2: Meeting an Ally

1K 27 20
                                    

---2

Demonise

"There!" Napalingon ako sa gawing kanan nang makitang may kulay puting bahay. Unti-unti na ring nag-blink ang cellphone ko, senyales na malapit na kami sa kinaroroonan ni Kert. Napatili ako sa sobrang tuwa at nang ma-realize kong gumawa lang ako ng isang katangahan ay napatigil ako.

"Hm, may ginawa ba akong kabaliwan?" Tanong ko na para bang inosente na ikinahagalpak lamang niya, "Dude, walang nakakatuwa. Will you please shut up? Gutom na ako."

"Mag-drive ka na lang. Excited na ako sa adventure." So... he's an adventurer, ganoon? I wonder.

**

"Fuck! Stop screaming! Palaka lang iyan!" Iritadong saway sa kaniya ni Kert

"And I hate frogs!" Parang bakla na sagot niya sa akin kaya napangiwi ako. Lihim naming tinatahak ang damuhan tungo sa puting bahay. Natagpuan namin kanina si Kert na nasa tabi ng puno at iika-ikang pilit na sinasanay ang sarili sa paglalakad --halatang napagod nga.

For the name of love, you'll do everything talaga. Kailan ko kaya gagawin ang bagay na iyan?

"Wala ka bang napansing kakaiba rito, Kert? Have I mentioned to you that someone just called me? Humihingi ng tulong sa akin."

"Baka si Hyzel iyan!"

"She's not. Tsaka, alam ko naman ang boses ni Hyzel, e."

"Kayo ang huwag maingay!" Saway sa amin ni Christian --yes, he's Christian. Ang ganda ng pangalan, hindi ba? Kristiyano, ganoon!

Binatukan ni Kert ng malakas si Christian tsaka ito piningot, "Gago, mahalaga ang pinag-uusapan namin!"

Sabay-sabay kaming tumigil sa harap ng isang malaking puting bahay. Simple at tahimik. Nilibot ko ang paningin ko at pilit na tinalasan ang paningin upang maghanap pa ng ibang bahay. Iyon ang sabi sa tawag.

"Ah, Demonise! You already mentioned that kanina. Ngayon ko lang naalala. Pero teka, bakit ba inuuna natin iyong tumawag sa iyo kanina e, hahanapin natin si Hyzel?"

"I bet she's here." Proud na singit ni Christian tsaka lumapit pa lalo sa dingidng, "May naririnig ako sa loob at mukhang makakatulong sa atin ito. We need to find an entrance!"

"I know, dude. Come on!" Napatingin sila sa akin at ramdam ko ang paghanga nila nang makitang nasa tapat na pala ako ng isang pinto. Nilibot ko ang paningin ko tsaka dahan-dahang pumasok. You need to widen your eyes, Demonise. Papadilim na at mukhang kakainin kayo ng liwanag dito. Pagkausap ko sa aking sarili tsaka napapikit --tila kumukuha ng sapat na linaw.

"Huwag hayaang makabasag o makagawa ng ingay." Paalala ni Christian kaya tumango kami. Seems like, marami na siyang alam sa mga ganitong bagay, ah.

"At sa tingin niyo, malalagpasan niyo kami?" Napalingon ako sa gawing kanan at doon ko natagpuan ang isang pamilyar na babaeng nakangisi.

"Aww, at sa tingin mo hindi ko malalaman ang sikreto mo?" Sarkastikong tugon ko sa kaniya tsaka nilabas ang aking baril, "Let's see who'll win this battle."

Dust

Sa loob ng coffee shop, napaliligiran ako ng dalawapu't isang tao. I wonder kung may ilan ba sa kanilang kalaban ko sa oras ng pagtalikod ko. Huminga ako ng malalim tsaka iyon iwinakli sa aking isipan.

"Lorylyn." Bulong ko tsaka iyon sinulat sa mismong plato ng customer. Lagi ko na lang naisusulat ang pangalan na ito, ah. Nang masulat ko ay ako na mismo ang kumuha ng tray upang ilagay ang cappuccino at cake na ise-serve sa umorder. "Number 23," Bulong ko pa sa sarili ko tsaka hinanap ang number twenty three.

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon