Chapter 12

18.4K 453 3
                                    


UVEXIU

    NANG makapasok ako sa loob ng bahay ni Tandang Noel ay wala akong nadatnang mga bantay, sobrang tahimik din kaya bahagya akong kinabahan.

Nagmamadaling umakyat ako ng second floor. Napakunot noo ako ng makitang lahat ng bantay ay nasa labas ng kuwarto ni Uven.

'Anong meron?'

"Maayos ang vital signs niya," narinig ko ang boses ng Doktor ni Tandang Noel. "Obserbahan n'yo siya ng isang linggo, at kapag may hindi siya naramdaman na maganda. Dalhin n'yo siya sa Hospital for CT scan."

"Yes, Doc."

Dahan dahan akong sumilip sa pinto. At natigilan ako sa aking nadatnan. Nakaupo si Uven sa kama at gising na gising, sa paanan niya ay sila Tandang Noel at Alqui na kandong ang Anak ko.

Gising na si Uven. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako, o bigla kona lang siyang sigawan at sumbatan.

"Mama!" Sa akin bumaling ang tingin nila nang tawagin ako ni Noshi.

Bumaba ito mula sa pagkakakandong kay Alqui, at lumapit sa akin. Yumakap ito sa beywang ko. Nakapako pa rin ang tingin ko kay Uven na ngayon ah nakatitig sa akin, may kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi ko maintindihan.

"Gising na ang kakambal mo," sabi sa akin ni Tandang Noel. "Tingnan mo, magkamukhang magkamukha kayo."

"Natural, kambal nga eh." Napairap na lang ako, bago buhatin si Noshi. "Sa kuwarto na kami ng Anak ko."

"Hindi mo man lang ba kukumustahin ang kapatid mo?" tanong ni Tanda.

"Mukha namang okay siya," tanging naisagot ko. "Sige na."

Hindi kona sila pinagsalita. Pumasok na ako sa kuwarto namin ng Anak ko.

"Mama? Bakit ikaw kamukha yung lalaki?" inosenteng tanong ng Anak ko.

"Kakambal ko siya," sagot ko dito. "Kumain kana ba?"

Tumango ito. "Nipakain ako ni Lolo ng masarap."

"Sige, maglilinis lang ng katawan si Mama." Kinuha ko ang cellphone ko at binigay sa kaniya. "Maglaro ka muna o manood."

Hinalikan ko sa muna ito sa noo, bago tumayo at dumiretso sa banyo. Hinubad ko lahat ng suot ko at tumapat sa ilalim ng shower.

Gising na si Uven. Ano ng mangyayari ngayon? Aalis na ba ako bilang bodyguard ni Qwedei? Ano ng mangyayari sa amin? Anong una kong sasabihin sa kaniya? Sasampalin koba muna siya?

Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko dahil sa dami ng iniisip ko. Hindi pa nga ako maka-get over sa pagkikita namin ni Gerald, tapos biglang ganito naman? Ikamamatay ko ata ang pag-o-overthink.

Napailing na lamang ako at tinapos ang aking paliligo. Nagbihis ako ng pantulog bago lumabas.

"Opo, ganda Mama ko." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Noshi na parang may kausap. "Opo."

Agad ko siyang nilapitan. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makilala kung sino ang caller.

Si Qwedei.

"Mama, kausap ka daw niya po." Inabot sa akin ni Noshi ang cellphone ko.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko bago ito kinuha sa kaniya. Dahan dahan kong itinapat sa tainga ko ang cellphone ko.

"H-Hello?"

"So? You have a child?" Napalunok na lang ako at hindi nakasagot. "Do you have a husband too? Kaya ba ayaw mo sa akin?"

"Hindi," agad na sabi ko. "Wala akong asawa, okay?"

"Okay," parang nakahinga ito ng maluwag. "Btw, your son is cute."

"Hindi ka man lang magtatanong tungkol sa kaniya? Like, bakit wala siyang Tatay?" takang tanong ko. "Hindi ka man lang ba magagalit kasi tinago ko?"

"Why would I?" takang tanong nito. "I respect your privacy, and why would I be mad? because you hide that you have a child? I'm not that kind of Man, Uvexiu."

"Marami na ring nagsabi niyan," biro ko dito.

"But, I'm not them," tugon nito. "Tsk."

"Joke lang." Natawa ako. "Sige na, gusto ko ng magpahinga dahil pinagod mo ako."

Natawa ito. "Okay, good night. See you tomorrow."

"Good night." Pinatay ko ang tawag at ibinigay ulit ang cellphone ko kay Noshi.

"Mama, sino yun po?" tanong nito.

"Kaibigan ni Mama," sagot ko bago maupo sa tabi niya at magpahid ng lotion. "Anong napag usapan n'yo?"

"Wala naman po, sabi niya lang mabait ka po," sagot nito. "Totoo naman po."

"Cute mo, 'nak." Pinanggigilan ko ang pisngi niya.

Nasa ganoon kaming posisyon, nang biglang bumukas ang pinto at iluwal non si Tandang Noel.

"Usap tayo," seryosong sabi nito. Bago pa ako makatanggi ay lumabas na ulit siya.

Napahinga ako ng malalim bago tumayo. "Babalik si Mama ah? Kapag may tumawag, wag mo ng sagutin."

"Opo," sagot nito.

Sinundan ko si Tandang Noel. Nakita ko ito sa loob ng kuwarto ni Uven, kaya wala akong nagawa kun'di pumasok doon.

"Close the door." Utos nito.

Pabarag ko namang sinarado ang pinto. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Uven, hanggang sa makaupo ako sa isang upuan malayo ng kaunti sa kanila.

"Wag mo akong tingnan." Nilingon ko si Uven, na agd umiwas ng tingin. "Anong pag uusap natin, Tanda?"

"Tungkol ito sa kalagayan ng Anak mo," seryosong sagot nito. "Napag-alaman kong may PTSD ang Anak mo."

"A-Anong sinabi mo?" utal na tanong ko dito.

"Hindi normal na laro ang ginawa sa akin ng Anak mo, alam mo yan. Ipinatingin ko siya kanina sa Doctor ko, napag alaman nitong may PTSD ang Anak mo," seryosong sagot nito. "Sabihin mo, gaano katagal hawak ng sindikato ang Anak mo?"

Napayukom lang ako ng kamao at walang naisagot.

"Base sa reaksiyon mo ay matagal talaga. Uvexiu, trauma ang dinaranas ng Anak mo ngayon, trauma ang dinanas niya sa kamay nila. Tinuruan nila ang Anak mo ng kung anong bagay na naging trauma sa kaniya," dagdag pa nito. "Uvexiu, kailangang matutukan ang Anak mo ng Doctor. Ginagawa niya ngayon ang mga bagay na nakasanayan niya."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya kaya nanatili na lamang akong tahimik.

"Alam mo? Puwede mo naman itong sabihin sa akin ng tayong dalawa lang eh." Napairap ako. "Bakit sa harapan pa nila Uven? Gusto mo bang kaawaan ako ng kakambal ko 'kuno' kasi lumaki ako na hawak ng sindikato? Ganoon ba?"

"Gusto kong malaman ni Uven ang lah–"

"–Kahit malaman na, wala pa ring magbabago!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kapag sinabi mo ba sa harapan niya ay mababago pa ang lahat? Walang magbabago, kaaawaan niya lang ako."

"Sorry," sabi ni Uven kaya napatingin ako sa kaniya. "Sorry."

"Salamat sa sorry mo ah?" sarkastikong sabi ko dito. "Laking tulong sa kalooban ko." Tumayo ako. "Payag akong tulungan mo ang Anak ko, Tanda. Payag na payag ako doon. Yun lang."

Agad akong lumabas ng kuwarto ni Uven at binalikan ang Anak ko. Nadatnan ko itong natutulog na, habang yakap yakap ang cellphone ko.

Nilapitan ko ito at tinabihan.

"Sorry, Anak." Hinaplos ko ang buhok nito. "Pangako, gagawin ko lahat para gumaling ka. Mahal ka ni Mama."

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon