QWEDEI
"PAPA." Takot na nakatingin sa akin si Noshi.
Nakatali ito sa isang upuan. Medyo malayo siya sa akin, kaya hindi ko siya mayakap.
"Okay lang ang lahat," sabi ko dito. "Wag kang matakot, nandito lang si Papa."
Tumango lang ito.
Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang magandang palabas. Sisiguraduhin kong magbabayad itong mukhang unggoy na ito.
------
NANG masiguro kong mahimbing ng natutulog ang mag ina ko, ay tumayo na ako at bumaba.Nadatnan ko si Uncle Noel at Uven, sa sala. Pareho silang umiinom ng alak.
"They are sleeping," I said to Uven. "So? What's our next step?"
"Go with the flow again," sagot ni Uven. "Napagpalit kona ang tauhan ko at tauhan ni Gerald. Nakakulong na ang mga tauhan nito."
"Tumawag si Alqui kanina," Uncle spoked. "Bukas daw ng maaga ay susugod dito sila Gerald. Balak nilang kuhanin ka at ang apo ko, pagkatapos ay tatakutin nila si Uvexiu."
"Why don't we all of these to, Uvexiu?" tanong ko
"Wala ng oras," sagot ni Uven. "Basta, kami ng ang bahala sa susunod na galaw."
Tumango lang ako.
Nag usap pa kami saglit, bago sila magpaalam at umalis. Bumalik naman ako ako kuwarto namin, at tinabihan ang mag ina ko.
"I love you, both."
Nang mag umaga ay sabay kaming nagising ni Noshi. Sakto ang pagpasok nila Gerald ng bahay ko, sa pagbaba namin ni Noshi.
"KUNIN ANG DALAWANG 'YAN!" He shouted.
Buti na lang, hindi maririnig sa kuwarto ang sigaw niya.
"PATAYIN ANG MGA KATU-"
"-No! Pabayaan n'yo na sila, kusa akong sasama," mahinahong sabi ko. "Pabayaan n'yo na sila."
Ngumisi si Gerald, at nilapitan ako. Napaubo ako, nang hampasin ako nito ng baril sa tiyan.
Ikaw, mamaya ang hahampasin ko!
"PAPA!" Noshi cried. "Papa!"
"Tumahimik kang inutil ka!" Akmang hahampasin nito si Noshi, kaya mabilis akong humarang.
Napapikit ako, nang tumama ang baril nito sa likuran ko.
Tinali nila ang mga katulong ko, ginulo nila ang mga gamit ko sa bahay. Bago nila kami kaladkarin ni Noshi palabas.
Mga totoong tauhan niya ang kasama niya. Sinadya naming magtira pa ng mga tauhan niya, para hindi siya makahalata.
Huling kalayaan mona itong hayop ka. Kung pwede nga lang, papatayin na din kita eh.
I LOOKED at Alqui. Tumango ito, bago mag signal.
"TAAS ANG KAMAY!" Sigaw niya, bago tutukan ng baril si Gerald.
Akmang babarilin ng mga tauhan ni Gerald si Alqui, pero hindi natuloy dahil tinutukan sila ng mga tauhan namin ni Uven, at ng ibang pulis na kasama namin.
"Surprise!" nakangising sabi ko dito.
Tinanggal ko ang pekeng tali ko. Nilapitan ko si Noshi, at pinakawalan din ito. Binuhat ko ito, at niyakap.
"Okay lang ang lahat," sabi ko dito.
"NOSHI!" My Queen is here.
UVEXIU
NANG makarating sa lungga ni Gerald, ay agad akong pumasok sa loob. Natigilan ako nang makita sila Alqui doon at ibang pulis.
"NOSHI!" Sigaw ko, kaya napatingin sa akin si Qwedei. Buhat nito si Noshi.
Nilapitan ko sila, at agad na niyakap.
"Mabuti na lang at ayos kayo," sabi ko sa dalawa. "Hindi ba kayong nasaktan?"
Humiwalay ako sa yakap at sinuri sila. May pasa at sugat sa mukha si Qwedei, si Noshi naman ay wala namang sugat.
"Mama!" Lumipat sa akin si Noshi.
"Okay na ang lahat baby," sabi ko dito. "Okay na."
Hinalikan ko sa labi si Qwedei, bago lingunin si Gerald. Sobrang sama ng tingin nito sa amin.
"Wait lang Noshi ah?" Binigay ko ulit siya kay Qwedei. "Limang suntok lang."
Nilapitan ko si Gerald, at binigyan ng limang suntok. Hindi ito nakaganti dahil kapag gumanti siya, tigok siya.
"Gumanti ka!" hamon ko dito. "Gusto kong makita ang butas mong noo."
"PAPATAYIN KITA!" galit na sigaw nito.
Hinampas siya ng baril ni Alqui, nang akmang susunggaban niya ako.
"Deserved mo yan!"
Nilapitan ko ulit si Qwedei at Noshi.
Nasa ganoon kaming posisyon, nang biglang may nagpaputok ng baril. Bumagsak si Qwedei, kaya nataranta ko.
"Qwedei!" Agad ko itong dinaluhan. "Shit! Mamamatay kana ba? Hindi na ba matatapos ang love story natin? Qwedei!"
Natawa ito bago pakawalan si Noshi, umupo ito habang sapo ang balikat niya.
"Malayo sa bituka ito," sabi niya. "Are you okay Noshi? Hindi kaba tinamaan?"
Umiling si Noshi. "Papa, dudugo yung balikat mo po. Papa, tara po sa Hospital."
"Kalma," mahinahong sabi dito ni Qwedei. "Ayos lang si Papa."
Napalingon ako sa bumaril sa kaniya. Si Cynthia, hawak na siya ng ibang pulis.
Tumayo ako at nilapitan ito. Malakas ko siyang sinampal. "Ang tagal kong na-guilty! Ang tagal kong nag isip kung paano kita haharapin, tapos malalaman ko kasabwat ka!? Pinatay mo ang Ama ni Noshi, para saan? Para sa pera!?"
"Oo!" galit na sagot nito. "Siya lang ang pinamanahan! Paano naman ako!? Masyado kasing pasikat ang Noah na yun, kaya deserved niyang mamatay! Buti na lang at nakakuha ako ng pagkakataon na mapatay siya nung dumating ka!"
"Walanghiya ka!" Sinabunutan at sinuntok ko ito.
Mapapatay kona sana siya, pero inawat ako ng mga pulus.
"IREREKLAMO KITA!" Galit na sigaw nito.
"SAMAHAN PA KITA!" balik kong sigaw.
Nilapitan ko si Qwedei at Noshi. Binuhat ko si Noshi at inalalayang makatayo si Qwedei.
"You're free now," nakangiting sabi ni Uven. "Sorry kung natagalan."
"Maraming salamat," naiiyak kong sabi dito. "Thank you, Kuya."
Niyakap naman ako nito, at hinalikan sa noo.
"Mamaya na kayo mag dramahan, please," sabad ni Qwedei. "Mauubusan na ata ako ng dugo dito."
Natawa si Uven. "Halika na sa Hospital, baka mawalan pa ng magiging asawa ang kapatid ko."
Inalalayang maglakad ni Uven si Qwedei.
"BABALIKAN KO KAYO!" dinig kong sigaw ni Gerald, na isinasakay na sa police mobile. "PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"
"INGAY MO!" sigaw dito ni Alqui. "Putak ka nang putak!"
Malakas itong binatukan ni Alqui, na ikinatawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/330603240-288-k356097.jpg)
BINABASA MO ANG
Bring me to Heaven [COMPLETED]
RomanceWARNING R🔞 Isa lang siyang simpleng pokpok sa bar na apura giling pero may estrangherong matandang lalaki ang lumapit sa kaniya at isinama siya sa Hospital. Doon nakita niya ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Comatose ito at kailangan na ma...