23: Saving Reign

351 13 4
                                    


myghad, malapit ko na i-edit ang buo nito! patawad ho sa mga typos na nagkalat salamat sa pag-unawa! still deciding if this would be the last chap or may isa pa then epilogue. pero as much as possible kasi, gusto kong matapos na agad.

---23

Third Person

Nagmamadaling bumaba si Demonise mula sa taxi, umaasang hindi siya nasundan at mahahanap ng mga kumuha sa kaniya. She really felt betrayed. Hindi nila naiintindihan ang sitwasyon nito. she's just seeking for revenge and no one will ever stop her from doing that.

Agad niyang kinuha sa kwarto niya ang pagkarami-raming pera na nakatabi sa kaniyang gamit tsaka ang cellphone ni Grace. Nang makasalubong niya ang kaniyang ama ay simple lamang siyang ngumiti habang ipinupulupot ang tela sa kaniyang pulsuhan upang tumigil ito sa pagdurugo.

"Demonise? Saan ka na naman ba pupunta? Hindi mo na nabibigyang atensyon ang kumpanya!"

"Babalik ako, papa! At sa pagbabalik ko, isang surpresa ang makikita mo!" Aniya tsaka dali-daling nilagpasan ang ilang katulong sa daan. Sumakay siyang muli sa loob ng taxi tsaka ngumisi, "Magkano ang renta rito? Babayaran ko, umasa kang oras na masira ito, higit pa sa halaga nito ang ibibigay ko sa iyo."

Nabigla ang driver ngunit agad na nakabalik sa wisyo, "Kung aabutin po ng isang araw--

"Twenty thousand," Putol ng naiinip na si Demonise. Inilahad nito ang pera niya kaya agad na lumabas ang driver dala ang inabot niya.  "Dito mo ako balikan oras na maisipan mong bumalik." agad siyang pumasok sa driver's seat tsaka ito pinaharurot, leaving the driver with his twenty thousand.

Habang nagmamaneho sa maluwag na kalsada, inilabas niya ang cellphone ni Grace. Wala na ang lock nito at wala nang sagabal pa. Hinanap niya sa contacts ni Grace ang numero ni Emman tsaka napangisi nang matagpuan ito. Emman with hearts pa ang nakapangalan. 

"Patay na patay ang bruha. Iyan, patay na patay na talaga siyang literal." Inis na saad niya tsaka bumaba ng taxi nang madaanan ang isang bukas pang store. "Ale, load-an mo nga ito ng one hundered pesos, paki bilis." Inabot niya ang numero ni Grace maging ang bayad tsaka dali-daling sumakay muli ng taxi na nirentahan.

"Let's get it on." Nakangisi niyang saad tsaka tinawagan ang numero ni Emman gamit ang sim ni Grace. Wala nang pagsidlan pa ang pagngisi nito dahil sa sobrang excite.

"Hello?"

Muli, lumawak ang kaniyang ngisi na unti-unting napalitan ng pagkamuhi. Napa-irap siya tsaka sumagot, "Ako ito."


Samantala, sa lugar na pinagtataguan ni Emman, hindi rin mawala ang ngisi nito dahil sa tawag na natanggap. Agad niyang pinuntahan ang kapatid ni Demonise tsaka hinablot ang baba.

"Akalain mo? Pupuntahan ka na ng ate mo! Payag na siya sa desisyon kong sumama siya sa akin at tapusin ka para sa mana at mga inagaw mo!"

Tila nagpintig ang tainga ni Reign sa narinig. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa binalita nito. Hindi niya tinititigan si Emman sa halip ay pilit na kumakawala lamang ito sa hawak nito sa kaniyang baba. "Hindi iyan totoo. She was just fooling you."

Nakatanggap siya ng isang malutong na sampal mula kay Emman. Hindi niya iyon ininda sa halip ay tumitig na sa kaniya. Wala siyang pakialam sa bawat sakit na pinararanas nito sa kaniya. Kahit marami na siyang pinagdaanan, hindi siya susuko. May isa pa siyang pag-asa at si Enzo iyon. Sa dami ng nangyari, tila ba namanhid na siya sa lahat. Matalim niyang tinignan si Emman tsaka umiling, "I don't believe you."

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon