Chapter 20

21.5K 479 2
                                        


UVEXIU

"DUNGIS mona, baby." Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ng Anak ko, na may sauce ng spaghetti na kalat kalat. "Sarap ba?"

Tumango ito, bago kuhanin ang coke float ni Qwedei at inumin. Hindi naman ito pinansin ng binata, at nagpatuloy lang sa pagkain.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. At nang matapos kami, ay saglit kaming nagpahinga doon, bago tumayo at umalis.

Si Qwedei naman, ay basta na lang umalis ng hindi nagsasalita. Iba din trip nung loko.

"Ano pang gusto mo?" tanong ko kay Noshi.

"Uwi," sagot nito. "Mama, gusto na po uwi."

Nagkusot ito ng mata niya. Inaantok na ang baby ko.

"Sige, uuwi na tayo," sabi ko dito.

Naglakad kami palabas ng mall. Nagtungo kami sa lilim, at naghintay ng taxi.

"Mama." Pumwesto ang Anak ko sa harap ko, at nagpapabuhat. "Buhat."

Inilapag ko naman ang ibang pinamili ko, at saka siya binuhat. Ilang minuto pa akong nakatayo doon, ngunit walang dumadaang taxi.

Biglang may humintong isang pamilyar na kotse sa tapat namin ni Noshi. Bumaba ang bintanan nun, at bumungad sa akin si Qwedei.

"Hatid kona kayo," sabi nito.

"Hindi na, maghihi-"

"-Rush hour ngayon." Bumaba ito ng kotse niya at nilapitan ang mga pinamili kong nakalapag sa ibaba. "Sakay na."

Tumango na lang ako, bago umikot sa kabilang side, at sumakay sa passenger seat. Ilang sandali pa ay sumakay na din si Qwedei, at nagsimulang mag drive.

"Mama," ingit ni Noshi, na halatang inaantok na. "Mama,"

Hiniga ko naman ito sa lap ko, at tinapik tapik sa puwitan. Pipikit pikit na inabot nito ang buhok ko, at pinaglaruan.

"Antok kana po?" Tumango ito. "Sige na, tulog kana. Para mamaya may lakas kang harapin si Doc mo."

Tango lang ang sinagot nito.

"May sakit siya?" tanong ni Qwedei, kaya napalingon ako sa kaniya.

"Oo," sagot ko. "PTSD."

Bahagya naman itong nagulat sa aking sinabi, pero hindi na lamang kumibo.

Ilang sandali pa ay huminto kami sa tapat ng gate ni Tanda. Hindi na ako nagtaka na alam niya na 'to, si Qwedei pa ba?

"Salamat," sabi ko dito nang makababa kami.

Tumango ito, bago iabot sa akin ang mga pinamili ko. "Hatid paba kita sa loob? Parang hindi mo kaya,"

Biglang bumukas ang gate. Iniluwal non si Uven, na nakapang bahay na. Bilis kikilos, kanina nasa mall din ito eh.

"Nandiyan na pala kayo," sabi nito. "Akin na si Noshi."

Dahan dahan niyang kinuha si Noshi na tulog. Kinuha ko naman ang mga pinamili naming nasa lapag.

"Salamat sa paghatid sa kanila," sabi ni Uven, kay Qwedei.

Tinanguan lang ito ni Qwedei. "Una na ako,"

"Sige, salamat. Ingat na din," sabi ko dito.

Sumakay na ng sasakyan niya si Qwedei, at agad itong pinaandar paalis.

Napatingin ako kay Uven, na ngayon ay nakangisi na sa akin. Tinaasan ko lang siyang isang kilay.

"Family bonding?" Natawa ito. "Sabi sa'yo, marupok si Qwedei eh."

"Pinagsasasabi mo? Nagkataon lang yung kan-"

"-Kanina pa ako nakasunod kay Qwedei, at kanina pa rin siya sunod nang sunod sa inyo ni Noshi, habang parang tangang ngumingiti at bumubulong." Kusang kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Totoo ba yun? O pinapaasa lang ako nito?

"Dami mong alam," inirapan ko ito. "Tara na sa loob."

Nauna akong pumasok, at ramdam ko namang nakasunod si Uven. Nang makapasok ako sa bahay, ay bahagya akong napamangha dahil maayos na ito at malinis.

"Mag aasawa na ata ng bago si Tanda," sabi ko kay Uven. "Level up,"

Natawa ito, bago maingat na ilapag si Noshi sa sofa bed na nasa sala. Nilagay niya ang ilang unan sa gilid nito.

"Naisip kasi ni Uncle, na ayusin itong bahay," sabi nito. "Para daw maayos ayos naman ito, kapag ipinamana niya sa atin."

"Pinag uusapan n'yo ba ako?" Speaking of the panot.

Naupo ako sa paanan ng tulog na si Noshi. Yung mga pinamili naman namin, ay ibinagsak ko sa sahig.

"Ikaw lang naman ang matanda dito, kaya ikaw yun," sabi ko kay Tandang Noel. "Ito pala credit card mo, kaunti lang binawas namin diyan."

Kunot noong kinuha niya sa akin yung credit card. "Oo nga, nakita ko lang naman sa computer ko, na twenty five thousands ang nagastos n'yong mag ina."

Nginisihan ko lang siya, bago sumandal sa sofa bed.

"Nasa ref pala yung cake mo," sabad ni Uven. "Ihanda kona ba?"

Umiling ako. "Mamaya na, masyado akong napagod ngayon."

Natawa si Uven, bago maupo sa lapag. Hinubad niya ang sandals ko, at sinimulang masahiin ang paa ko.

"Alam mo ba? Si Mommy, hindi nakakatulog kapag hindi minamasahe ang paa niya." Napatitig ako sa kaniya, dahil sa sinabi niya. "She love it when we massaged her feet. Naalala ko pa, na kinukuyakot ka niya sa paa niya, at ikaw naman tawa nang tawa."

"Alam kong hindi mo maalala, and I understand that," dagdag pa nito. "You loved to bit me, everyday. At ako ay walang gagawin, kun'di ang ngumawa lang."

"Same age lang tayo, pero wala akong maalala kahit na isa," pabulong kong sambit.

"Dahil trauma at masasamang alaala na ang nakakabit sa utak mo," saba dni Tandang Noel.

"Epal," pang aasar ko dito. "Tiyaka mona ako kausapin kapag hindi kana naka-wig,"

Sinamaan ako nito ng tingin, na ikinatawa ko lang. Ang sarap niyang asarin, nagmumukha siyang matandang napaglipasan na ng panahon.

"You love to teased uncle, everyday." Natatawang sabi ni Uven.

"Trip ko lang," nagkibit balikat ako. "Tulog muna ako, gising mona lang ako, kapag gising na si Noshi."

Tumango lang ito, kaya pumikit na ako. Hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon