supposedly, ito na ang last chap then epilogue na pero nagkamali ako ng bilang sa scenes. planned na talaga lahat, the title every chap, the epilogue.. everything! isusulat ko na lang talaga pero hindi pala siya kasya sa 19 parts na story. hahahahaha. ayoko namang isingit lahat sa epilogue o hindi kaya, rito. GOT SPILLED na dapat kasi nasa letter D na! iabubunyag ko na dapat lahat tapos ehem na lang sa epilogue kaya lang, iyon nga. pero, ilang chapters na lang din naman ito. hindi na aabot ng sampo.
---17
Demonise
"I know your plan," Bulong ko sa detective na tahimik na nakaupo sa Sweety ckae shop. Sinong mag-aakala na tatambay sa ganitong lugar ang detective na ito? "You're spying on me? Stalking me? Name it, I don't care."
Lumunok siya ng ilang ulit nang makita ang mala-demoniyo kong ngisi. Well, that suits my name so that's okay. "Naghahanap ka ng mga impormasiyon ukol sa akin," Umayos ako ng pagkakaupo sa katapat niyang upuan at hindi inaalis ang aking ngisi. "I guess, nalaman mo na rin na na-rehab ako. Pretending as my father? Oh my God! He's better than you!"
Agad siyang umiling sa akin upang dumipensa ngunit umuna na ako, "Sinong kumuha sa iyo? Kapag hindi mo sasabihin, isang maagang condolence para sa iyo. Sino bang magandang unahin?"
I love the feeling of him, getting scared like a puppy. napailing akoat ngumiti ng malapad, "Anna? Well, she's cute. Janey? Well, she's cute too. How about your wife, Denzy?"
"Please, huwag ang pamilya ko!" Kulang na lamang ay lumuhod siya sa akin at pilitin akong huwag patayin ang mga anak niya.
Of course, I'm not that kind of person --I will never kill those innocent person. Yes, I do make them suffer but killing them is not my thing.
"I will not but in one condition," Lumingon ako sa paligid nang may mapansin akong nakamasid sa akin. Wala na bang ititino ang araw na ito? Ito ang unang araw ng pagkalabas ko sa hospital and supposedly, pahinga ko. Nandito ako sa shop para kumain hindi pag-imbestigahan! "Sinong nang-uto sa iyo?"
"Si Kert p-po.." Nanginginig niyang saad tsaka umiwas ng tingin. Kert? Si Kert lang naman na nobyo ni Hyzel ang Kert na kilala ko. I don't need confirmation kasi halata naman na. Sino pa bang Kert ang kukuha ng detective para sa akin? Seriously, I felt betrayed.. really.
"Why would he even hire you?"
Just to make sure. Mamaya, nag-imbento lang ito and turns out, si Emman ang kumuha sa kaniya. "Pinaimbestigahan niya po kayong dalawa ni.. Emman." Aniya na naging pabulong ang pangalan ni Emman. Natatatakot ba siya or what? "Simula noong mabaril ka, inutusan na niya ako."
Napabuntong-hininga ako. I don't know kung anong ibig-sabihin nito. Hindi ko alam kung anong purpose nito. "Anong mga nalaman mo kay Emman?"
"Bukas ng madaling araw.. h-hi-hindi ko alam ang eksaktong o-oras pero pupunta ang isa sa mga tauhan niya at kukunin ang ilang gamit ni Emman. S-Si Grace siya ang taga-masid noong nasa hospital ka pa. Please.. huwag mong patayin ang pamilya ko!"
Napatango ako tsaka muling pinagmasdan ang isa sa mga nakaupo sa pang-isahan ng shop. Natatakpan man ng dyaryo, masasabi kong lalaki siya.
"That man.. tauhan mo ba iyan?" Tanong ko tsaka pasimple siyang ininguso. Napatingin din naman siya ngunit maingat lang.
"Sarili ko lang ang tauhan ko. Hindi ako kumukuha ng kahit na s-sino."
Tumango akong muli ng hindi inaalis ang titig ko sa lalaki. If not, kanino iyan? Kay Emman? Bumuntong-hininga ako tsaka tumayo na, "It was so nice meeting you, Detective Seron. Next time, you should try so hard pretending to be my dad just to get my files and informations in California."
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mystery / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)