---13
Demonise
Napahinga ako ng maluwag nang malaman na tutulungan ako ni Damon. Hindi ko inaasahang mangyari ito --na hihingi ako ng tulong sa isang pulis. I should've just asked mommy pero alam kong hindi na niya dapat ungkatin pa ang impormasyon kay Emman. Knowing him, alam kong kaya niyang patayin ang mommy ko.
"He could be somewhere.." Saad ko kay Damon na abala sa pagtawag sa ilan pang mga kilala niyang magagaling na pulis.
"Of course, he is. Hindi naman pwedeng magpakita siya rito," Sarkastikong saad nito na ikinaikot ng mga mata ko. "Well, I guess, nasa isang liblib na lugar na iyon."
"Pwede na akong lumabas ngayon. Samahan mo ako sa kinaroroonan ni Kristally." Pag-aaya ko na siyang ikinailing lamang niya. Bakit? Anong problema kay Kristally?
"She doesn't talk at all."
"When was the last time you asked her about the crime?"
"Last month."
Sasagutin ko na sana siya na pwede namang nagsasalita na si Kristally ngunit sakto namang pasok ni Hyzel. Medyo masama man ang mukha, she still managed to smile infront of me.
"D-Demonise." Nag-aalangang bati nito sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at ibinuka ang aking braso upang salubungin siya ng yakap. "I'm so sorry sa nangyari."
"Don't worry, stressed lang ako noon, okay?" Paninigurado ko kaya tumango siya. I see Hyzel as my little sister, Reign. Ayoko naman na magkaroon kami ng away katulad ng nangyari sa amin ni Reign.
"I guess, kailangan ko nang umalis because I still have tons of crimes to close. Mauna na ako." Before leaving, he looked at me, "Demonise, babalitaan kita."
I watched him as he left the room. Siguro, kukunin na rin niya ang bala kay mommy at lilisan kasama ng mga dala niyang iba pang pulis.
"Kasama ko talaga si Kert pero nagkaroon yata ng emergency." Anito at binuksan ang orange na dala niya. "Ang weird niya nitong mga nakaraang-araw. I don't know what's happening to him at nag-aalala na ako. Anyway, nakuha na daw ba si Emman?"
Umiling ako na lalong ikinasama ng mukha niya. Emman could be somewhere. Alam kong sa pagkakataong ito, tinanggal na niya ang mga connections after confessing everything. Sa ngayon, itatago ko muna kay Hyzel ang nalaman ko at hahayaang sakupin ang kaniyang utak sa nalalamang, Si-Emman-ang-bumaril-sa-akin-no-more-no-less. Hindi ko na lang muna sasabihin na siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng mga kaklase niya.
Napatigil kami nang nagmamadaling pumasok si mommy sa kwarto ko --nag-iisa lang siya. Natataranta man ay huminga parin siya ng malalim. Tumingin siya sa amin ni Hyzel ng alanganin, "He's alive! Enzo is alive!"
Third Person
Nanginginig man ang kaniyang mga tuhod dala ng matinding hirap at pagod, mas pinili niya paring maglakad-lakad. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa gitna ng kalsada. Ang tanging naaalala lang niya, magkasama silang tumatakbo ng babaeng nakasama niya ng ilang taon hanggang sa magkahiwalay sila dahil sa mga armadong lalaki.
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Mistero / Thriller"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)