Chapter 14

20.6K 467 8
                                        


UVEXIU

    "MAGPAKABAIT ka, okay?" bilin ko sa Anak ko. "Uuwi agad si Mama, para magkasama tayo."

Tumango ito. "Opo."

Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng kuwarto namin. Dumaan muna ako sa kuwarto ni Uven para magpaalam, kaso tulog ito kaya dumiretso na ako sa baba.

Nadatnan ko doon si Alqui na naghihintay. "Tara na,"

Tumango lang ito bago naunang lumabas. Sumunod na lamang ako sa kaniya.

"Isang linggo kana lang magiging bodyguard, babalik na si Uven." sabi nito bago paandarin ang kotse niya. "Makakapag focus kana sa Anak mo."

Tumango lang ako.

Napag usapan namin ni Uven kanina, na isang linggo na lamang ako magpapanggap dahil babalik na siya kaagad.

Masaya naman ako kaso medyo nalulungkot ako, dahil hindi kona maaasar si Qwedei. Magkikita naman kami gabi gabi, kaso iba pa rin yung maghapon kaming magkasama.

"Hindi naman ito yung papunta sa bahay ni Qwedei." Binalingan ko ng tingin si Alqui. "Saan tayo pupunta?"

"Nakalimutan kong sabihin, naimbitahan si Master sa isang Company Anniversary. Sa isang malaking yacht gaganapin iyon, at doon tayo didiretso dahil nandoon na siya," sagot nito. "Kailangan nating magbantay mabuti, dahil maraming tao doon. Baka mamaya ay nandoon ang mga taong gustong pumatay kay Master."

Napatango na lang ako.

Halos dalawa't kalahating oras ang binyahe namin, bago kami nakarating sa isang piyer. May malaking yacht doon, maganda ito at halatang mayaman ang may ari.

Ipinarada ni Alqui ang sasakyan niya sa gilid, bago kami bumaba. Naglakad kami paakyat sa yacht.

Naunang dumaan si Alqui sa mga gwardiya. Kinapkapan nito si Alqui bago tuluyang pumasok.

"Teka!" Pigil ko dito ng akmang kakapkapan na nila ako. "Personal bodyguard ako ni Mr. Aguilar, no need na kapkapan."

Tangina, lalaki ang mga ito. Baka mamaya madakot nila yung dede ko at makapa nila ang puday ko.

"Kailangan pa din, for security purposes." Napatingin ako kay Alqui, at pinanlakihan ito ng mga mata.

"Mga brad." Hinawakan sila ni Alqui sa balikat. "Medyo baliko yan, bahala kayo."

Nagkatinginan naman yung dalawang guard bago gumilid at papasukin ako.

Nakangising kinindatan ako ni Alqui bago hilahin paalis doon.

"Gago ka!" Sinuntok ko ito sa tiyan niya ng hindi kalakasan. "Lagot ka kay Uven."

Natawa lang ito.

Napaayos lang kami ng tayo, nang makita namin si Qwedei na naglalakad papalapit sa amin.

Shet! Pogi!

Pero agad ding napawi ang pagkamangha ko, nang makita ko ko kung sino ang nasa tabi niya.

Cynthia Okinawa...Ang kapatid ng Ama ni Noshi.

"Ang tagal n'yo," sabi ni Qwedei. Hindi ko ito pinansin, dahil ang tingin ko ay na kay Cynthia lang.

Titig na titig din ito sa akin, na parang kinikilala akong mabuti.

"Uven!" Nagising ang diwa ko ng malakas na tawagin ni Qwedei ang pangalan ko.

Napakurap kurap ako bago siya lingunin. Salubong ang kilay nito.

"B-Bakit?" Tumikhim ako at umayos ng tindig.

"I said, go to your position now!" pagalit nitong sagot. "Are you okay? Baka mamaya, pinapatay na ako, tulala ka pa rin."

"Sorry," tanging naisagot ko.

Hinila na ako paalis doon ni Alqui. Dinala niya ako sa isang sulok ng yacht.

"Dito ka," sabi nito. "Kapag may kahina hinalang tao kang nakita, magsalita ka lang sa earpiece mo."

Tumango lang ako.

Umalis si Alqui at nagtungo sa puwesto niya. Malayo siya sa akin, ngunit natatanaw ko pa rin siya.

Tumayo lang ako, habang inililibot ang paningin ko. Huminto ito kay Qwedei at Cynthia na masayang nag uusap.

"May nalalaman pang gusto ako, ulol!" pabulong kong sabi at umirap. "Mga lalaki nga naman."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila hanggang sa dumako ito sa isang lalaking nakasuot ng pulang suit. Nakatingin ito kay Qwedei, at maya maya ay ngumisi.

Imposibleng type niya si Qwedei.

Binaba ng lalaki ang iniinom niya bago umalis doon. Dinukot pa nito ang cellphone niya at may tinawagan.

Agad ko naman itong sinundan. Nakarating kami sa pinakaibaba ng yacht.

Mabilis akong nagtago sa isang gilid ng huminto ito sa paglalakad.

"Naikabit kona sa buong yacht ang bobo, tiyak na ang kamatayan ni Qwedei Aguilar." sabi nito sa kausap. "Tatlong bomba yun, Boss. Siguradong patay na talaga ang gagong yun."

May bomba sa yacht.

May nakita akong isang malaking tubo sa gilid ko. Sinilip ko yung lalaki at mukhang tapos na itong makipag usap.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko, akmang hahampasin kona ito ngunit hindi natuloy dahil may kung sinong humampas sa ulo ko mula sa likuran ko.

"Hindi ka nag iingat," huling salitang narinig ko bago ako lamunin ng dilim.

<<<——————>>>

NANG magising ako ay nakatali na ako sa isang malamig na silid. Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko, ngunit hindi kona lamang ininda.

"Buhay kapa pala?" Napalingon ako sa nagsalita. "Lintik ka ring hayop ka, pero ngayon sinisigurado kong mamamatay kana."

"Mauna ka!" Tugon ko dito.

Ngumisi ito. "Mauuna kang mamatay kaysa sa amo mo."

Lumabas ito sa silid, bago isara ang pinto. Inilibot ko ang paningin ko, mukhang nasa loob ako ng parang refrigerator.

May nakita akong isang matulis na bagay. Pagapang akong lumapit doon at ikiniskis ang tali sa kamay ko. Nang maputol ito ay tinanggal ko naman ang tali sa paa ko.

Lumapit ako sa pinto at sinubukang buksan ito, ngunit naka-lock mula sa labas.

Kinapa ko ang earpiece sa tainga ko, ngunit wala na ito.

"Tangina!" Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig.

Kinapa ko ang bulsa ko at nakapa ko ang cellphone ko doon. Kinuha ko ito at di-nial ang number ni Uven. Buti na lang may kaunting signal.

"Uven!" sabi ko ng sumagot ito. "Tangina!"

"A-A-Anong n-nangyari?" putol putol man ang salita niya ngunit naiintindihan ko pa rin naman.

"Nakakulong ako sa isang parang refrigerator," sabi ko dito. "Uven, ayoko pang mamatay!"

"I-I can't u-understand you!"

"Tangina mo!" Napaiyak na lang ako dahil sa inis. "Mamamatay na ata ako! May bomba sa yate, pumunta ka ditong hayop ka!"

Biglang namatay ang tawag. Pagtingin ko sa cellphone ko a wala ng signal.

Umiiyak na niyakap kona lang ang sarili ko.

Tangina naman! Ilang araw ko pa lang nakakasama yung Anak ko, ayoko pang mamatay.

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon