---21
Third Person
Matapos mapag-alamang patay na si Grace, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Serene na siyang bagong ina ni Demonise. Sinasabi nitong nais niyang makipag-kita sa mismong building kung saan dinadala ang mga taong humihingi ng proteksiyon sa kanila --kung nasaan si Enzo.
She badly wants to talk to Enzo. Gustong-gusto niyang malaman kung anong nangyari at kung buhay pa si Reign. Marami siyang gustong itanong ngunit hindi niya magawa dahil hindi maaaring basta-basta sumugod. Nakakapanghinayang man, tinanggap na lamang niya at maghihintay na lamang siya sa balita.
Ngunit heto, binibigyan siya ng pagkakataon na makita si Enzo kapalit ng isang pabor. Walang paga-atubili niya itong tinanggap ngunit hindi na ipinaalam kahit na kanino.
Kinabukasan, humugot muna si Hyzel ng malalim na hininga tsaka nagsimulang maglakad sa upang tahakin ang isang kwarto. Kumatok siya ng tatlong beses at muling humugot ng malalim na hinga nang tuluyan na itong bumukas. Kinakabahan siya na nananabik dahil makakausap na niya si Enzo.
"We're not here to bite you, Hyzel." Iyon na lamang ang narinig niya simula noong pagkapasok niya. Gusto niyang lumabas dahil sa labis na kaba ngunit nanatili siyang walang imik.
"To make this meeting, professional, let's shook our hands." Naiilang niyang inabot ang kamay ni Serene maging ang kamay ng ka-partner nito.
Ilang ulit niyang pinakalma ang kaniyang sarili bago magsalita, "Si Enzo po, tita Serene?"
"Later." Napa-tango na lamang si Hyzel tsaka nilibot ang buong kwarto. Nakakakilabot ang ambiance ngunit halatang mga professional na tao ang nasa harapan niya.
"Ms. Hyzel Jem Rellosa, my partner, Serene and I, James were here to ask you something." Napa-igtad siya nang magsimula ang lalaking nasa harapan. "In exchange of that, makikita mo si Enzo na siyang nasa kabilang kwarto lamang but, you should staple your mouth about this issue kasi hindi pwede. Sa pangalan pa lang ng trabaho namin, hindi ba?"
Agad na tumango si Hyzel na may halong pagtitiwala sa mga taong nasa harapan niya. Alam niyang magiging maayos ang diskusyon na ito kung pareho nilang tutuparin ang kanilang mga pangako.
"Ang kwento mo sa akin, nakidnap ka sa isang malayong lugar ni Grace Ford, tama ba?"
"Exactly." Bila siyang nakaramdam ng matinding kilabot nang mabanggit si Grace ngunit pinanatili niya ang pagiging kalmado sa harap ng dalawang tao. Bangkay na ang Grace na binabanggit nila ngunit wala pa rin silang alam.
"At ang naalala mo, may isang puting bahay na makikita malapit sa pinanggalingan mo?"
"Uh-huh." Hindi man halata, napapakunot ang kaniyang noo dahil iba ang nararamdaman niya. May kakaiba sa kanilang pinagdi-diskusyunan ngunit hindi niya iyon makuha.
"Natatandaan mo pa ba ang eksaktong daan patungo roon?"
"Yes, but that's too dangerous so I guess, dapat naka-ready talaga ang mga armas and gas incase na maubusan kasi malayo talaga." Naaalala pa niya ang mga pinagdaanan niya sa lugar na iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon dahil kahit kailan, hindi na niyang kayang patawarin ang kahit sinong gumagawa ng dahilan upang mawala siya sa mundo.
"Pack your things and," Bumuntong hininga muna si Serene, umaasang mapapapayag si Hyzel, "Dalhin mo kami doon."
Lalong nanlaki ang kaniyang mga mata. Ayaw na niyang makapunta sa lugar na iyon dahil sa matinding trauma na nadarama. Hindi niya kakayanin na bumalik sa lugar na iyon dahil pakiramdam niya ay iyon na ang huli niyang araw. Labis siyang natatakot sa maaaring mangyari sa buhay niya at kahit mukha mang tanga, mabilis siyang umiling bilang pagtanggi.
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mystery / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)