UVEXIU
NAPATINGIN ako sa Anak ko, na ngayon ay natutulog. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, sinaksak niya si Tandang Noel at sinabing laro lang ito.
'Diyos ko, ano pong nangyayari sa Anak ko?'
Hinalikan ko sa noo ang Anak ko, bago lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa kuwarto ni Uven, kung nasaan din si Tandang Noel na ginagamot ng Personal Doctor niya.
"Iwasan muna po ang masyadong paggalaw, you need to rest," mahinahong sabi dito ng Doctor. "Nag iwan na din ako ng reseta sa assistant ninyo."
Napatango lang si Tanda, bago gumawi ang tingin sa akin.
"Thank you," sabi nito sa Doctor. "I will send the payment to your account."
Tumango lang ang Doctor bago ligpitin ang mga gamit niya. Tumango ito sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
"Ano ba talagang nangyari?" Naupo ako sa upuan sa gilid ng kama ni Uven. "S-sinaksak ka talaga niya?"
Tumango ito na ikinanlumo ko. "Ayokong makielam sa'yo Uvexiu, pero gusto kong sabihin mo sa'kin kung anong klaseng buhay ang naranasan mo? Anong klaseng buhay ang naranasan ng Anak mo? Bakit kailangan mong magbayad ng isang milyon para mabawi siya?"
Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin. Hindi ako makasagot sa tanong niya, ayokong sumagot.
"Hawak ka ng sindikato?" Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko dahil sa sinabi niya. "I know everything from the start Uvexiu, hinihintay lang kitang magsabi."
Umiling ako. "Wag na wag kang makikielam dito, hindi mo kilala ang mga taong yun. Kayang kaya ka nilang patayin!"
"Uvexiu, bakit ayaw mong magpatulong? Kayang kaya kitang sagipin sa kanila!" tumaas ang boses nito. "Let me help you, alang alang kay Uven."
"No one can help me." Natawa ako ng pagak. "S-Sinubukan kona din dati, pero wala. Tinraydor lang nila ako. Hindi ko alam kung kanino ako magtitiwala ngayon."
"Uvexiu-"
"-Papasok na ako," putol ko sa sasabihin nito. "Alam kong may nagawa ng hindi maganda sa'yo si Noshi, pero pakibantayan pa rin siya. Tawagan mona lang ako kapag may problema."
Hindi kona siya hinintay makasagot. Lumabas ako ng kuwarto ni Uven at nagtungo sa kuwarto ko.
Nagbihis ako ng panlalaki, ako na naman si Uven. Nang masiguro kong ayos na ako, ay nilapitan ko ang aking Anak na mahimbing pa ring natutulog.
"Uuwi ako agad." Hinalikan ko ito sa noo. "Mahal ka ni Mama."
Napahinga na lang ako ng malalim bago lumabas ng kuwarto ko. Dumiretso ako sa ibaba, at si Alqui agad ang bumungad sa akin.
"Are you okay?" alalang tanong nito. "You look exhausted."
Ngiti lang ang naitugon ko dito. Dire diretso akong lumabas ng bahay at pumasok ng sasakyan niya.
"Uncle, already told me what happened," sabi nito nang makapasok siya ng sasakyan. "Maybe, you should bring your son to psychiatrist."
Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko, naaawa ako sa Anak ko.
"Uvexiu, if you're not okay, I can bring you home again." Naramdaman ko ang paghawak ni Alqui sa kamay ko. "Wag kana lang munang pumasok kung nag aalala ka sa Anak mo."
"Sahod ngayon," mahinang tugon ko.
Dinig ko naman ang pagtawag nito, kaya mahina akong napatawa. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"We're here," anunsiyo ni Alqui. "Umayos kana."
Tumango lang ako, bago bumaba ng sasakyan. Dumiretso ako sa loob ng bahay. At si Qwedei agad ang bumungad sa akin.
"Good morning, Master." Yumuko ako ng bahagya dito.
"Oh, you're alive," sarkastikong sabi nito. "Ofcourse, kahit sino naman mabubuhay kapag sahudan na."
"Sahod is life," tugon ko dito na ikinasalubong lalo ng mga kilay niya. "I mean, let's go Master. Baka ma-late ka."
Sinamaan lang ako ng tingin, bago maunanh lumakas palabas ng bahay.
Bad mood yarn?
Sumunod na lang ako dito. Laking pasasalamat ko dahil bulletproof car niya ang ginamit namin. Mahirap na, baka maulit yung nangyari, edi tegi ako.
"I received death threats again," malamig na sabi ni Qwedei. "Ilang taon na pero hindi niyo pa rin mahuli ang gustong pumatay sa akin, binabayaran ko lang ba kayo para sa wala!?"
Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nang tumaas ang boses nito.
"Sorry, Mas-"
"-I don't need that apology!" Galit na sabi nito. "And you, Uven. Ano ng nangyayari sa'yo? You don't do your job properly!"
Hindi na lang ako kumibo.
Nang makarating sa company niya ay nauna itong pumasok, nagkatinginan naman kami ni Alqui bago ito sundan.
"Bakit mainit ulo non?" tanong nito
"Basted ata," tanging naisagot ko
Naging tahimik kami ng makasakay kaming tatlo ng elevator. Walang nagtangkang magsalita hanggang sa bumukas ito.
"Good morning Sir!" bati sa kaniya ng mga empleyado.
Hindi ito pinansin ni Qwedei, dire diretso lang itong pumasok ng office niya.
Nasa ganoon kaming posisyon, biglang tumunog ang cellphone ko-cellphone ko talaga, hindi yung kay Uven.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilalang si Qwedei ang caller. Lumayo ako doon at sinagot ang tawag.
"Oh?" Pabalang kong sagot dito.
"Can you come here to my office?" Malambing ang boses nito.
Wow! Parang kanina lang, gustong gusto na ata kaming barilin.
"May trabaho ako," sabi ko dito. "Mamaya na lang."
"Please?" pagsusumamo nito. "I'll pay you."
"Mamaya na lang." Pinatay ko ang tawag. In-off ko din ang cellphone ko para hindi na siya makatawag-
"What are you doing here Uven?" Kinakabahang hinarap ko si Qwedei. "Sino kausap mo?"
"Ah..yung Anak ko," tugon ko dito. "Balik na ako sa puwesto ko Sir."
Inirapan lang ako nito bilang sagot.
Kung alam mo lang, na ako ang nagpapaligaya sa'yo baka mag break down ka diyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/330603240-288-k356097.jpg)
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...