UVEXIUMASAKIT ang mga mata ko at ulo ko, nang magising ako. Nagtaka ako, dahil nakahiga ako sa isang Hospital bed.
Nawalan ba ako ng malay?
"You're awake." Napatingin ako sa isang taong kapapasok lang. Kasunod nito si Noshi, na ngumangata ng ice cream. "I brought food for us,"
"Bakit ako may sariling kuwarto dito? May nangyari ba sa akin?" takang tanong ko.
Umiling ito. "Masyado kang pagod, ayaw naman kitang iuwi dahil alam kong hindi mo magugustuhan yun. So, kumuha ako ng kuwarto para sa atin."
"Tarantado kaba?" nanlalaki ang mga matang tanong ko dito. "Ano 'to? Hotel?"
"I have no choice." Lumapit ito sa akin. At isa isang nilapag yung mga pagkain. "Kaysa naman, hayaan na lang kitang lamigin sa labas."
Napahimas na lang ako sa sintido ko. Mas lalo atang sumakit ang ulo ko, dahil sa lalaking ito.
"Si Tandang Noel pala?" Bumalik ang pangamba sa akin. "Tapos naba siyang operahan? Anong lagay niya?"
"He's alive," sagot nito. "Nagising na din siya kanina, kaso nakatulog ulit dahil sa gamot."
Nagising agad?
"I know you're confuse." Binuhat nito si Noshi. At isinampa sa kama. "Daplis lang sa gilid ng ulo ang natamo niya, masyado lang na-shock kaya nawalan ng malay."
T-tangina?
"Pero nakita kong binaril siya!" hysterical na sabi ko dito. "Ang dami pa ngang dugo eh, paanong daplis lang? Hindi ko nga siya nakitang gumalaw,"
Nagkibit balikat ito, bago maupo sa kama. "I don't know too. Okay, you can eat now."
Sayang yung luha ko! Nakakainis, grabe ang iyak ko, tapos malalaman kong daplis lang? Gusto ko tuloy suntukin si Tanda.
Pero masaya pa din ako, akala ko ay may mawawala o mapapahamak na naman na isang tao, nang dahil sa akin.
"Wag ka ng mag isip ng kung ano ano." Inabot nito sa akin, ang tupperware na may kanin at ulam. "Maayos lang ang lahat. Alam na din ni Uven, ang mga nangyari. Papunta na siya dito."
Tumango na lang ako, at nagsimulang kumain. Pero natigilan ako sa pagsubo, nang may ma-realize ako.
"Ano nga ulit ang ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko dito. "Hindi ba at galit ka? At saka, bakit parang wala na lang sa'yo ang lahat ng nangyari?"
"Because I already know everything," seryosong sagot nito. "At palabas lang ang lahat, sinasabayan lang namin ang trip ng kalaban."
"Trip? Kasama din ba sa trip mo ang paglaplap kay Cynthia?" sarkastikong tanong ko dito.
"Uhm, yeah?" Napakamot ito sa kilay niya. "But I didn't like it, promise. Kasabwat si Cynthia ng mga sindikato na yun. She's Gerald's lover."
Naibagsak ko ang kutsara ko, dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin, una pa lang ay kasabwat na siya. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya iyon sa sarili niya kapatid.
"Uvexiu." Hinawakan ni Qwedei ang kamay ko. "Kasama mo ako sa laban mo. Promise, that no matter what happen, I will always be with you. Hindi ko kayo tatakbuhan ni Noshi."
"Bakit ko ginagawa ito?" seryosong tanong ko dito. "Wala ka namang mapapala sa akin, Qwedei."
"Puwede namang tumulong, kahit wala akong mapala," tugon nito. "Continue eating."
"Sabihin mona l-"
"-I like you, okay?" Umiwas ito ng tingin. "A-and, I really, really want to help you. Kaya, please. " Tumingin ito sa akin. "Wag mo sana akong ipagtabuyan."
Napatitig ako dito, walang kahit anong bakas, na nagbibiro siya.
"Okay, bahala kang magpakamatay." Nagpatuloy ako sa pagkain.
Napangiti naman ito.
"Kain po," kausap ni Noshi, kay Qwedei. Nginuso nito yung isa pang tupperware, na sa tingin ko ay pagkain ni Qwedei.
"Gutom kapa rin?" Natatawang binuksan ni Qwedei ang tupperware. "Halika, susubuan kita."
Lumapit naman sa kaniya, si Noshi.
"Pagkain mo yan," sabi ko, kay Qwedei. "Ito na lang akin, busog na naman ako."
"No, ubusin mo yan. At saka kumain na naman ako, ng sandwich kanina," tugon nito.
Pinanood ko ito, kung paano niya subuan si Noshi. Infairness, pasok siyang maging Father ni Noshi. Mahina akong napahagikhik sa iniisip ko. Ilusyunadang babae ka, Uvexiu.
"Papa, sarap." Nagkatinginan kami ni Qwedei, dahil sa binigkas ni Noshi.
Bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Qwedei, "What did you say? Ulitin mo."
"Papa." Ngumiti si Noshi. "Papa, sarap yung pagkain po."
Binitawan ni Qwedei, ang tupperware at bumaba ng kama. Lumabas ito ng kuwarto. Napatingin naman ako kay Noshi, na may pagtataka sa mukha.
"Noshi, ayaw niya atang tawagin mo Siyang P-"
Natigilan ako nang marinig ko ang sigaw ni Qwedei, mula sa labas ng pinto.
"YEAH! FVCKING YES! HE CALLED ME, PAPA! FVCK!" masayang sigaw nito. "I'M HAPPY! HAHAHAHA."
Napahampas na lang ako sa noo ko. Nakakahiya.
Maya maya pa ay pumasok na si Qwedei, sa loob. Ngiting ngiti itong umupo muli sa kama ko. At sinubuan ulit si Noshi.
"Siraulo ka, alam mo bang bawal sumigaw dito?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kapag napagalitan tayo, kunwari hindi ka namin kilala."
Natawa ito. "I'm just happy. Your son, called me Papa. Ayokong sumigaw dito sa loob, alam kong babatuhin mo ako. Kaya lumabas na lang ako."
"Yun lang? Bakit naman kailangan mo pang sumigaw?" tanong ko dito.
"Imagine, yung Anak ng babaeng gusto ko, tinawag akong Papa. Sinong hindi matutuwa doon?" Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. "Your son, like me. Ikaw na lang."
"Maghintay ka ng fifteen years," siyempre joke lang.
"Kahit twenty years pa," sabi nito. "I'm willing to wait."
"Sinabi na din sa akin, 'yang I'm willing to wait na yan," sabi ko dito.
"Well, sinabi na din sa akin, 'yang maghintay ka ng fifteen years.

BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...