Chapter 3

20.2K 501 6
                                    


UVEXIU

    SAKTONG alas singko ay siya namang bukas ng pinto ng opisina ni Qwedei. Tangina! Ilang oras kaming nakatayo, naupo lang kami nung nagsikainan kami

"Tapos na duty ko," Sabi ko dito. "Aalis na po ako dahil may pupuntahan pa ako."

"What?" Kumunot ang noo nito. "Hindi ba at sumasama ka sa paghatid sa'kin?"

"Hindi na ngayon," Binalingan ko ng tingin si Alqui. "Mag iingat kayo."

Nagmamadali akong sumakay ng elevator. Nang makalabas sa pesteng building na iyon ay agad akong pumara ng taxi

Nagpahatid ako sa bahay ni Tandang Noel, nagbayad ako at dire diretsong pumasok sa loob

"Kumusta ang unang araw mo?" Salubong sa'kin ng matanda

"Palpak!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit hindi mo sinabing delikado pala ang trabahong iyon?"

"Hindi naman delikado yun, medyo lang." Tugon nito

"Sarap mong hampasin!" Hinubad ko ang wig ko at binalibag sa kaniya. "Naghinala agad si Qwedei sa'kin, ang sungit sungit nun!"

Napailing ito. "As what I expected."

"Heh! Diyan kana," Umakyat ako sa taas

Nagpalit ako ng pamasok ko sa bar, namiss ko itong ka-sexy-han ko, lalong lalo na ang dede ko

Nag-make up ako bago lumabas.

Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan, nadatnan ko si Tanda sa baba na nakaupo at nagkakape

"Babalik na lang ulit ako," Paalam ko dito

Ipinahatid ako nito sa driver niya, buti na lang. Kailangan kong magtipid ng pamasahe, kalayo layo ng binabiyahe ko araw araw

"Ikaw na ang sasalang," Salubong sa'kin ni Madam. Ang manager ng bar.

"Here madam," Inabot ko sa kaniya ang bag ko. "Pakitabi at gigiling na ako."

Umakyat ako sa stage at ito na naman ang mga kalalakihan na akala mo mga asong ulol. May mga asawa na lumalandi pa

Napailing na lang ako bago magsimulang gumiling. Todo hiyawan ang mga kalalakihan habang naglalapag ng pera sa stage

"Want more?" Malanding tanong ko sa kanila

"TAKE OFF! TAKE OFF!" Sigaw nila

Hinubad ko naman ang dress kong fit, lalong lumakas ang hiyawan sila ng tumambad sa kanila ang katawan kong bra at pekpek short na lang ang suot

Kung wala lang sila ay hindi ako magtatagal sa trabahong ito

Dumako ang tingin ko sa isang lamesa, natigilan ako ng makita doon si Qwedei na taimtim na nakatitig sa'kin habang naninigarilyo.

Hindi niya naman siguro ako makikilala dahil sa make up ko

Nang matapos akong sumayaw ay agad kong dinampot ang mga pera ko at bumaba ng stage

"Galingan mo!" Nakangiting sabi ko kay Loexie. Ang babaeng susunod na sasayaw sa'kin

Ngumiti lang ito bago tampalin ang pang upo ko

"Libre kaba tumable?" Tanong ni Madam sa'kin

"Sino ba?" Tanong ko at muling sinuot ang dress ko

Tinuro nito ang table ni Qwedei, nakatingin sa'kin ang lalaki. Ang hot ni Sungit!

"Game," Nakangising sabi ko bago iabot sa kaniya ang pera ko. "Wag mong bawasan yan madam."

Tumango lang ito.

Kekendeng kendeng akong lumapit sa table ni Qwedei, umupo ako sa tabi nito at malandi siyang tiningnan

Hindi ako si Uven ngayon, libreng libre kitang landiin

"Hi," Bati ko dito. "Uvexiu pala."

"Qwedei," Tugon nito. "May kakilala ako na kamukha mo."

"I'm unique in this world," Tugon ko dito. "So, how may I help you handsome Qwedei?"

"Are you free tonight?" Tanong nito

Tinaas nito ang sleeve ng damit niya at binuksan ang dalawang butones ng suot niyang polo. Napalunok na lang ako ng makaramdam ng kakaibang init sa aking katawan

"Kaya mo ba ang presyo ko?" Tanong ko dito

Tumingin ako sa paligid, napaigting ang panga ko ng makita ko ang isa sa kanila na taimtim na nakatingin sa'kin.

"Magkano kaba?" Tanong nito

"Kaya mo ba ang fifty thousand?" Pinagapang ko ang daliri ko sa hita niya

"Dodoblehin kopa," Tugon nito

Napangiti naman ako bago kumandong paharap sa kaniya. Kumapit ako sa leeg niya, inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.

"Tara na, ano pang hinihintay mo?" Bulong ko dito

Binuhat naman ako nito na parang bata palabas ng bar, sumakay siya sa driver seat ng sasakyan niya habang nakakandong pa rin ako sa kaniya.

"Ano bang gusto mong serbisyo?" Tanong ko dito

"Pleasure," Bulong nito

Hindi ko akalain na may itinatagong ganitong side ang Qwedei na ito. Kung titingnan siya ay para siya lalaking maarte at mapili sa babae pero kagaya rin pala siya ng iba.

Ano kayang reaksiyon nito kapag nalaman niya ang gusto niyang magbigay sa kaniya ng sarap ngayon ay ang kakambal ng bodyguard niya na nagpapanggap na ito?

"Ang guwapo mo," Sabi ko dito bago lumipat sa passenger seat

"I know," Mayabang na sagot nito

Yabang talaga!

"So? What is your work Mr?" Tanong ko dito

"I'm CEO," Tugon nito. "A good in bed CEO."

Napatawa ako sa sinabi nito. Halata naman hindi na niya kailangang ipagmayabang

"Make sure that you will give me your best performance," Sabi ko dito. "It's second time to do this."

Bakas ang gulat sa mukha niya.

Ayaw kong magpagalaw, bibig ko lang ang gumagawa ng sarap sa mga lalaki, ganoon din naman sila sa'kin. Hanggang doon lang ako, pero ewan koba sa katawan ko at gusto itong subukan kay Qwedei

Sana lang ay hindi ako sumpungin

Gusto kong tansyahin ang katawan ko, gusto kong malaman kung kaya kona ba matapos ang ilang taon.

"Seems that you're afraid," Nagsalita Si Qwedei na pumukaw sa isip ko

"Why would I?" Tinaasan ko siya ng isang kilay

"Brave," Komento nito

Nang huminto ang sinasakyan naming kotse ay nilamon ako ng kaba. Bumaba si Qwedei kaya bumaba na lang din ako

Nasa isang Hotel kami.

Naunang pumasok si Qwedei pero imbis na sumunod ay natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo palayo doon.

Napatigil lang ako sa pagtakbo ng may van na huminto sa aking harapan. Bumaba ang isang tao doon na kinakatakutan ko habang masama ang tingin sa'kin

"Tatakas ka!?" Hinablot nito ang buhok ko at ipinasok ako sa loob ng Van. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang nagmamay-ari sa'yo."

"Walang nagmamay-ari sa'kin!" Galit kong sabi dito kaya nakatanggap ako ng sampal sa kaniya

"Mayaman ang isang yun Uvexiu, kilalang bilyonaryo yun kaya gawin mo ang lahat para lang makuha siya!" Pabalya ako nitong binitiwan. "Huling paalala na ito."

Napayukom na lang ako kamao. Wala na naman akong magawa sa sitwasyon kong ito

"Ano? Lalaban kana sa'min?" Itinaas nito ang cellphone niya at may i-dinial doon.  "Sige, magsumbong kana."

May sumagot sa tawag nito na nakapagpaluha sa'kin

"Mama?"

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon