---3
Demonise
Hindi naman ako ganoon kaduwag para paputukan agad siya ng baril. Actually, kayang-kaya ko nga siya ng mano-mano lang, e. I still remember the first day na magkita kami. Mas matangkad at mas mukha siyang bully sa akin pero noong hindi ko na natiis ang sarili ko, kinagat ko siya kaya iyon, iyak siya at sumbong sa nanay.
But of course, that was just a pure joke. Come on, laugh.
Nakarinig ako ng isang putok ng baril mula sa kaniya. Nagsidatingan na rin ang ilan niyang mga back-up na siya namang sinunggaban nila Kert at Christian. Ewan ko lang pero hindi pa kasi well-trained si Kert. May possibility pa rin na mapahamak siya. Pero nandiyan naman si Christian. I know he can handle that.
"So duwag naman pala this girl!" Sigaw ko kay Grace tsaka humagalpak ng tawa. Umiwas ako sa pagsipa niya tsaka siya inudyukan ng suntok diretso sa sikmura niya tsaka muling tumawa, "So pa-strong pa!" Inartehan ko pa lalo ang boses ko upang mas mairita siya sa akin.
Muli siyang nagpaputok ng baril niya --dalawang sunod. Aba! Hindi ko pa nga ipinuputok ang baril ko, nakakatatlong bala na siya? Duwag pala.
"E, kung binabangasan ko kaya ang maganda mong mukha?" Birada niya sa akin tsaka ngumisi at naglagay ng knuckles sa kaliwang kamay niya. Woah, so she's trying to intimidate me using her knuckles? Sorry, honey.. but no.
"Thanks for the compliment! Alam ko namang maganda ako. Kaya lang, hindi mo matanggap sa sarili mo na mas angat ako." Ngumiti ako ng nakakaloko tsaka nagpaputok ng baril --sinigurado kong tatama iyon sa kaliwang braso niya.
"Natakot sa knuckles kaya pinapatukan ako ng baril, ganoon?" Bawi niya sa akin habang iniinda ang balang tumama sa braso niya. Kitang-kita ko ang pag-ngiwi at pagkagat-labi niya. Weak.
"Not really. You can put your knuckles on your right hand, Grace. Huwag tanga."
"Fuck you!"
"Harder!" Napatigil ako sa pagtawa nang mapansing nakikitawa na rin ang iba niyang back-up. Lalong nagdilim ang paningin sa akin ni Grace at dali-daling sumugod nang mailipat niya sa kabila ang kaniyang knuckles.
Hindi ako kumilos, hindi ako gumawa ng kahit na anong hakbang upang umiwas. Nanatili akong nakatayo at nakangisi sabay yuko nang umamba na siyang susuntukin ang mukha ko. Inabot ko ang braso niyang may tama ng baril tsaka iyon pinisil --halata sa mukha ko ang panggigigil. Inabot ko ang kanang kamay niya tsaka iyon pinilipit, "Where's Hyzel?"
"I already killed her, sorry!" Nagawa pa talagang mang-asar ng bruha na ito, ha?
"Stupid, I just heard her voice a while ago!" Lalo kong pinisil ang may tama niyang braso tsaka tiningnan kung okay lang ba sila Kert. Woah, mukha silang mag-kuya!
"We can handle this, Demonise!" Paninigurado sa akin ni Kert. Sumaludo ako at binalikan ng tingin si Grace.
"I never thought you'd be like this." Napa-iling ako tsaka siya tinadyakan dahilan upang mabitawan ko ang pagkakakapit sa kaniya. Okay lang, mahina naman na siya. "What have I done to you? What have Hyzel done to you? Sinong nag-utos sa iyo?"
"Don't ask me, bitch. Wala kang mapapala."
"Edi wala! Atleast, we saved Hyzel!" Dumura ako tsaka tumingin sa hagdan na pinanggalingan kanina ni Grace, "I'll let this pass. Kert, pakitali lahat ng buhay --even Grace."
Umuna na ako sa kanila at hinayaan silang magtali. Dahan-dahan pa rin ang lakad ko dahil pakiramdam ko, may tao pa ring susugurin ako anytime. Pinakiramdaman ko ang buong paligid at inisa-isa ang mga kwarto. Nabunutan ako ng tinik nang makita si Hyzel na buhay ngunit nakatali. Nanlalaki ang mga mata niya sa bintana kaya dali-dali ko iyong sinundan. Nakita ko ang paggalaw ng mga damo kaya napakunot ang noo ko at lumabas agad ng kwarto.
"Guys, kayo na bahala kay Hyzel! Sandali lang!" Halos talunin ko na ang hagdan sa sobrang pagmamadali na baka may makatakas. Too bad, nakatakas na nga talaga siya. Naiiling kong binalikan sila Hyzel sa taas.
"Hyzel! Thank God you're okay!" I sighed in relief then walked towards Grace, "We'll see each other next time. Galingan mo na at mag practice ng mabuti! Magpakabait!"
Sabay-sabay naming tinahak ang daanan palabas ng puting bahay. Ang problema ko na lamang ay ang babaeng tumawag sa akin kahapon. Kaya lang, madilim na at mukhang delikado kung itutuloy ko pa iyon kaya napailing na lamang ako at pilit na iwinakli sa isipan ko ang tungkol sa paghingi ng tulong sa akin ng isang babae.
"Bakit parang may hinabol ka kanina?"
"I saw someone outside. Hyzel, nakita mo rin, hindi ba?"
"Actually, bantay ko siya the whole time. Sabi niya, gusto na niya akong patayin pero hindi raw pwede dahil ayaw niyang masaktan ka. He was mentioning your name the whole time, Demonise. Too bad, naka-mask siya. No'ng maramdaman niyang may paparating --and that was you, bigla siyang tumalon. And then boom!"
I just shrugged then looked at Christian, "I thought you don't know anything about punching and kicking!" Pang-insulto ko sa kaniya na ikinairap niya.
"Well.. you just thought." Kapag talaga si Christian ang kausap ko, feeling ko, bakla ang kausap ko. No'ng sinabi niya ang, 'Well.. you just thought.', tila nag-flash siya sa utak ko at flinip niya ang buhok niya.
Napatunganga ako nang makitang may nakasulat sa harapan ng kotse ko. Dali-dali akong tumakbo at nagtitili sa nakita.
'Don't let me declare a war, Demonise.'
"Gosh! NO! NO! My baby!" Nagpa-panic na sigaw ko tsaka pilit iyong binura kahit alam ko naman sa sarili kong hindi iyon mawawala. Napasampal ako sa sarili ko at pinagsasabunutan ang buhok ko dala ng labis na galit. Kotse ko pa, ha?
"WHOEVER YOU ARE... I'M DECLARING A WAR! AND WHEN I SAY WAR, GUNS, KNIVES, BOMB, SHARPS, BLOODS.. EVERYTHING! I WILL KILL YOU!"
"Oh, kalma, baka pumutok ang ugat!" Pagpapakalma sa akin ni Hyzel at hinimas ang likod ko. I can't.. I can't even control myself right now.
Pumasok ako sa kotse ko tsaka doon nagwala. Inuntog-untog ko ang ulo ko sa manibela tsaka pinatalas ang aking paningin. "I bet he's laughing right now." Bulong ko at ginala-gala ang aking paningin.
Napailing na lang ako tsaka huminga ng malalim. Sinenyasan ko silang pumasok na dahil magda-drive na ako. I'm still lucky, hindi niya pinakialaman ang mga parte ng kotse ko.
Hindi nga ba?
Sinubukan kong i-preno ang aking kotse habang nagdadasal na sana ay wala siyang kinalikot at gayon na lamang ang naging tuwa ko nang maayos pa rin iyon. Mukhang binaboy lang niya.
"Uuwi na tayo? Finally!" Tuwang-tuwang sabi ni Christian tsaka sumuntok-suntok sa ere.
"Hindi pa, ibababa ka namin kung mag-iingay ka!" Biro ko ngunit nasa malamig pa ring boses. Tumahimik siya nang masenyasan nila Kert ng 'ssh'.
I'll surely kill him.
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mystery / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)