Chapter 13

20.9K 517 11
                                        


UVEXIU

     ALAS kuwatro pa lang ay nagising na ako at bumaba para ipagluto ng almusal si Noshi. Wala akong masyadong oras sa kaniya kaya gusto kong bumawi kahit sa simpleng paghahanda lang ng almusal.

"You exactly look like our Mom." Napatalon ako sa gulat ng may magsalita.

Naghahalong nilingon ko ito at bumungad sa akin si Uven. Umupo ito sa upuan.

"Ede kamukha mo rin siya, magkamukha tayo eh," tugon ko.

"Sa mukha lang ako kamukha ni Mom, pero ikaw? Pati kilos at pananalita mo ay siyang siya," sabi nito. " You're exactly the resemblance of our Mom."

"Nasaan na siya?" tanong ko dito.

"She's dead." Natigilan ako dahil sa sinagot niya. "She killed herself in front of me."

Pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko dahil sa sunod niyang sinambit. Binitawan ko ang hawak kong sandok at pinatay ang kalan, bago ko siya muling hinarap.

Tumikhim ako. "A-Anong sabi mo?"

"Noong panahong bigla kang nawala, halos mabaliw si Mom," bakas ang lungkot sa mukha niya. "Kung saan saan siya naghanap, buong minuto, oras, araw, buwan at mga taon ay ginugol niya sa paghahanap sa'yo. But she failed to find you, pinabayaan niya ang sarili niya, pinabayaan niya. Her whole world stopped when she lost you, she forgot about me. One day I saw her with knife, but before I stopped her, she already stabbed her heart."

"She killed herself in front of me, Uvexiu. That scenario still hunt me," dagdag pa nito. "I don't know how could I survive after that. Then Uncle Noel appeared, he help me to survive, he kept me. Uvexiu, when Mom died, I forgot that you are existing. I'm sorry for that. Nawala ako sa sarili noong mga panahong iyon, I don't know what happened to me that time, Uvexiu. Nabalik lang ako sa reyalidad noong mga panahong ipinakita sa akin ni Uncle Noel ang litrato nating talo ni Mama."

"Y-Yung papa natin?" tanong ko.

"He's dead too, kapatid ni Uncle Noel ang Daddy natin," tugon nito. "He died because of heart attack."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko bago tumango. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko.

"Naiintindihan kona." Nginitian ko siya. "Malinaw na sa akin ang lahat, hinanap ninyo ako ngunit wala talaga. Naiintindihan kona Uven."

"Can you tell me kung anong naranasan mo?" tanong nito. "Can you tell me?"

"Hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa puder ng mga sindikato dahil bata pa ako noon. Pero doon na ako nagka isip sa kanila," kuwento ko. "Naging pulubi ako, namamalimos ako para sa kanila...at kapag wala akong limos, s-sinasaktan nila ako. H-Hindi naman nila ako ginalaw, pero unti unti nila akong pinapatay."

Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang unti unting bumabalik sa utak ko ang mga naranasan ko.

"I-Ipinasok nila ako sa bar noong 18 na ako, pinagsayaw nila ako doon," dagda ko pa. "T-Tapos may nakilala akong hapon na may lahing Pilipino, i-inutusan nila akong kuhanin ang loob nung lalaki. M-Minahal ko yung lalaki na yun, Uven. Akala ko ligtas na ako pero hindi pala, dahil nakabantay sila sa bawat galaw ko."

"S-Siya yung Tatay ni Noshi. Pagkatapos nilang makuha ang yaman ng Tatay ni Noshi ay pinatay nila ito sa harap ko, pinatay nila ang Tatay ng baby ko. Balak din nilang patayin si Noshi, nagmakaawa lang ako." Natawa ako ng pagak. "N-Niluhuran ko ang mga dimonyong iyon para lang mabuhay si Noshi, n-niluhuran ko sila kahit hindi nila deserve. Noong manganak ako ay ilang buwan ko lang makasama si Noshi, nilayo nila sa akin si Noshi at ngayon kona lang uli siya nakasama."

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon