---22
Third Person
"Tanga." Bulong ni Demonise sa kanilang lahat tsaka malapad na ngumisi. Nakatitig lang sa kaniya sina Damon, Hyzel, Mikeila, Lory, Dust, at..
Kenchi
"Even you?" Hindi makapaniwalang saad ni Demonise ngunit pinanatili lamang niya ang pagiging matatag niya sa harap ng lahat. Hindi siya iiyak, hindi siya manghuhusga. Pipilitin niyang isipin na ginawa lamang nila ito para sa kaniya.
"Sorry, Demonise" Napayuko si Kenchi kay Demonise habang hawak ang isang maliit na umiilaw na bagay. Kumunot ang kaniyang noo at sa huli'y napangisi.
"Alam ko namang darating tayo sa punto na ito. Hindi ako tanga, Hyzel."
Hindi umimik si Hyzel sa halip ay napa-iwas lamang ng tingin. Malalim siyang bumuntong-hininga tsaka tinignan si Mikeila, "Pagkatapos ng offer na binigay ko sa iyo? Dapat nga, kasama ka sa tinatapos ko dahil sumabwat ka, e."
"Demonise, hindi mo naiintindihan, e!"
"Ano sa mga ginawa niyo ang hindi ko maintindihan, Mikeila? Naiintindihan ko! inidnap niyo ako para lang pigilan! Ano bang masama sa ginagawa ko?" Hindi niya napigilan pa ang pag-tulo ng kaniyang mga luha. Napakagat siya sa kaniyang labi tsaka nag-iwas ng tingin, "Ginawa ko naman ang lahat para protektahan ang kapatid ko, ah? Alam kong mali ako sa mga ginawa ko noon dahil sa pagiging ma-inggit-in ko pero tama ba namang gawin sa akin ito ni Emman? Tama bang patayin niya ang kapatid ko sa pamamagitan ng dati niyang kaibigan? Tama bang kunin niya si Grace para lang peke-in ang pagkamatay ng kapatid ko at ng nobyo niyang si Enzo?"
Napatigil si Lory sa sinabi nito.Muli niyang naalala ang binanggit sa kaniya ni Dust kaya nag-aalangan man ay kinalabit niya ito, "Kapatid ni ate Demonise ang pinalit niya sa akin?"
Marahang tumango si Dust. Hindi alam ni Lory kung saan ibabaling ang kaniyang tingin dahil ayaw niyang makagawa ng eksena dahil lang sa nakalimutan na siya ni Enzo. Huminga siya ng malalim tsaka tumingin na lamang sa itaas upang pigilan ang nagbabadya niyang luha.
"Hindi ko aakalaing darating tayo sa puntong ito."
Napatigil naman sina Chritian at Cloud na kakapasok lamang nang makita si Demonise na. Nakakuha silang dalawa ng atensiyon kaya napa-peace sign kaagad si Christian.
"Tangina mo, Christian." Napa-igtad ang binata sa narinig mula kay Demonise. Muli siyang nag-peace sign upang pagaanin ang atmospera sa loob ngunit walang nangyari. Ni-isa sa kanila ay hindi man lang natawa.
"Tangina mo rin?" Alangan niyang sagot ngunit nakatanggap lamang siya ng batok mula kay Cloud. Ang sagot na iyon ni Christian ay lalong nakapag pa-pantig ng tenga ni Demonise.
"Sana, hindi na lang kita tinulungan, bwisit ka."
"Sana, hindi na lang kita tinulungang iligtas ang babaeng iyon!" Aniya tsaka itinuro si Hyzel na nakatahimik lang at wala pa ring imik. Ngumisi siya kay Demonise tsaka mas lumapit, "At oo nga pala, bwisit ka rin."
Upang maka-iwas sa gulo, tinakpan na lamang ni SPO4 Damon ang bunganga ni Christian. Magpumiglas man ito ay wala siyang pakialam. Kailangan niya itong patigilin upang maka-iwas na lamang sa isang madugong bakbakan.
"Ano? Bakit hirap na hirap kayong ibuka ang mga bibig ninyo bukod sa ugok na manunulat na sinungaling na ito?" Sukdulan ang inis ngayon ni Demonise na siyang dinagdagan ni Christian kanina lamang. Napa-iling siya tsaka tumingin sa pulis na hiningan niya ng tulong, "Ang sinungaling mo! Tutulungan mo ako? Paano mo ako tutulungan kung pilit mong pinagtatakpan ang babaeng iyon?"
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mysterie / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)
