Chapter 17

16.5K 421 3
                                    

UVEXIU

"PASOK na ako," paalam ko kay Uven, na busy sa pagkamot nang likod ng Anak kong natutulog.

"Umuwi ka agad," sabi nito. "After that work of yours, go home. Wag ng pumunta kung saan saan, kapag wala ka pa ng ala una. Susunduin na kita."

Imbis na mainis, ay napangiti na lamang ako. First time na may mag alala sa aking kapamilya. Well, nag aalala naman si Tandang Noel, kaso may pang aasar kaya bahala siya sa buhay niya.

"Oo, Tatay." biro ko dito. "Sige na, gora na ako."

Nginitian ko muna siya bago tuluyang lumabas ng kuwarto namin ni Noshi at bumaba.

Bahagya akong nagulat ng makita si Alqui sa ibaba. Guwapo ito sa suot niyang simpleng t-shirt at jean, mas bagay sa kaniya ang ganitong porma kaysa sa naka-pormal siya. Mukha siyang bodyguard ng Presidente kapag nakaporma siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito.

"Hatid na kita." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "No meaning ito, nasa club din kasi si Qwedei. At inutos ni Uven na bantayan ko siya, kahit tinanggal niya kami, inaalala pa rin namin ang kalagayan niya."

Napatango ako. "Ede, tara na."

Nauna akong luambas at sumakay ng kotse niya. Sumunod naman ito.

Nasa club si Qwedei. Ibig sabihin ay hindi malabong magkita kami. Ano na naman kaya pakulo niya sa revenge kemene niya? Laplap with other girls again? Makalumang paraan naman si Totoy.

Pero pakielam ko naman? Hindi naman ako naaapektuhan, atsaka kung naaapektuhan man ako. Hindi ko na lang ipapahalata, baka isipin niya type ko siya. Disgusting.

Nang makarating sa bar ay nauna akong bumaba. Tinanguan ko lang si Alqui, bago dire diretsong pumasok sa loob ng bar.

Agad na sumalubong sa akin si Madam. "Sa wakas nabuhay ka, sakto ang pasok mo at may special customer kayo ni Loexie."

"Nandito na si Loexie?" tanong ko dito.

"Papunta na yun," sagot lang nito.

Saktong pagtalikod niya ay ang dating ni Loexie. Sinabi ko ditong may special customer kami kaya agad kaming nagbihis.

"Blooming ah? Nakailang dilig kana?" nakangising tanong ko dito.

Kita ko ang pamumula ng mukha niya, kahit pa pak na pak ang kaniyang blush on.

Nang makarating sa tapat ng VIP room door, ay pumasok na kami. Ngunit natigilan ako ng makita ang nasa loob non.

Si Qwedei. Nandito din si Taxi driver ni Loexie, at tatlo ang kalalakihan. Isa sa mga ito ay artistang si Pcigio.

"FOR THE BIRTHDAY BOY!" sigaw ng isa at pinalakpakan si Taxi driver.

Sabi na nga ba at mayaman din ang hinayupak na ito. Hindi ko akalaing, kaibigan niya pa si Qwedei.

"Patay," bulong ko ng magsimula na kaming sumayaw

"Bakit?" takang tanong ni Loexie, na inilingan ko lang.

Napangisi ako ng may maisip akong kalokohan. Gago ka ah.

Nilapitan ko si Qwedei, na walang emosyong nakatingin sa akin. Kumandong ako paharap sa kaniya, habang gumigiling. Nagsipulan naman ang dalawang lalaking katabi niya.

Hindi kona alam kung anong ginagawa ni Taxi driver at Loexie. Bahala sila sa buhay nila, aasarin ko lang itong lalaking ito.

"Stop it." Umigting ang panga nito at hinawakan ako sa balakang. Para akong napaso dahil sa init ng mga palad niya. "I'm warning you."

"Ayaw mo?" kagat labi kong tanong dito. "Wag ka ng pakipot, tumutusok na si big boy mo oh."

Nabigla ako ng tumayo ito. Muntik na akong matumba, mabuti na lamang ay nakapag balance ako.

"You want that huh?" Ngumisi ito, bago ako hilahin palabas ng VIP room.

"Teka!" awat ko dito, pero hindi ito nagpatinag.

Pumasok kami sa isang kuwarto. Natigilan na lamang ako ng makita ang isang babaeng nakaupo doon, habang nakasuot ng lingerie.

"Long time no see, Uvexiu." nakangising sabi nito.

Napatingin ako kay Qwedei, at walang emosyon lang ang mukha nito.

"A-Ano 'to?" utal kong tanong.

"Why don't you ask yourself?" balik na tanong nito. "She explained me everything, Uvexiu. Everything. Your plan about me and my money."

"Hindi to-"

"-Ang galing mong umarte!" Napatingin ako kay Cynthia. "I know you, Uvexiu. Sinabi kona lahat kay Qwedei, ang lahat ng nangyari dati, ang ginawa mo kay Kuya Noah!"

Hindi ko alam, pero naiiyak ako sa nangyayari. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong takot.

"Wala kang alam, Cynthia!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala kang alam, kahit na isa!"

"I know everything!" Nilapitan ako nito at sinampal. "Na pinerahan mo yung Kuya ko, na nagpabuntis ka sa kaniya para sa pera, na hindi mo siya minahal! Na pinatay mo siya sa harapan ko!"

"H-Hindi ganon yun!" Nanginginig ang boses na sabi ko. "Hindi!"

"So? I'm your next victim then." Napatingin ako kay Qwedei. "How could you do that to me? Kasabwat mo din ba yung kapatid mo? Matagal n'yo naba itong plano!?"

Iling lang ang naisagot ko.

"I trusted your brother, I trusted you!" Dinuro ako nito. "I can't believe na ginagamit mo ang katawan mo, para lang sa ganitong mga bagay."

Kusang gumalaw ang katawan ko at malakas siyang sinampal. "Wala kang alam! W-wag na wag mo akong huhusgahan, dahil hindi mo ako kilala!"

"Yun na nga eh, nagmamahal ako ng taong hindi ko kilala at ilang araw ko pa lang nakilala." Natigilan ako sa sinabi nito. "N-nagmamahal ako ng isang taong sinungaling."

"H-hindi mo ako ma-"

"-THEN IPAINTINDI MO SA AKIN!" sigaw nito. "Tangina! Ipaintindi mo sa akin, hangga't kaya pa kitang pakinggan. Uvexiu, ipaintindi mo sa akin please."

Nagbago ang awra nito, nagsusumamo na ang mukha at mga mata nito, na para bang ayaw niya akong bitawan.

Pero siguro mas mabuti na rin ito, para hindi na siya magaya kay Noah, kailangan kong layuan na lamang siya.

"Tama si Cynthia," walang emosyong sabi ko dito. "Ginagamit lang kita, kagaya ng ginawa ko sa kapatid niya. Ikaw? Magugustuhan ko? Ang dami diyang iba, Qwedei."

Nilampasan ko siya, at lumabas ng kuwartong iyon. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko, kasabay ng pagkirot ng dibdib ko.

Kailangan kita Qwedei, kaso mas mabuting maputol ang ugnayan natin para naman mabuhay ka ng mapayapa. Dahil siguradong kapag naging malapit tayo sa isa't isa ay lalo kang gagamitin nila Gerald laban sa akin.

Bring me to Heaven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon