---4
Serene
"Hello, ma'am. What can I do for you?"
"Is Demonise here?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon na mukhang pagod na pagod na dala ng maraming gawain dito sa opisina. Tumango siya tsaka tumingin sa schedule ni Demonise.
"May appointment po ba kayo sa kaniya?"
Ngumiti muna ako ng alanganin sa kaniya, "I'm her mom."
"P-po? Pero pata--
"I can handle this." Bungad ng kalalabas lamang na si Demonise tsaka lumapit sa akin. Yumuko ang kaniyang sekretarya at iniwan kaming dalawa. Nagbeso-han kami tsaka sabay na sumakay ng elevator.
"What is it, mom?" She asked, still looking at her phone. Minsan talaga, naaawa ako sa kaniya dahil siya na lamang ang nagpapatakbo ng kumpanya at hindi na tumutulong ang asawa ko. Ako naman, walang alam sa ganitong bagay.
"Let's have some coffee?" Aya ko ng may malawak na ngiti sa labi, hoping na pumayag siya.
"Sure. I guess we have some important things to tackle.. am I right?" Itinabi niya sa bag ang cellphone na hawak at sinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay. Teka, bakit mapula ang kamay niya?
"Yes. My treat."
**
"Pag-usapan na po natin. May meeting pa po ako mamaya with Mr. Gonzales." Umpisa niya habang hinihintay ang order namin. Alam ko naman, hindi siya sanay sa akin at ilang taon pa lang naman ang nakalipas simula nang mamatay ang kaniyang ina ngunit ito ako, bago na. Gusto kong mapalapit sa kaniya.
"I'm pregnant." Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ito o hindi pero wala na, nasabi ko na. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat tsaka umiwas ng tingin sa akin.
I held her hands then gave her an assuring smile, "Hindi mo naman siya magiging kahati sa makukuha mong mana."
Agad siyang umiling, "No! That's not what I meant, mom! You know.. I was just so shocked and worried at the same time. You know my situation, right? I know that you know that."
Napatanga ako tsaka nag-isip. Alam ang alin?
"You've been investigating me eversince na ikasal ka kay papa." Lalo akong napatanga sa sinabi niya. Paano niya nalamang iniimbestigahan ko siya?
"I suggest you and papa to go to California. Ayokong madamay kayo sa kung ano mang nangyayari."
"Demonise, anak, reponsibilidad kita. At bilang ina mo, responsibilidad kong alagaan at bantayan ka." Tumulo ang luha niya sa narinig mula sa akin. Nilayo niya ang kaniyang kamay tsaka nag-iwas ng tingin.
"That was my mama's line seven years ago noong mapunta ako sa rehab. Pinabayaan niya si Reign for me." Naiiyak niyang sambit tsaka nagpunas ng luha.
"I can handle things properly, Demonise. Trust me." Kung sinasabi niyang mapapabayaan ko ang baby dahil sa kaniyang may problema, hindi ko gagawin iyon.
"And by the way, congratulations po. Sana pumayag kayo sa gusto kong mangyari --ayoko nang may madamay pa."
"Thank you," Saad ko tsaka ngumiti ng tipid, "Lastly, gusto kong malaman mo na bubuksan ko ang kaso ng kapatid mo. Well, wala namang makakaalam bukod sa buo naming ahensiya --pero labas ang kapulisan dito."
"Po?"
"Mag-iimbestigang muli ako tungkol sa kapatid mo. Something's not right, Demonise."
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mystery / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)
