---6
Demonise
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang malaman kong bubuksan ni mommy ang kaso nina Reign. May makakatulong pala ako sa pagsaliksik ng mga bagay. Pero syempre, may mga impormasyon na ako lang dapat ang makaalam dahil hindi ko alam kung dapat ko bang ipagkatiwala ang lahat kay mommy.
Napabuntong-hininga ako at humigop sa kape habang pinapakinggan ang presentation ng business man na nais magbigay ng share sa company. Napangisi ako sa lamya niyang magpaliwanag kaya tumayo ako upang magbigay ng komento --I just can't take his 'kalamyaan' anymore.
"If you want to be part of my company, will you please explain everything with so much confidence and determination?" Napaismid ako at umupong muli. Yumuko siya at muling nagpaliwanag.
Pinagkrus ko ang hita ko tsaka nakinig sa sinasabi niya. Pero hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa mga nangyayari ngayon. Napaka-coincidence namang may nanghingi kay Kert ng tulong tapos sa akin din meron. Weird... really.
Natapos ang meeting ng wala akong naintindihan. Pagdidiskusyunan pa naman namin mamaya ng ilang business partners ang ukol doon kaya hindi muna ako nagbigay ng reaksiyon. Nagpakuha ako ng kape at hinilot ang aking sentido sa kakaisip habang naglalakad tungo sa office ko. Trabaho, Reign and family. Nabuhay ba ako para maging ganito na lang? Paano naman ang love life ko?
Napatili ako nang pagpasok ko sa office ko ay magulo ang buong paligid na tila dinaanan ng bagyo. Naramamdan ko ang ilang tauhan sa likod ko na nakikiusyoso. Tumingin ako sa kanila ng masama tsaka nilibot ang buong paligid. Bakit may dugo? Sinundan ko ang mga dugo at gayon na lamang ang lakas ng tili ko nang matagpuan ang magkatabing patay na pusa at daga sa sweevel chair ko.
Halos mapaiyak ako sa panginginig habang nakatitig. Katabi no'n ang picture namin ni Reign noong magkasundo pa kami sa California. The person who sent me this cat and mouse was pertaining to me and Reign. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tuluyan na itong rumagasa.
Bakit? Anong ginawa ko?
Grace
"BANG BANG BANG! BANG BANG BANG!" Parang tanga akong sumigaw pagkapasok ko pa lamang sa quarters. Tumaas ang isa kong kilay habang pinagmamasdan isa-isa ang mga nakalatag na baril. Wala akong mapili. Kumuha na lamang ako ng isang simpleng kutsilyo tsaka inihagis iyon sa tahimik na lalaking bumabaril sa clones. Hindi man nakatingin ay agad niyang naiwasan ang hinagis ko kaya dali-dali akong dumampot ng tatlong dagger at sunod-sunod iyong hinagis.
Na sunod-sunod rin naman niyang naiwasan.
Unbelievable.
Wala sa sarili akong napapalakpak at lumapit sa kaniya, "It's been two years!" Gulat na bati ko sa kaniya at itinaas ang kanang kamay ko para makipag-apir sa kaniya katulad ng nakagawian namin kada magkikita kami rito. Pulis kaming dalawa at sa tagal naming hindi nagkasama, alam kong may gap na. Anong magagawa ko? Kasalanan ko.
Iniwan ko siya.
"Like, seriously, Damon?!" Inis na sigaw ko at ibinato ang ika-apat na dagger na kinuha ko sa lamesa kanina.
"Iniwan mo ako rito. Parehas tayong bumuo ng pangarap natin pero mas pinili mong kumampi sa kampon. Kung kaya ko lang ba kayong hulihin." Mariin niyang asik tsaka itinapat sa akin ang baril.
"Woah, chill!" Pigil ko sa kaniya at tumawa ng mahina, "Hindi ko alam kung bakit galit ka pa rin samantalang two years na iyon but will you please shut up and let everything pass?!"

BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mistério / Suspense"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)