UVEXIU
"KUMUSTA si Tanda?" tanong ko kay Uven.
"Ayon, lumalandi na sa secretary niya," sagot nito. "Si Noshi?"
"Kasama ng Pap-kasama ni Qwedei," ibang level na pagiging assuming ko.
"Yun oh!" Ngumisi ito.
"Wag mo akong ma-yun-yun oh diyan." Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam kona lahat. Ang galing mong umarteng hindot ka!"
Natawa ito. "We need to protect you, that's why we did that. Uvexiu, minsan ka ng nawala sa akin, at ayoko ng maulit pa iyon. Kaya gagawin ko ang lahat para sa'yo, kahit ikagalit mo pa."
"Nakaka-touch ka naman." Nagkunwaring nagpunas ako ng pekeng luha, na ikinasimangot nito.
Nasa ganoon kaming posisyon, nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwal non si Auxill, kasunod si Qwedei at Noshi.
"Babe." Nilapitan ito ni Uven, at agad inakbayan.
"Taray, kayo na agad?" Natawa ako. "Hanep, kaka-date lang kahapon. Baka sa susunod niyan magulat ako, buntis kana."
Kita ko ang pamumula ni Auxill, samantalang si Uven, ay nakangising aso.
"Mama!" Nabaling ang tingin ko, sa Anak kong bagong paligo. "Kailan tayo uwi po?"
Dapat kahapon ay uuwi na kami, kaso walang bantay si Tandang Noel, kaya inextend ni Qwedei ang pag-i-stay namin sa Hospital. Literal na ginawa naming Hotel yung Hospital.
"Uuwi na po tayo." Bumaba ako ng kama, at nilapitan siya. "Inip na inip na din si Mama eh."
"Wait," sabad ni Uven. "Napagkasunduan namin ni Qwedei, na sa kaniya muna kayo uuwi. Hindi pa puwede kila Uncle, dahil delikado pa."
"Pumayag ako?" Tinaasan ko siya ng isang kilay
"You don't have a choice." Nakangising sabi nito.
Inirapan ko lang siya, bago buhatin si Noshi. "Bisitahin muna natin ang Lolo mo."
Lumabas kami ng room, ramdam ko namang nakasunod sa amin si Qwedei, at yung dalawang mag jowa.
Agad akong pumasok sa kuwarto ni Tandang Noel. Nakita ko itong nakaupo sa kama, at nilalandin ang sekretarya niyang nagpapalandi naman.
"What if natuluyan kana lang?" Parehas nabaling sa akin ang tingin nila. "Sayang ang luha ko sa'yo!"
Natawa ito. "Balik kana lang mamaya, Ellan."
Tumango naman yung babae, bago maglakad palapit sa pinto. Hindi nakatakas sa paningin ko, ang paghaplos nito sa dibdib ni Qwedei.
Kunot noong hinampas naman ni Qwedei, ang kamay nito na ikinatawa ko ng mahina. Deserved.
Nang makalabas ito, ay agad kong nilapitan si Tanda. Niyakap ko ito, bahagya pa itong napaigtad dahil sa gulat.
"Nakakainis ka, sobra kong natakot," sabi ko dito. "Grabe takot ko kahapon, akala ko mawawala kana. Buti na lang kahit matanda ka, ay malakas ang reflexes ko. Masaya akong buhay ka, pero ang landi mo pala."
Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya. "Sorry din pala."
Natawa ito. "Wala kang kasalanan, inaasahan kona din ang pagsugod nila. At yung perang ibinigay ko? Fake lahat iyon, kaya mabuting sa bahay ka muna ni Qwedei, dahil alam kong babalikan ka nila."
"Pero paano kung alam nila yung bahay ni Qwedei? At saka, paano kayo ni Uven?" alalang tanong ko.
"Magtiwala ka lang sa amin," nakangiting sabi nito. "Napaghandaan na namin ang bagay na ito."
"Salamat." Lumayo ako sa kaniya. "Salamat ng sobra."
"Sige na, umalis na kayo."
Tumango lang ako, bago balingan si Uven. "Mag ingat ka ah?"
"Ikaw din." Ginulo ang buhok ko, bago balingan ng tingin si Qwedei. "Ingatan mo sana, sila."
"I will," tugon nito. "We'll go now."
Naunang lumabas si Qwedei at Noshi. Niyakap ko naman saglit si Uven, bago sumunod sa dalawa.
"Saang bahay mo tayo uuwi?" tanong ko dito.
Inakbayan ako nito, na pinabayaan kona lamang. "Sa isang bahay na espesyal sa akin."
Tumango na lang ako.
Nang makalabas kami ng Hospital, ay dumiretso kami sa parking. At sumakay ng sasakyan niya.
Tahimik lang kami buong biyahe, at naghaharutan lang kami ni Noshi. Hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang exclusive village. Taray!
Dire diretso lang si Qwedei, hanggang sa huminto kami sa isang brown na gate. Pinatay ni Qwedei, ang makina ng sasakyan bago bumaba. Bumaba na lamang din kami ni Noshi.
Nang makapasok kami sa loob, ay namangha ako sa laki ng bahay. May malawak na garden, at may swimming pool na sobrang linis. May parang bubong yung swimming pool, kaya hindi mainit kapag naligo.
"Miming!" Agad tumakbo palapit si Noshi, sa swimming pool. Agad naman siyang hinabol ni Qwedei. "Miming!"
"Wait!" Mabilis siyang hinawakan ni Qwedei, nang akmang tatalon siya. "Baby, baka malunod ka. Wag kang tatalon basta, okay?"
Nakangusong tumango ito. "Miming po!"
Natawa si Qwedei, bago hubarin ang sapatos niya. Hinubad din niya ang pang itaas niya, kaya bungad na bungad sa akin ang maganda niyang katawan.
Yummy.
Una siyang lumusong sa swimming pool. Binuhat niya si Noshi, pababa sa swimming pool. Tuwang tuwa naman ang Anak ko, kaya napangiti din ako.
Wala siyang kinalakihang Ama, pero ang makita siya ngayon sa piling ni Qwedei, at masayang masaya. Pakiramdam ko ay buo ang Pamilya namin.
"Hey, come on join us." Tawag sa akin ni Qwedei.
Hinubad ko ang suot kong damit, kaya ngayon ay naka bra na lang ako. Tumalon ako sa swimming pool, at lumangoy palapit sa kanila.
"Mama!" Tuwang tuwang lumipat sa akin si Noshi. "Mama, miming tayo po!"
"Opo, Anak." tugon ko dito. "Masaya kaba?"
Tumango ito, bago hampasin yung tubig. "Mahal kita, Anak."
"Mahal din, Mama." Hinila nito si Qwedei, palapit sa amin. "Mahal din, Papa."
"I love you, both," sabi ni Qwedei. "And I promise that I will protect you both."
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...
![Bring me to Heaven [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/330603240-64-k356097.jpg)