Epilogue

392 13 0
                                    

hindi minadali at detalyado. kung may tanong pa, kindly drop your comment here. will edit this asap. 

---24

Third Person

"Hold on, please!" Demonise shouted as she focused on the road again. Dahil sa malayong byahe ng kanilang kinalalagyan, unti-unti na ring napapapikit si Reign dala ng pagka-ubos ng dugo. Tila ba ngayon lamang niya naramdaman ang ganito sa ilang taong pagkakakulong. 

"I-I w-- Hindi na nito natapos ang sinasabi nang bigla na lamang itong mapapikit. Napatili si Demonise tsaka mas binilisan pa ang pagmamaneho at wala nang pakialam kung madidisgrasya ba sila kung bibilisan pa niya lalo.

Napahinga siya ng maluwag nang makita ang ilang mga kotse. Nakalabas na sila sa mahabang byahe na kung saan ay bihira ang dumaraan. Tumitig siya sa kapatid na nasa back seat at nakapikit. Hindi pwedeng mawala ito sa kaniya ngayong nasa loob na sila ng sasakyan. 

"Reign will never die." Bulong niya sa sarili tsaka lumiko upang maghanap ng pinakamalapit na hospital. Nakita niya ang isang mataas na building na nagsasabi na isa itong hospital kaya sa abot ng kaniyang makakaya, sinikap niyang makarating doon ng mas mabilis upang isalba ang kapatid.

"Tulungan niyo kami!" Sigaw niya ng pagkalakas-lakas tsaka binuksan ang back seat upang ilabas ang kapatid. Agad na tumulong sa kaniya ang ilang nurse tsaka naglabas ng stetcher upang doon ihiga si Reign. Tulong-tulong sila hanggang sa pagtuak sa dalaga tungo sa Emergency Room. Napabitaw na lamang siya sa kaniyang kapatid nang tuluyan na itong ipinasok.

Kinapa niya ang telepono ni Grace sa kaniyang bulsa tsaka pinisa ang numero ni Serene, "Mommy.. mommy.. I need you." Habol hininga niyang saad tsaka tumingin sa ilang bahagi ng kisame kung anong hospital ang kanilang pinasukan. 

"Putangina, Dust?!" Napabulyaw siya sa kabilang linya nang makarinig ng isang maliit na buntong-hininga. Napariin ang pagkapit niya sa hawak tsaka muling nagsalita, "Tracking me down, e? Dust, hindi ako tanga, tangina mo." Agad niyang pinatay ang tawag tsaka nagpalakad-lakad ng paulit-ulit, iniisip kung sino ang maari niyang lapitan.

She still felt betrayed after seeing those persons na kinuha siya. Hindi siya naiintindihan ng kahit na sino.

"Ma'am, gamutin po natin ang sugat niyo." Saad ng nurse na may dalang kit habang nakatingin sa kaniyang sugat sa pala-pulsuhan. Tumango na lamang siya tsaka naupo sa waiting area.

"Ano pong nangyari? Ako na po kasi ang naatasan ng doctor na mag tanong dahil hindi naman po maaaring wala kayong sabihin. May tama po ng baril ang kapatid niyo at napakaraming sugat nito na ang ilan ay tuyo na."

Huminga siya ng malalim tsaka pumikit. She saved Reign, she saved her.


"Hello?"

Muli, lumawak ang kaniyang ngisi na unti-unting napalitan ng pagkamuhi. Napa-irap siya tsaka sumagot, "Ako ito."

"Demonise.." Malambing na sagot ni Emman tsaka tumawa ng mahina, "Bakit napatawag ka? Numero ito ni Grace."

"She's dead --I killed her." Diretsahang sagot ni Demonise. Hindi naman na mabibigla pa roon si Emman dahil hindi naman mahalaga ang dalaga sa kaniya.

"You killed Grace?" Napakunot ang noo ni Demonise sa tanong nito na tila ba may pakialam sa pagkamatay ng dalaga. "Meaning, you can killyour sister? Are you going to accept my  offer now?"

Napadiin ang kapit ni Demonise sa cellphone ni Grace ngunit mas pinili niyang kumalma, "So.. Enzo's right. Kinuha mo pala ang kapatid ko. Bakit mo siya kinuha?"

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon