito ang kamay ko, at hinawakan ng madiin ang panga ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito.

"Tinutupad ang banta ko," tumalim ang tingin niya sa akin. "Hindi ba at sinabi ko sa'yo, na kapag hindi ko nakuha ang kayamanan ng shota mo, gagantihan ko ang mga taong malalapit sa'yo?"

"Tigilan mona ako! Hindi ko shota si Qwedei," mahinahong sagot ko dito. "Wag mo silang idamay Gerald, ako lang ang kailangan mo."

Malakas ako nitong sinampal. "Tangina kang babae ka! Akala mo, hindi ko alam na mayaman ka din? Kaya nga hindi kita pinakakawalan eh."

Napatingin ako sa hagdan, nakita ko doon ang Anak ko. Inilingan ko ito, kaya dahan dahan siyang napaatras. Akmang lilingunin siya ni Gerald, pero hindi natuloy kasi sinipa ko sa bayag si Gerald.

"Punyeta ka talaga!" namimilipit na sabi nito. "Papatayin kita!"

Hinablot nito ang buhok ko, at nginudngod ako sa sahig. Nakaramdam ako ng hilo at panghihina dahil sa ginawa niya.

"Let go of her!" dinig kong sabi ni Tanda. "Ibibigay ko lahat ang halagang kailangan ninyo, pakawalan n'yo siya."

Lumayo sa akin si Gerald. Nilapitan niya si Tandang Noel.

"Sampung milyon," sabi nito. "Cash, ngayon na."

"Follow me," sabi ni Tanda, at naglakad patungo sa isang pinto malapit sa hagdan.

Sumunod naman sa kaniya si Gerald, at yung mga tauhan niya, ay naiwan sa akin.

Napasapo na lang ako sa noo ko, dahil sa hilo. Maya maya pa ay lumabas na sila Tanda, may bitbit na malaking bag si Gerald habang nakangisi.

"Babalikan ulit kita," nakangising sabi sa akin ni Gerald. "Kailangan ko pa ng balita, tungkol sa inyo ng bilyonaryong iyon."

Hindi ako sumagot.

Nakangising lumingon ito kay Tandang Noel, at napatulala na lang ako sa sunod na ginawa nito. Binaril niya si Tanda sa ulo.

Nanginig ang katawan ko, habang nakatingin sa katawan ni Tanda, na ngayon ay nakahandusay sa lapag habang balot na balot ng dugo.

"Warning, Uvexiu." nakangising sabi ni Gerald, bago lumabas kasunod ang mga tauhan niya.

"T-Tanda." Nanginginig na nilapitan ko ito. "T-Tanda."

Lumuhod ako, at niyugyog ito. "H-huy."

No respond.

Sunod sunod ng tumulo ang mga luha ako. "H-Hindi. Tandang Noel! Hindi! Huy, gising!"

Niyugyog ko ito, pero wala talagang response mula sa kaniya. Tangina.

Lumuluhang nilingon ko yung Doctor. "DOCTOR KA DIBA!? GAMUTIN MO SIYA!"

"Psychiatrists lang ako," sabi nito. "Tumawag na ako ng ambulansiya, papunta na sila."

"PERO KAILAN PA!?" Nilingon ko muli si Tanda. "Hoy! Bumangon ka diyan, sige na please. P-Promise hindi na kita aawayin, sige na naman Tanda!"

Narinig ko ang wangwang ng ambulansiyan. Maya maya pa ay may mga taong pumasok, at binuhat si Tanda. Tumayo na lang din ako, at, sinundan ito.

"TANDA! LABAN KA AH!?" umiiyak kong sigaw. "Laban ka ah? Please."

Sinakay ito sa ambulansiya, sumakay din ako. Nawala sa isip ko ang Anak ko, ang tanging nasa isip ko lang ay si Tandang Noel.

Iyak lang ako nang iyak, hanggang sa makarating kami sa Hospital. Pinasok sa O.R si Tandang Noel, habang ako ay naiwan sa labas.

"Tanda, laban ka ah?" umiiyak kong bulong. "Kayo na lang ni Uven ang mayroon ako, wag mo din akong iwan. I-inaaway kita, pero mahal kita. Please, laban ka po ah?"

Iyak lang ako nang iyak doon, hanggang sa may maramdaman na lang akong mahigpit na yakap.

"Mama, tahan na."

"I'm here for you, Uvexiu."

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon