Chapter 2

21.3K 520 18
                                    


UVEXIU

    NANG makabalik si Alqui ay may dala na itong tinapay at kape, binigay niya ito sa'kin kaya naupo muna ako sa nag iisang upuan para kumain.

Agad kong nilantakan yung tinapay habang umiinom ng kape. Ramdam ko ang tingin sa'kin ng mga ibang guard kaya nilingon ko din sila

"Uven, diba? Allergic ka sa kape?" Nagsalita yung isa

Grabe opposite namin ni Uven, allergic siya sa kape, samantalang sa gatas ako allergic

"Hindi naman kape itong iniinom ko, gatas," Palusot ko gamit ang seryosong boses.

Napatango na lang ito pero mukhang hindi pa rin kumbinsido.

Biglang bumukas yung pinto ng opisina ni Qwedei kaya gulat akong napatayo, dahil doon ay tumapon ang kape sa damit ko at damit niya

"The fvck Muñoz!?" Galit nitong sambit habang pinupunasan ang damit niya. "I have an important meeting!"

Muñoz si Uven? Kung ganoon ay Muñoz din ako

"Sorry po," Nakayukong sabi ko

"Get out on my sight!" Iritang sambit nito bago muling pumasok sa opisina niya

Sungit sungit! Hindi ko naman sinasadya?!

"Linisin mo muna ang sarili mo," Dinig kong sabi ni Alqui. "Palpak ka masyado."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Saan ang C.R!?"

Itinuro nito ang kaliwang direksiyon ng hallway, padabog naman akong naglakad patungo doon. Nakita ko ang C.R, dire diretso akong pumasok sa women C.R pero natigil ako ng makita ang nanlalaking mga mata ng babaeng empleyado

Lalaki nga pala ako

"Pasensiya na," Lumabas ako at nagtungo sa C.R na panlalaki

Walang tao doon.

Sinara ko ang pinto at ni-lock, binasa ko ang kamay ko at kinuskos ang damit kong may kape.

"Kainis!" Iritang sabi ko. "Napakayabang niya talaga! Sungit sungit pa!"

Biglang may kumatok kaya napaigtad ako, binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Alqui. Hinila ko ito papasok bago isara ang pinto

"Pakiayos nga nung wig ko," Sabi ko dito

Pumwesto naman ito sa likuran ko at inayos ang wig ko.

"Ang sungit ng boss niyo!" Reklamo ko dito

Natawa ito. "Mabait yun, hindi ka lang sanay."

Napasimangot lang ako.

Saglit pa kaming nagtagal sa loob bago ko buksan ang pinto, bumungad agad sa akin ang mukha ni Qwedei, nakataas ang isang kilay nito habang papalit palit ang tingin sa amin ni Alqui

"Master," Bati dito ni Alqui

"Are you two hanging out?" Kunot noong tanong nito

Natawa ako. "Ang lawak po ng imagination niyo."

Umiling ito. "Alqui, go back to my office and you Uven will stay here with me."

Napalunok ako. Bakit kailangan kong maiwan?

Naramdaman ko ang pagtapik ni Alqui sa likod ko bago umalis. Pumasok si Qwedei ng C.R kaya bahagya akong gumilid para makadaan siya

"B-Bakit po?" Utal kong tanong dito

"Are you woman?" Biglang tanong nito kaya lalo akong kinabahan

"Bulag ka ho ba?" Tumikas ako ng tayo. "Lalaki ho ako, gusto niyo palakihan pa tayo ng etits eh."

Umasim ang mukha nito. "What I mean is are you gay?"

"Hindi po, baka kayo Oo." Tugon ko dito

Pasensiya na Uven, mukhang nasisira ko ang dangal ng pagkalalaki mo

"Whatever." Sabi nito bago pumasok sa isang cubicle

"You know what? You look familiar," Nagsalita ito habang nasa loob pa rin ng cubicle

Hindi ako kumibo.

Bumukas ang cubicle at lumabas siya, dumiretso ito sa gripo at naghugas ng kamay

"Btw, I received death threats again, and I know they are just near here, " Seryosong sabi nito

"May pinaghihinalaan kana ba?" Tanong ko dito

Umiling ito. "I don't have any enemy, I'm friendly."

"Friendly daw pero ang sungit," Bulong ko

"Are you saying something?" Tinaasan ako nito ng isang kilay

Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. "B-Bakit po?"

Kinorner ako nito sa pader, bumaba ang tingin nito sa labi ko kaya napalunok ako.

"Uven is allergic to coffee," Bulong nito sa tainga ko. "Sino ka?"

"S-Si Uven.." Mahinang sagot ko

"You can't fool me," Madiing sambit nito. "I will always eyes on you, make sure that you're really Uven."

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal non ang isang janitress at mga empleyadong kalalakihan. Gulat na gulat ang mga mukha nito habang nakatingin sa amin ni Qwedei

Tumikhim si Qwedei bago umayos ng tayo. "Let's go."

Nauna itong lumabas, nagmamadali naman akong sumunod sa kaniya. Pero bago tuluyang makalabas ay narinig ko ang binulong ng janitress

"Totoo nga ang chismis, binabae si Sir Qwedei."

Mahina akong napatawa.

Siguradong machichismis yan na may relasyon kaming dalawa. Kawawa naman si Uven, bakla na sa paningin ng lahat

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Alqui ng makatabi ako sa kaniya. "Bakit namumula si Sir?"

"Napagkamalang bakla," Sagot ko dito. "Gago kasi eh."

"Nakakahalata na siya," Pabulong nitong sabi sa'kin. "Kailangan kitang turuan ng mga dapat mo pang gawin. Hindi puwedeng mabuko ka. "

"Ano bang big deal doon? Ipapakulong ba ako ni Qwedei kapag nabuko niya ako?" Takang tanong ko. "Ano bang mayroon?"

"Napaka-importante nitong trabaho na ito kay Uven, hindi ko alam kung bakit pero mukhang may tinutuklas siya," Sagot nito. "Ayusin mo ang trabaho mo Uvexiu."

"Ano namang kamalayan ko sa pag-ba-bodyguard?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Pokpok ako na bigla na lang hinila ng matanda na yun!"

Nasamid naman ito sa sariling laway niya at mukhang nabigla sa sinabi ko

"Kung hindi lang dahil sa malaking perang sasahurin ni Uven, hindi ako papasok sa ganitong sitwasyon." Inis kong bulong. "Hayop na matanda na yun, hindi man lang sinabing mapanganib ang trabahong ito!"

Bubunutan ko talaga siya ng buhok sa ilong. Tangina!

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon