---5
Demonise
"Pakikinis, ayokong may makita akong marka riyan!" Inis kong sambit tsaka naglabas ng limang-libo, "Limang-libo para sa sobrang linis na kotse. Bababalikan ko."
"Aba, hija, may kaaway ka ba?" Napalingon ako sa matanda habang tinitingnan niya ang kotse ko. "Mukhang mayroon." Humawak pa siya sa baba niya na tila ba nag-iisip ng mabuti.
"Wala. Adik lang." Umalis na lamang ako tsaka dali-daling sumakay sa humintong taxi. Kapag talaga nakilala ko kung sino ang may kagagawa no'n, malilintikan siya at hindi ko na hahayaang huminga pa ng sariwang hangin --wait, sariwa nga ba?
Matagal pa naman ang byahe pauwi. Naihatid ko na rin sina Hyzel at Kert sa tinutuluyan nilang apartment. Samantalang si Christian naman, nagpababa sa terminal ng bus. Actually, hiyang-hiya nga ako habang nagmamaneho dahil sa nakasulat doon. Crap, ang pangit pa kasi ng hand-writing, nakakapangiwi! Tinitingnan pa ako ng ilang drivers at pati iyong jeepney driver, nagmamalaki pang mas maganda ang jeep niya kaysa sa kotse ko. Pinakalma ko na lamang ang sarili ko at inisip na ang cool ko pa rin.
Kinalkal ko ang bag ko tsaka napatingin sa nakabalumbon na papel sa bag ko. Hindi ko pala naialis kagabi. Nakuha ko lang ito sa kwarto ni Reign. Ang sabi ni papa, dala raw ito ni Reign no'ng magbakasyon sila kasi natatakot siyang may mangialam ng gamit niya sa mansyon at malaman na nakakatanggap pa rin siya ng death threats.
I envy myself --seriously.
Napakuyom ako nang mabasa ang mga natatanggap niya. Pati pala kaming pamilya niya, dinadamay na kaya natakot siyang magsumbong sa pulis.
Ako ang ate pero wala akong magawa.
'You're still lucky, Reign.'
'Scream and you'll see your family die infront of you.'
'Having a cruel life right now, e? 'Ya happy?'
May tumulong nag-iisang luha mula sa mata ko. Pinilit kong ngumiti sa labis na katangahan. Actually, hindi ko na dapat pa bubuksan ang kalagim-lagim na pangyayari sa paaralan ng kapatid ko at sa kaniya pero may nararamdaman akong mali. May natanggap si Kert na isang kakaibang sulat mula sa isang hindi nagpakilalang tao --humihingi ng tulong. Maging si Hyzel ay pilit na ipinabukas sa akin ang issue na tungkol dito.
Oo, may pake ako sa kapatid ko. Oo, gusto ko ng hustisya. Oo, nagsisisi ako sa lahat pero hindi sumagi sa isip ko na baka konektado ang lahat ng nangyayari.
Lastly, oo, tanga ako.
Hindi ko maiwasang maalala ang mga katangahan ko noon. Hindi ko maiwasang isipin at pagsisihan ang mga nagawa kong mali. Hindi ko alam na hahantong dito.
"Nasa rehab ka, bata."
Napalunok ako ng sunod-sunod nang marinig ang sinabi sa akin ng matandang babae na naglilinis din kagaya ko.
"Why are you here? How old are you?" Tanong naman sa akin ng isang maputing lalaki na sa tingin ko ay matanda ng kaunti sa akin. Umiling na lamang ako tsaka nagpatuloy sa paglilinis.
"Filipino ka ba?"
Nagitla ako nang magtagalog ang lalaking maputi. Tiningnan ko sila ng matandang babae tsaka sunod-sunod na tumango.
"Ang bata mo pa para mapunta rito! Hindi ka ba inaalagaan ng mga magulang mo?"
"Para namang ikaw, hindi bata!" Puna naman sa kaniya ng matanda.
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mystery / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)