UVEXIU
PAKIRAMDAM ko nanigas na ng sobra ang mga katawan ko. Hindi kona ito maigalaw. Konti na lang din ay babagsak na ako, tinatatagan ko lamang ang sarili ko.
'Uven! Nasaan kana bang hayop ka!?"
UVEN
NAPAMURA na lamang ako ng makaakyat ako ng yate. Masyadong maraming tao.
Natanaw ko si Alqui sa hindi kalayuan kaya agad ko itong nilapitan.
"It's me," walang emosyong sabi ko dito na ikinagulat niya. "May bomba sa yate, hanapin n'yo na kaagad. Hahanapin ko naman si Uvexiu."
"Sige," seryosong saad nito. "Ako ng bahala sa lahat."
Tumango lang ako.
Hinanap ko si Qwedei, at natagpuan ko itong kausap ang isang babae. Agad ko siyang nilapitan at hinila.
"What's your problem!?" inis na tanong nito.
"May bomba sa yate," sabi ko dito. "Umakto kang maayos ang lahat, hangga't may ginagawa pa kami."
Seryosong tumango ito.
Akmang iiwanan kona siya, ngunit napahinto ako ng may humarang sa aking isang babae.
"Hey, ba–"
"–Stay away from me!" inis ko siyang tinulak.
Bumaba ako sa pinaka-ibaba ng yate. Mabilis akong nagtago ng makitang may dalawang lalaki doon.
"Nanigas na ata yung tuta ni Qwedei," dinig kong sabi ng isa.
Napayukom ako ng kamao ko. Walang ingay ko silang nilapitan. Mabilis kong pinilipit ang leeg nung isa.
Akmang susugurin ako ng natira, pero agad ko itong nahawakan sa kwelyo at sinapak.
"Nasaan siya?" tanong ko dito.
"I-ikaw yun eh!" gulat na sabi nito.
"Nasaan!?" May itinuro itong isang pinto.
Sinuntok ko ulit ito hanggang sa mawalan siya ng malay. Nilapitan ko ang pintong sinasabi niya at binuksan.
Nakita ko si Uvexiu na yakap yakap ang sarili niya. Hinubad ko ang suot kong makapal na coat at nilapitan siya.
"A-ang tagal mo," nanghihinang sabi nito.
Tangina!
Binuhat ko siya at inilabas doon. Ramdam ko ang lamig ng katawan niya kahit makapal na ang coat.
Nang makaakyat ako sa taas ay nagkakagulo na ang mga tao. Nakayuko ang mga ito habang may dalawang lalaking may hawak na baril at nakatutok sa kanila.
Maingat akong bumaba ulit, ngunit napatigil ako nang may naramdaman akong baril sa likuran ko.
"Akyat!" sabi ng kung sino sa likuran ko.
Napamura na lamang ako bago umakyat, buhat si Uvexiu. Napunta sa amin lahat ng atensiyon.
Napalingon ako kay Qwedei at kita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang palipat lipat ang tingin sa akin, at kay Uvexiu.
"Sisihin n'yo itong si Aguilar kapag namatay kayo," sabi ng isang lalaki at sinipa sa tiyan si Qwedei.
Napatingin ako sa gilid ko. Nakita kong nakatago si Alqui at nakatingin sa akin.
Tinanguan ako nito kaya tumango din ako. Dahan dahan kong ibinaba si Uvexiu sa lapag.
"Konting hintay lang," sabi ko dito. "Kayanin mo, okay?"
Tumango lang ito habang nanginginig.
Nang makakuha ako ng buwelo ay agad kong sinipa ang lalaki sa likuran ko at inagaw ang barili nito. Binaril ko ang dalawang nakatayo, ganoon din ang sinipa ko.
Naalerto ang ibang armado. Akmang babarilin nila ako, ngunit hindi natuloy dahil lumitaw ang ibang bodyguard ni Qwedei.
"Natanggal na namin yung mga bomba," sabi ni Alqui. "Kami ng bahala dito, sige na. Dalhin mona sa Hospital si Uvexiu."
Tumango lang ako bago buhatin ito at agad bumaba ng yate. Dumiretso agad ako sa sasakyan ko at isinakay ito.
Napamura ako ng mawalan ito ng malay. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungong Hospital.
UVEXIU
NANG magising ako ay giniginaw pa rin ako, may suot na akong makapal na coat ngunit nilalamig pa rin ako kaya nagkumot ako.
"How's your feeling?" Napalingon ako sa nagsalita. "Are you okay now?"
"Nilalamig pa rin ako," sagot ko dito. "Pero okay na ako....Ano nga pa lang nangyari sa mga yun? Nahuli ba? Si Qwedei?"
"Nahuli na sila, safe ang lahat, pati na din si Qwedei." tugon nito. "But he's mad, alam na niya ang lahat."
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. "Sorry, hindi ako nag ingat."
"No, sorry because I involved you to this," sabi nito. "Muntik ka ng mamatay dahil sa akin, I'm so sorry for that."
Biglang bumukas ang pinto. At iniluwal non si Tandang Noel, kasunod ang Anak ko.
"Mama!" Sumampa ito sa kama at agad akong niyakap. "Takot ako, Mama."
"Sorry na po," sabi ko dito. "Nandito lang si Mama. Mahal kita."
"Lamig mo, Mama po," sabi nito ay hinigpitan lalo ang yakap sa akin. "Yan, yakap kita para hindi kana lalamig po."
Napangiti na lang ako bago ito halikan sa noo.
"Katatapos lang ng session niya," sabi ni Tandang Noel. "Gumaganda na daw ang lagay niya, kahit wala pang isang araw."
Tumango lang ako.
"Ano ng mangyayari ngayon?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Babalik na si Uven sa trabaho?"
"Qwedei, fired me," sagot ni Uven. "Pero kailangan ko pa rin siyang bantayan, kahit sa malayo lang. Kapag bukas na ang isip niya ay, kakausapin kona siya."
"Maghahanda na din ako ng speech para sa kaniya," tugon ko. "Siguradong haharapin ako ng lalaking iyon."
Mukhang matinding suyuan ang kahaharapin ko.
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...