---19
Grace
I sighed heavily as I stared at her, Demonise. Hindi parin siya nagbabago, tapang-tapangan parin.
"Ano? Papatayin mo ako?" Inis kong tanong sa kaniya tsaka ngumisi, "You can't kill, Demonise! Hanggang reklamo ka lang! Isa ka lang daga!"
Ngumisi siya sa akin pabalik tsaka hinablot ang aking baba, "Ha? Asa ka naman na ganiyan pa ako pagkatapos ng mga ginawa mo! Anong klaseng kaibigan ka ni Kenchi? Mas malala ka pa sa kaniya!"
Si Kenchi.
Hinding-hindi ko mapapatawad si Demonise sa lahat ng ginawa niya. Inagaw niya sa akin si Kenchi noon at kahit na patayin ko siya, hindi niya parin mapagbabayaran ang lahat ng sakit.
Lahat ng sa akin, nasa kaniya na. Putangina, pati ba naman si Damon? Oo, mas lamang siya sa akin sa lahat ng bagay pero tama ba naman na lahat ng sa akin, kaniya? Tinanggap ko lahat, wala silang narinig mula sa akin na kung ano-anong hinaing maliban kay Kenchi. I envy her so much for making me feel like this.. unwanted.
"Hindi ka na ba magbabago?" Tanong niya sa akin, diretso sa mata. Pinilit kong pumalag mula sa kaniyang pagkakahawak sa aking baba ngunit sadyang matibay ang kaniyang pagkakakapit. Nasasaktan na ako. Nararamdaman ko na ang unti-unting pamumula nito.
"E, ikaw, hindi magbabago?" Tanong ko sa kaniya ng hindi parin tinatanggal ang aking ngisi. Kung sa tingin niya, siya lang ang may karapatang maging matapang dito, pwes mali siya. Malakas lang ang loob niya dahil nakuha niya ako. Pero kung susumahin ang lahat, mahina parin siya.
Padabog niyang binitiwan ang aking baba tsaka dinukot ang kutsilyo na nakatago sa kaniyang bulsa. Tinanggal niya ito sa case tsaka tumitig sa akin ng matalim --kasing talim ng hawak niyang kutsilyo. Inilabas din niya ang cellphone tsaka may kung anong kinalikot doon. Bumuntong-hininga ako tsaka tinitigan ang higpit ng pagkakatali sa aking pulsuhan at sa aking mga paa sa isang maliit at masikip na upuan.
Walang laban.
She leaned closer to me as she placed the knife in my waist. I wanted to scream, ask for someone's help ngunit tila ba nanigas na lang ako sa kinauupuan ko at hindi gumalaw. Natatakot akong isaksak niya sa akin ang kutsilyo dahil mas lalo akong mawawalan ng laban sa kaniya.
"Why can't you play fair, Demonise?"
Napasinghal siya sa aking tanong tsaka mas idiniin ang pagkakatutok ng kutsilyo. Nararamdaman kong isang galaw na lamang ay matutusok na ako. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang takot na ikinatawa niyang malakas.
Tinanggal niya ang kutsilyo sa bewang ko kaya napahinga ako ng maluwag at idinilat ang aking mga mata. Tumitig siya sa kaniyang kutsilyo tsaka may kinalikot muli sa kaniyang cellphone, "Me? Can't play fair?" Nabibigla niyang tanong tsaka ngumisi sa harap ng kaniyang cellphone. Itinaas niya ang kaniyang cellphone na tila ba nagse-selfie ngunit naka-video ito, "This poor girl behind me just accused me saying, I can't play fair!"
Baliw na ba siya? Kung ganito, bakit pa niya ako vivideo-han? Bakit niya ako idadamay sa video?
"Hindi niya alam ang sinasabi niya!" Muli siyang tumawa tsaka tumitig sa akin, "Ikaw ang hindi marunong, Grace! Isipin mo lahat ng ginawa mo! Kidnapping Hyzel, Stalking me when I was in hospital and worst, nakipagtulungan ka pa kay Emman. Aww, takot ka bang mag-isa?"
"I was just helping him!" Tutol ko tsaka diretsong tumingin sa front camera, "Iyong kumakausap sa akin, isang baliw!"
May pinisa siya sa kaniyang cellphone tsaka ito tinabi, "Why are you helping him? Putangina, huwag kang makigaya kay Yuri!"
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Misterio / Suspenso"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)