Chapter 9

18.3K 488 28
                                    


UVEXIU

     "ANAK, kain ka lang ng kain ah?" Sabi ko dito at hinaplos ang buhok niya. "Diba favorite mo 'yang chicken?"

"Opo, Mama," Maliit itong ngumiti. "Thank you po sa chicken."

Ngumiti lang ako dito.

"Akala ko nagbibiro ka lang," Hindi ko alam kung pang ilang beses ng binanggit nitong si Tandang Noel ang katagang iyan. "Naunahan mo pa ang kakambal mo."

Dahil kay Tandang Noel ako tumutuloy, dito kona din dinala ang Anak ko. Siya ang magiging bantay nito tuwing nasa trabaho ako.

"Alam mo? Naririndi na ako sa bunganga mo!" Inis kong sabi dito. "Paulit ulit ka, para kang sirang plaka."

"Kasi naman eh!" Napahinga ito ng malalim. "Paano kaba kasi nagka-anak?"

Paano?

"Kinantot ako ng Tatay niya, tapos pinutok nito yung tamod niya sa kipay–"

"–Jusmiyong bata ka!" Putol nito sa aking sasabihin. "Alam ko ang mga bagay na iyan! Ang tinatanong ko ay bakit wala akong alam na may Anak ka!"

"Aba'y natural, ngayon lang tayo nagkakilala!" Itong matanda talaga na ito, ulyanin na. "Ano yun? Nung bigla mo akong hinila dapat sinabi ko bang may Anak na ako?"

Sinamaan ako nito ng tingin bago tumayo. "Mas matinong kausap ang kakambal mo!"

"Ede, pumunta ka sa kuwarto niya. Abangan mong sumagot yung comatose na yun," Saad ko dito. "Sige na, chu! Mag-mo-moment pa kami ng pogi kong Anak."

Napailing naman ito bago umalis ng kusina.

Muli kong binalingan ang Anak ko na sarap na sarap at maganang kumakain.

"Mama, bakit ngayon mo lang ako sinundo?" Inosenteng tanong nito

"Sorry Anak, ngayon lang nagkapera si Mama para mabawi ka eh," Tugon ko dito na puno ng sensaridad.

"Okay lang Mama, ang mahalaga hindi na ako laging mapapalo ni Gerald," Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi nito. "Hindi ba pwede na ako iyak po? Kay Gerald kasi bawal. Kapag umiyak ako at narinig ni Gerald, papaluin niya ako lalo."

Napayukom ako ng kamao ko. "Anak, basta nandito ka sa puder ni Mama ay puwede mo lahat gawin ng gusto mo. Malaya kana Anak ko, wala ng ko-kontrol pa sa iyo."

Tumango ito. "Okay po. Mahal kita Mama."

"Mahal din kita," Mabilis kong pinunasan ang mga luha kong tumulo. "Sige na, kain ka lang ng kain."

Ngumiti naman ito at maganang kumain.

Nang matapos sa pagkain ang Anak ko ay nagtungo na kami sa kuwarto ko at nilinisan siya ng katawan.

"Bango na ang baby ko," Sabi ko dito matapos ko siyang pulbusan.

Humagikhik lang ito bago lumambitin sa aking leeg. Napatawa ako ng punuin niya ng halik ang buong mukha ko.

"Ano pang gusto ng baby ko?" Malambing kong tanong dito. "Gusto mo ba magpunta tayong mall? Bibilhan kita ng mga gust–"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lamang may mag ring na cellphone. Binuhat ko ang Anak ko at inupo sa kama bago kunin ang cellphone na nag ring.

Cellphone ni Uven at tumatawag ang boss niya.

Binalingan ko ng tingin ang Anak ko. "Noshi, sagutin lang ito ni Mama ah?"

Tumango lang ito bago paglaruan ang unan.

Inayos ko ang boses ko bago sagutin ang tawag ni Qwedei.  "Master Qwedei."

"What the fuck, Uven? Akala koba papasok ka? " Bakas ang inis sa boses nito. Badmood. "May mga nakapasok kanina sa opisina ko, mabuti na lang at nadipatsa nila Alqui!"

"Sorry, may emergency kasi ako," Sagot ko dito. "Don't worry, papasok na ako bukas."

"Ganoon na lang yun? What the fvck happened to you? Kapag ganitong sitwasyon, pumupunta ka agad dito," Daming arte ng lalaking ito.

"Sorry po–"

"–Mama," Napalingon ako kay Noshi. Nakanguso ito habang nakatingin sa akin.

Pogi ng Anak ko, kamukha ng Tatay.

"Who's that?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Qwedei. "You have a child!?"

Hindi ako nakasagot.

"B-But, your allergic to women right!?" Bakas ang gulat at kaguluhan sa boses nito.

Selos yata.

"Sorry Master,  I have to go," Pinatay ko ang tawag. "Type na yata si Uven."

Binalikan ko ang Anak ko at tinabihan sa paghiga. Niyakap ko ito at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Baby, gusto mo mag school na?" Tanong ko dito

"Opo," Sagot nito. "Gusto ko mag school."

"Sige baby, aasikasuhin ni Mama ang school mo," Hinalikan ko siya sa noo. "Okay po?"

Tumango lang ito bago yumakap sa akin. Hindi na ulit nagsalita ang Anak ko kaya sinilip ko ito.

Tulog.

"I love you baby," Hinalikan ko muli ito sa noo bago pumikit.

Nagising ako dahil sa mga sigawan at kaguluhan. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala na ang Anak ko kaya taranta akong lumabas ng aking kuwarto.

Bumaba ako at sinundan ang pinanggagalingan ng kaguluhan. Nakarating ako sa kusina at naestatwa na lamang ako sa aking nadatnan.

Si Tandang Noel ay inaalalayan ng mga tauhan niya habang sapo sapo ang kaniyang tagilirang nagdurugo. Yung Anak ko naman ay may hawak na kutsilyo at puro dugo habang inosenteng nakatingin lamang kay Tandang Noel.

"N-Noshi," Nanghihinang tawag ko dito

Binitawan nito ang kutsilyo bago tumakbo palapit sa akin. Kumapit ito sa aking beywang.

"Mama," Ngumiti ito

"A-Anong ginawa mo?" Tulalang tanong ko dito.

"Yung lagi naming ginagawa ni Gerald tuwing gabi," Inosenteng sagot nito. "Pinlay ko po yung kutsilyo kay Lolo."

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon