10: T

385 12 0
                                    

hi, please, pakiintindi na lamang ang typos dahil wala akong oras na mag-edit pa. hindi sa nawro-wrong grammar ako. napansin ko nga ang mga pagkakamali ko while rereading the story for this update. sorry po. pero katulad ng iba kong akda, ine-edit ko naman ito pagkatapos. iyon lamang, continue reading this story.. and also sa suporta niyo :))

---10

Demonise

Medyo masakit parin ang ulo ko nang magising. Hindi tulad ng mga OA na bida sa isang action movie, hindi ko inisip na patay na ako dahil sa nakapalibot sa puti sa akin.

Duh, nasa hospital lang ako. Siguro ay tanga lang ang bida na mag-iisip na patay na siya kapag nakakakita ng purong puti. OA much.

So kapag nakapula ka, hindi ka pa patay? Paano kung sa impyerno ka lang dinala? Mga tao kasi, napapalibutan ng mg hangal! Dinadaan sa kulay!

"Oh my God, ate! Gising ka na!" Narinig kong tuwang-tuwang saad ng kapatid ng traydor.

Napangisi ako tsaka tumingin sa kaniya, "Call the police.. I have something to report." Utos ko rito tsaka muling ipinkit ang mata.

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa kamay ko tsaka umiyak. Grabe, patay ba ako? Patay lang ang iniiyakan!

"A-ate, huwag mo ipakulong si kuya, please," Patuloy lang siya sa pagyugyog at hindi manlang iniisip na narito ako at nakakaramdam ng sakit ng ulo. "Buhay ka pa naman, ate! Please.. huwag na!"

"Ano ba? So kapag patay na ako, tsaka ko lang siya pwedeng ipakulong?" Inis na tanong ko tsaka nilibot ang paningin, umaasang may tao.

Muli niya akong niyugyog tsaka lumuhod, "Ate.. please.. please! Kaibigan mo naman si kuya at magkaibigan din tayo!"

"Wala kang alam, Lorylyn. At ano naman kung kaibigan ko siya at kaibigan kita? He still committed a mistake at hindi ko siya pwedeng pagtakpan!"

He commited a mistake.. a big mistake na pagbabayaran niya. Isang kasalanan na siya lang ang pwedeng magbigay ng hustisya sa mga namatayan.

"You know what? Kung wala kang masasabing matino at hindi tatawag ng pulis, pwede ka nang lumabas."

Nanginginig man ay nilabas niya ang kaniyang cellphone tsaka may dinial sa kaniyang cellphone --the police, i guess?

"Y-yes, dito sa Ferrer's Hospital. Please, pakibilisan. Yeah, this is urgent. Room 509. Yes, please. Thanks!"

Tumingin sa akin ang lumuluhang si Lorylyn tsaka ngumiti ng malungkot. Alam kong napipilitan lang siya sa nga panahong ito at nalilito pa. Hindi ko nga alam kung dapat ba niyang marinig ang aaminin ko sa mga pulis sa pagkakataong ito.

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon