Isang taong umaasal hayop,
Galing sa mapait na karanasan.
Nagbabalik at nagbabakasalaking,
Hustisya ay makamtan.Pinag-isipan at pinagplanuhan,
Kaya't maraming hahatulan.
Maghihiganti sa kaparaanang,
Paghihirap man o kamatayan.Ang binata ay naging banta,
Ang pagkatao'y naging bangungot.
May tatlong taong namamalagi,
Lahat sila'y namumulupot.Tama! Kamatayan sa pagkapos ng hangin,
Sasakalin gamit ang mapanganib na lubid.
Daramdamin din nila ang talas,
Talim ng hinasa kong laro saking pagbabalik.-Mr. Pride
Hindi malakas at hindi rin mahina kung ilalarawan ang tunog ng ulan na bumabagsak sa sahig. Ang sarap sa pakiramdam ng bawat butil na dumadampi saking katawan. Gagawa ako ng isang karumal-dumal kung saan walang sinuman ang makakikita't makaririnig. Aking nasisilayan ng maaliwalas ang bilog at maliwang na buwan.
Kasama ang aking tiyuhin ay narito kami sa tuktok ng Condo. Nakasuot kami ng kapoteng kulay itim na para bang mga multo. Kung kami ay titingnan sa malayuan ng kahit na sinong tao, aakalain nila na kami ay mag-ama at parte ng tinatawag na kulto.
Ako'y isang batang lalaki na nasa edad na walong taon gulang, nakahiga sa sahig habang nilalasap ang patak ng ulang tumatama sa aking mukha. Ang kasama kong lalaki ay nasa trenta't husto na ang gulang, sumasayaw at umiindak na parang idinaraos ang bagsak ng ulang walang tila.
Ang bakal na pinto ay kumalabog dahil may dumating na isang lalaki. Hindi makita at maaninag ang kanyang mukha dahil ito'y natatakpan ng maskara ni kamatayan. Ang kanyang suot ay kapote na ang kulay ay kabaliktaran ng puti, kulang na lang ng karit at masasabi nang siya ang taga-sundo ng kaluluwa na kinakatakutan.
*
Sa Rooftop ng Natt Condominium ay may tatlong lalaking nakasuot ng kapoteng kulay itim; isang mahikero na may dalang isang kubyerta ng baraha, isang bata, at ang nakasuot ng maskara ni Grim Reaper.
"Bilog ang buwan at napakaliwanag nito," sabi ng mahikero.
"Saktong umuulan na babagay sa gagawin ko," saad naman ng bata.
"Magsihanda kayo! Ating papaslangin ang pitong demonyo na itinuturing kong banta sa ating kapaligiran." Wika ng Grim Reaper.
"Madadamay ka, paano mo babawian ng buhay ang sarili mo?" Tanong ng bata.
"Sang-ayon ako, nahihibang ka na ata. Papatayin mo ba ang sarili mo?" Ani ng mahikero.
"Ako'y mawawalan ng hininga sa tamang kaparaanan, at ito ay sa kamay pa ng taong malapit sa akin." Sambit ng Grim Reaper.
Lumakas ang buhos ng ulan, kumulog na rin at kumidlat. Ang buwan ay unti-unting nawawala sa paningin niya. Siya ay bumaba mula sa rooftop upang simulan ang pinaka-unang hakbang sa kanyang mga plano.
Gusto niyang ipakita sa lahat na siya ang pinaka-mataas, ang pinaka-malakas, at ang pinaka-nakakatakot na taong hindi gugustuhing kalabanin ng kahit na sino. Sumasakanya ang iba't ibang personalidad na may iba't ibang katangian. Naninirahan din sa kanya ang hari ng kahariang mulat sa agawan ng teritoryo.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Misteri / ThrillerLeon, an 18 year-old boy who's working and investigating secretly to help the authority catch up the killers and other criminals. On his mission, he did not expect that he would encounter the notorious and mysterious serial killer known as Mr. Pride...