12: P

397 13 0
                                    


---12

Christian

Tumigil ako sa pag-inom ng beer tsaka tinitigan ng mabuti ang entrance ng bar na pinag-iinuman ko ngayon. Bilang isang manunulat, hindi kape ang pampagana at pangpagising ko --beer at maingay na paligid.

Nilawakan ko ang aking paningin at gayon na lamang ang gulat ko nang makita ang lalaking nakasama ko na ng isang beses. Agad kong isinave sa drafts ang sinusulat ko tsaka dali-daling lumapit sa isa sa mga bartender upang iwanan ang laptop ko, "Dude, I'll be back, may kailangan lamang tulungan." 

Hindi ko na hinintay pa ang pagtango niya at iniwan na ang laptop ko doon. Nang may madaanan akong isang case ng beer na may laman ay agad ko itong binuhat malapit sa pinangyayarihan ng isang, 'hindi gaanong halatang gulo' na nangyayari sa entrance. Inilapag ko iyon sa ibabaw ng lamesa tsaka kumuha ng dalawang beer.

I was about o hit that woman pero napatigil ako. si Grace. Iyon ang natatandaan kong babae na kumidnap daw sa nobya nitong si Kert. Teka nga, bakit ba nandito na naman ang babaeng ito at si Kert naman ang puntirya? Was she Kert's ex? Bitter ba iyan o ano?

"Bakit hindi mo ininom? Playing safe or playing coward?" Tanong nito tsaka ngumisi kay Kert. Ayoko muna siyang basagan nito kaya makikinig muna ako for me to know the whole story behind that shit. Baka mamaya, si Kert naman talaga ang may kasalanan and that girl was just doing something like, 'It's payback time, douchebag!' Parang sa mga sinusulat ko lang. 

I'm seriously not a fighter --ang mga characters ko lang. Syempre, dahil sa pagbabasa at pagsasaliksik ay marami akong nalaman. Iyon nga lang, iba ang may alam sa marunong. Ako, may alam lang. 

"Playing safe, bobo." Base sa naging itsura ni Kert, alam kong natatakot na siya dahil sa baril na nakatutok sa sentido niya. Nang mapansin ng ilan ang gulong nangyayari ay napalayo agad sila na para banag sila ang tinututukan ng baril. Maya-maya pa ay may lumapit na dalawang lalaking naka-coat sa isa sa mga nakauot ng pang-bouncer at tinutukan din ito ng baril. Putcha, wala ako niyan! 

Agad kong kinuha ang case na inilapag ko sa lamesa. Dapat ba akong tumulong o hindi? Hindi na ito iyong mga naiisip kong payback time, e! alam kong malaki itong papasukin ko at may posibilidad na madawit ako pero anong magagawa ko? I just wanna help makabawi sa kabaitan nila sa akin.

Pero hindi naman talaga ako mapupunta doon kung hindi ako ginago ng mga kaibigan kong tukmol. Paano, nilasing ako at iniwan ako sa gitna ng kawalan.

Nagdire-diretso ako sa bartender pinag-iwanan ko ng laptop tsaka nagtanong, "Was anyone expecting this?" Taka kong tanong na ikinailing niya.

Ay, oo, gago ka talaga, Christian! Bakit naman may mag e-expect ng gulo sa bar? Gago lang? Gago talaga.

"Paano natin mapipigilan e, iyong mga bouncer ay umurong?" 

"Police," Kaswal na sagot nito tsaka nag-dial agad, "Yes, may gulo na naman dito. Kung pwede ay walang sirena para dakip agad."

Nanaman? So madalas magkaroon ng gulo sa bar na pinuntahan ko? Aba nga naman kung minamalas ka! 

Muli akong napatingin kay Kert, gusto ko na talagang tumulong! Kung pwede lang na tumulong ako pero hindi ko alam kung saang paraan. Natatakot naman akong paputukan ng baril dahil hindi pa tapos ang kontrata ko! Sinusulat ko pa ang panibago kong akda kaya wala akong kawala

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon