11: S

448 13 0
                                    

still hoping na matapos ko ito before the vacation ends. hello baon, hello sermon, hello assignments, hello puyat, hello teachers, hello plastics, hello friends, hello school, hello philippines and hello world nanaman ako and goodbye wattpad siguro. xx

---11

Kenchi

Inis man, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko nang mabalitaang nasa hospital ngayon si Demonise. Ang bruha, talagang suki ng mga madudugong bagay! Minsan, gusto ko na lang siyang itago sa liblib na lugar para matahimik na ang mga taong gumugulo sa buhay niya! Kasi sa totoo lang, hindi na ako natutuwa! Sobrang-sobra na!

The problem here is, I can't tell the police everything kasi after all, nakasalalay ang buhay ng mga taong malalapit sa akin. Ayokong sumali sa mga away nila pero anong magagawa ko? Nasa gitna lang naman ako at wala halos pinapanigan pero naaawa na ako sa pagmamalabis nila kay Demonise!

"Sorry, ma'am. Umalis na po si Mikeila rito." Muli kong naaalalang sagot sa akin ng isa sa mga assistants ni Demonise sa kumpanya. Bakit biglaan? 

Hindi ko na natiis ang sarili ko at agad na dinial ang numero ni Grace. That bitch, she deserves some death threats for this! "Ano na namang ginawa mo?!" Bulyaw ko sa kabilang linya na ikinahagikhik niya. 

"Alam mo kasi, Kenchi, pwede ka namang manahimik. You don't know everything! Wala pa nga sa kalahati ang nalalaman mo tapos bira ka nang bira! Wan me to kill you, e?" 

Excuse me? I called her para takutin! Hindi naman niya ako matatakot! Knowing Grace, hindi siya basta papatay ng taong malalapit sa kaniya.

But she hates you. Ani ng kabilang isip ko ngunit iwinakli ko na lamang iyon kaagad at sumagot sa pananakot ni Grace, "So, you want me to talk to the police at sabihin ang nalalaman kong wala pa sa kalahati?" I said, emphasizing the word, 'kalahati'. Para naman kahit paano, aware siyang may nalalaman parin ako at maaari akong maging alas ng mga pulis para rito.

"Subukan mo lang. Tsaka, ano ka ba, Kenchi? Tayo ang tunay na magkaibigan dito! But that bitch just stole you away from me!"

"I let her stole me." Sagot ko sa kaniya na sa tingin ko, ay lalo niyang kinainis. Alam kong sa mga panahong ito ay nangngingitngit na siya sa galit at nakakuyom na ang kaniyang mga kamao.

"Alam mo, Kenchi, stop calling me na lang kung hindi rin tayo magkakaayos. Kasi malapit na akong sumuko sa friendship natin. Kasi kada tatawag ka, akala ko, magiging okay tayo. Kenchi, nakakagago ka, alam mo iyon?"

"Magbago ka na, Grace. Will you please stop all of these? Stop making her life miserable! Alam mo ang pakiramdam kaya tumigil ka!" Hindi ko na lamang pinansin ang mga pagda-drama tsaka muling nagsalita, "Grace, I miss you --the old Grace Ford I once knew."

"Patay na iyon, Kenchi! Ayoko na, bye!" Inis na sagot niya sa akin at binaba ang tawag. 

Uuwi na ako ng Pilipinas --walang nakakarelax dito knowing na ang mga taong malalapit sa iyo ay nagkaroon ng iringan.

Kert

"Calm down, Hyzel." Pagpigil ko sa kaniya nang mapansing nagliligalig siya sa tinutuluyan niyang apartment. Hindi siya magkandamayaw sa pagkilos at pag-ayos sa sarili dahil gusto na niyang makapunta sa hospital.

Inis niya akong tinitigan tsaka nagsalita ng may pagkasarkastiko, "Gago ka ba talaga, Kert? Sabi mo, mag-ayos ako ng sarili ko noong ang gulo tignan ng pagmumukha ko at damit tapos noong nagmamadali ako sa pag-aayos, pinupuna mo parin ako! Aba, e, gusto ko na ngang dalawin si Demonise!"

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon