7: Damon-Demonise

569 12 1
                                    

---7

Demonise

Matagal akong tumitig sa pulis na kaharap ko tsaka pormal na inilahad ang aking kanang kamay, "Rein Demonise Tejada, COO ng Tejada Company." Inabot niya iyon tsaka nakipagkamay rin sa akin.

Nakilala ko naman na siya kanina kaya siguro hindi na niya inulit ang pagbanggit sa pangalan niya. Mahina akong tumawa na ikinakunot ng noo niya.

"Well, hindi ko alam kung nagkataon lang ba na ang pangalan natin ay magkatugma." Tumatawa kong ani tsaka humigop ng shake na inorder ko kanina lamang. Tiningnan ko siya at pinagtaasan ng kilay nang makitang hindi manlang niya ginagalaw ang pagkain sa halip ay pinagmamasdan lamang ako.

Umubo ako na para bang inaagaw ang atensyon niya kaya nabalik siya sa reyalidad. "Sorry, ano nga ulit iyon?"

"You're not eating, baka gutom lang iyan," Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. Naiiling siyang ngumiti sa akin at tinikman ang strawberry cake na in-order niya para sa aming dalawa.

"Uh, actually, I don't need your help kung iyan nga ang io-offer mo." Panimula ko tsaka ngumiti sa kaniya ng mahinahon. "May mga katulong ako plus my new mom is a secret agent."

"Bakit mo sinabi sa akin kung secret nga?"

"Because based on your looks, you can keep a secret." Napaubo siya sa sinagot ko na ikinakunot ng noo ko. "Nevermind. Kalimutan mo na lang siguro."

"Starting today, babantayan na kita." Bulong niya habang pinapaikot ang tinidor. Napangisi na lamang ako tsaka tumango.

"Bakit? Anong gusto mong malaman? Anong plano mo? I don't even know you. Matagal nang sarado ang kaso ng kapatid ko at ng school sa inyo. What are you doing?" Naguguluhang tanong ko na ikinangisi niya.

"Let's say, that's my alma mater."

Napatango ako. Sa paaralang kahati ng mga Virgoso pala siya nag-aral. Siguro, gusto niyang maibalik sa dati ang paaralan na iyon dahil sa nadamay lang. Hindi ko rin alam. Kahati lang kasi iyon pagdating sa bakasyon.

"If you'll watch all of my moves, mag-ingat ka. Kaya kong paputukin ang sentido mo." Ginawa kong parang baril ang daliri ko tsaka iyon itinutok kay Damon. Tumawa lang siya tsaka umiling sa akin.

Matagal na katahimikan ang namayani sa amin. Umubo-ubo ako tsaka inayos na ang mga gamit ko --maghahanda nang umalis.

"Kung sino man ang babaril sa akin, alam ko na kung sino." Bulong niya tsaka kumindat sa akin. Akala ba niya natatakot ako? Gumanti ako ng ngisi tsakak umindat sa kaniya. "Kaya kitang hulihin."

"Go. I don't care anyway. Rehab nga, napasok ko na." Paghahamon ko sa kaniya na ikinatigil niya. Napatawa ako sa naging reaksiyon niya. "Nakakabigla ba?"

"How old are you that time?"

"Fifteen years old." Lalong nakakatawa ang ekspresiyon ng mukha niya ngayon. Nakakabigla naman talaga. Pero kung titira ka sa California, hindi na. Iba naman ang tao sa Pilipinas at ibang bansa.

Nilabas ko ang pulang lipstick ko maging ang aking salamin tsaka naglagay sa aking malambot na labi. Tiningnan ko siya at binigyan ng matamis na ngisi, "I know, I'm pretty."

"Yes." Napapahagalpak ang utak ko sa taong ito. Madalas yatang wala sa sarili at tutulig-tulig. Tapos tutulungan pa ako? Ginagago ba ako nito?

Nang matapos ay tumayo na ako, "Thanks for inviting me pero hindi na magbabago ang isip ko."

Tumango na lang siya kaya lumabas na ako ng Sweet Cake Shop. Grabe, bakit ba ako pumayag na makipag-usap sa lalaki --pulis na iyon? Bukod sa wala akong napala at nasayang ang oras ko, nakalimutan kong kokonsultahin ko si Hyzel. Grabe, ilang minutes na akong late!

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon