QWEDEI
"MAHAL, sige na po. Ako na ang bahala kay Qwyxiu," sabi ko sa Asawa ko. "Alam kong pagod ka, day off ko naman bukas kaya ayos lang na magpuyat ako."
"Pero pagod ka din," inaantok na sabi nito.
"Okay lang talaga." Hinalikan ko siya sa noo. "Sige na."
Tumango lang ito, bago ulit matulog. Maingat ko namang nilapitan ang bunsong babae naming umiiyak sa crib. Binuhat ko ito, at pinadede ito sa bottled milk niya.
Magiging si Uvexiu, kapag sa kaniya pinadede kaya dito muna sa bottled milk. Gatas din naman ito ni Uvexiu, pina-pump niya bago siya matulog.
Isang buwan pa lang si Qwyxiu, hindi pa gaanong nakaka-recover ang asawa ko. Kaya kahit pagod ako sa trabaho, nagpupuyat pa rin ako para maalagaan ang Anak namin.
Sama sama kaming pamilya sa isang malaking kuwarto. Dalawa ang kama sa loob, ang isa ay para kay Noshi at ang isang ay para sa aming mag asawa. Ayokong nakahiwalay si Noshi, dahil ayokong isipin niyang balewala na siya sa amin.
Mahal ko si Noshi, at ayokong lumayo ang loob niya sa amin. Pinadede ko lang si Qwyxiu, hanggang sa makatulog siya. Maingat ko siyang inilapag sa crib.
"Papa?" Napalingon ako kay Noshi. Kusot kusot nito ang mata niya, habang nakaupo sa kama. "Papa, tabi tayo po."
Agad naman akong lumapit sa kaniya. "Sige po."
Humiga ulit ito. Humiga naman ako sa tabi niya, napangiti ako ng yumakap ito sa akin. Ilang saglit pa ay nakatulog na ito. Dala na rin ng pagod ay nakatulog na din ako.
Nang magising ako, ay wala na ang tatlo sa kuwarto. Pumasok ako banyo at naghilamos. Nagpalit muna ako ng damit pambahay, bago bumaba.
Nadatnan ko sila sa dining. Nagpapadede si Uvexiu, habang kumakain.
"Good morning." Nilapitan ko ang asawa ko at hinalikan sa noo. "Hi, baby namin."
Hinalikan ko din ito sa noo, bago lapitan si Noshi. "Wala kang pasok?"
Umiling ito. "May meeting daw po mga teachers."
Napatango lang ako, bago maupo sa tabi niya. "Day off si Papa mo, Noshi. Kaya laro tayo?"
"Gusto ko po bantayan lang natin ang kapatid ko," sagot nito. "Kailan ko po siya, puwedeng buhatin?"
"Pagkatapos kumain, ipapabuhat namin siya sa'yo," sagot ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nang matapos kami at dumiretso kami sa garden, at naupo sa cottage doon.
Kinuha ko si Qwyxiu, kay Uvexiu. Humarap ako kay Noshi. "Nak, straight mo kamay mo."
Sinunod naman niya ako, maingat kong inilapag si Qwyxiu sa kanlungan niya.
"Hi, baby." Kita ko ang saya sa mukha nito, kaya napangiti na lang ako. "Ako po si Kuya mo." Tumingin ito sa akin. "Papa, gusto kona rin magka-baby."
Nagkatinginan kami ni Uvexiu, parehas kaming natawa.
"Noshi, wag muna." Natatawang sabi dito ni Uvexiu. "Bata kapa, at kapag mag-be-baby kana. Dapat babaeng mahal mo ang kasama mo, at handa mo siyang pakasalan."
Tumango ito. "Gusto ko po yung kagaya mo, Mama."
"Makakahanap ka din, Anak." Hinaplos ko ang buhok nito.
Wala ng mas sasaya pa, kung ang makikita mo tuwing umaga ay ang mag ina mo. Pinakasarap sa pakiramdam ay yung matawag kang Papa ng Anak mo, at matawag mong asawa ang pinangarap mong babae.
Ibinigay sila sa akin ni Lord, at hinding hindi ko sasayangin iyon.
I'm Qwedei Aguilar and she's Uvexiu Aguilar. We're now officially closing our book.
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomansaWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...
![Bring me to Heaven [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/330603240-64-k356097.jpg)