8: G

519 15 1
                                    

---8

Kenchi

Napabuntong-hininga ako tsaka tumingin sa wristwatch ko, hatinggabi na pero mulat pa ang mga mata ko.

No, more like, pinipilit na imulat ang mga mata gamit ang kape. I don't know what's with me today pero ang alam ko lang, hindi ako pwedeng matulog.

Kinuha ko na lamang ang laptop ko tsaka nagcheck kung may bago bang update kay Demonise. Nag-aalala na talaga ako sa babaeng iyon. I can't afford to lose a friend.. again.

To be honest, ako ang rason kaya na-rehab si Demonise. Ako ang nagpilit kay Demonise na maging isang suwail na anak. Pero sa kabila no'n, ako pa ang nakaligtas, ako pa ang nagsasaya sa labas habang patuloy parin sa kagaguhan samantalang si Demonise, diniretso agad ng rehab.

Yes, that was my fault. But our friendship was safe by that time. Alam kong hindi lang inaamin sa akin ni Demonise pero thankful siya na na-rehab siya because of me. Napunta sa kaniya ang parents niya na matagal na niyang hinahangad.

Napailing na lamang ako nang wala manlang akong natagpuan na update mula kay Demonise. Baka napaano na iyon --wala pa naman ako. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko sa kaniya. I bet, binabalewala niya pero sana naman kahit tuldok, magparamdam. Hindi iyong mamamatay na ako sa kaba dito.

Tatayo na sana ako upang kumuha ng mainit na tubiig nang biglang mag ring ang cellphone ko. Tuwang-tuwa ako nang mahawakan iyon ngunit nang lumabas ang pangalan ni Grace sa kabilang linya, napapalatak agad ako sa inis.

"Problema, bruha?"

"Where are you? Wala ka daw sa condo mo?"

Napasinghal ako sa inis. Hahanapin lang namana pala ako! May utang ba ako dito? "Wala ako diyan, will you please stop searching for me?"

"Nagkita na kami ni Demonise." Ramdam ko hanggang dito ang pagngisi niya kaya napailing ako.

"So? Alam mo, Grace, puro pag-ibig inaatupag mo! Tantanan mo na si Demonise!"

"I saw her with Damon kanina lang!" Sigaw niya sa akin pabalik. Ha? Sino si Damon? Bagong boylet ba niya?

"Ano bang pake ko, Grace? Bakit ba sa akin mo sinasabi iyan?"

"Lahat na lang, kinuha niya." Biglang lumungkot ang boses niya na tila ba dinudurog. Napasinghal ako sa labis na inis sa lumalabas sa bibig niya. Alam ko ang pakiramdam dahil naramdaman na iyon ni Demonise. Pero pwede bang tumigil na silang lahat sa kakagawa ng paraan para masaktan iyong mga taong nang-agaw sa mga meron sila?

Pwede naman sa maayos na paraan --iyong walang sakitan.

"Grace, matutulog na ako." Pagdadahilan ko. Papatayin ko na sana ang tawag nang bigla siyang umiyak sa kabilang linya.

"Grace, alam mong mali ang ginagawa mo."

"Kenchi, inagaw ni Demonise lahat."

"Walang inagaw si Demonise. Sadyang nangyari lang ang lahat. Iyan ang isipin mo." Pagkatapos no'n ay binaba ko na ang tawag at hinilot ang sentido kong sumasakit.

Truth is, kami ang magkaibigan ni Grace then Demonise came and nasira ang maganda naming pagsasamahan ni Grace. Hindi ko sinisisi si Demonise. Nagkataon lang naman ang lahat kaya bakit ko ibubunton sa kaniya ang lahat ng nangyari?

Demonise

"Emmanuel." Bulong ko sa sarili ko nang matagpuan ko siya sa mall at mukhang didiretso rin sa sinehan. Napabuntong-hininga ako nang maaalalang ganito ang nakagawian namin noon --manood ng sine kapag masama ang loob. Pero this time, iba na.

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon