20: Betrayal?

339 10 0
                                        

---20

Demonise

Hawak ang cellphone ni Grace, iniabot ko ito kay Dust. Nagtataka niya akong tinignan na binigyan ko lamang ng isang ngisi, "Ate Demonise, kaya kong bumili ng ganiyang cellphone."

Pabiro ko siyang binatukan tsaka tumawa, "I know, okay? Uhm, hindi ba at nag-aral ka sa California and IT ka?"

Tumango siya sa akin tsaka nag-aalangang inabot ang cellphone, "So, anong problema nito?" Pinagmasdan muna niya ang cellphone bago binuksan, "Nasira ba? Nagloloko ba ang system?"

"Hindi," I answered as I tap the chair beside me. Nasa kusina siya ng mansyon namin at nagkataon lamang na nakita ko siya rito. Mukhang dadalawin dapat niya si Mommy Serene ngunit nagkasalisi sila.  Simula kahapon na makalabas ako ng hospital ay hindi ko rin siya nakikita. Hindi naman big deal sa akin dahil alam kong abala siya kaya walang problema. "Kuinuha ko sa isang taong malaki ang kasalanan sa akin. Ang problema hindi ko alam kung anong password."

He looked at me with a knotted forehead, "Ate Demonise, hindi kaya mapasama ka?" Umiling ako tsaka humigop sa kape. Hapon na at wala parin talaga akong tulog simula noong hapon na makalabas ako. Pakiramdam ko, ang abala ko.

Abalang pumatay ng tao.

"Huwag ka na lang magtanong, iyan ang makapagbibigay ng sagot sa akin kaya buksan mo na." Pamimilit ko tsaka itinuro ang kape ko, "Gusto mo?"

Umiling na lamang agad siya tsaka nagsimulang mangalikot. Napa-iling siya tsaka tumingin sa akin, "Dalhin ko na muna ito sa condo ko kasi may gamit ako doon. Siguro, by seven PM, maayos na ito." aniya tsaka tumayo na. Tumango na lamang ako tsaka dumukmo sa lamesa.

I need sleep.

Sa isang araw, dalawang tao ang napatay ko at kalalabas ko lamang ng hospital. Paminsan-minsan mang kumikirot ang sugat na si Emman ang may kagagawa, unti-unti itong naiibsan sa tuwing nakikita ko ang dugo ng mga taong kasabwat niya.

Inilabas ko ang aking cellphone tsaka binuksan ang kagagawa ko lamang na facebook account. I'll deactivate this as soon na mapasa ko agad ito sa isang partikular na tao. 

Hinanap ko ang pangalan ni Hyzel tsaka ngumisi. Isinend ko sa kaniya ang walang-buhay na katawan ni Grace at upang mahanap nila iyon sa tulong ng kinuha nilang detective, pinicture-an ko kung anong mga nakatayo sa paligid ng isang abandonadong building. Nang masiguro kong na-send na iyon lahat, agad kong pinasa ang deactivation button tsaka muling dumukmo.

Wala naman talaga akong ginawang masama sa kanila kung tutuusin. Kung sana'y hindi nakialam si Emman sa problema ko noon, wala ito ngayon. Imagine, sa edad kong twenty years old, nakagawa ako ng krimen na kung saan ay ang demonyo sa loob ko ang may kagagawan? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nanghihinayang ako sa mga panahon na nawala si Reign sa amin. Edi sana, nakita niya ang pag-akyat ko sa stage nitong mga nakaraang buwan lamang. 

Edi sana, nagkapatawaran na kami.

Kung susumahin ang lahat, si Grace lang naman ang masasabi kong nagawan ko talaga ng kasalanan. Let's say na inagaw ko talaga ang kaibigan niyang si Kenchi pero tama ba namang kumampi siya kay Emman? Anong napala niya? Edi kamatayan lang. Hangal. Hindi marunong mag-isip.

Kenchi

Naagaw ng pansin ko ang babaeng kinuwento sa akin ni Demonise noon --si Hyzel. Mag-isa itong naglalakad at tila ba wala sa sarili kaya agad akong lumapit sa kaniya habang hila ang maleta ko. I decided to surprise Demonise tsaka si Grace kaya hindi na muna ako dumiretso sa hotel para magpahinga at ibaba manlang ang maleta ko doon. 

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon