9: O

424 13 5
                                    

---9

Third Person

Nanginginig ang mga kamay ng dalaga habang tumatakbo sa tila ba isang kawalan. Napakagat siya sa kaniyang labi dahil sa labis na kaba na maabutan siya ng mga armadong lalaki na kanina pa humahabol sa kaniya. Kahit na halos tumumba na ay pinanatili niya ang katatagan ng kaniyang loob.

"Nakaligtas ako ng isang beses, makakaligtas akong muli ngayon." Bulong niya tsaka nagpunas ng tumatagaktak na magkakahalong luha, pawis at dugo. Habang mabilis na tumatakbo ay nililibot niya ang kaniyang paningin upang mahanap ang nawalay niyang kasama.

Tila ba nawawalan na siya ng pag-asa sa tuwing makikitang walang hangganan ang tinatakbuhan niya. Maya't mayang sumasagi sa kaniyang isipan ang mukha ng kasama sa loob ng ilang taon. Nagawa nilang makatakas ngunit nagkahiwalay naman nang biglang magputukan ang baril sa paligid.

"Ilang taon ko itong tiniis, makakatakas na ako." Pilit na pagpapalakas niya ng loob. Napasandal siya sa malaking puno ng Narra tsaka dumura ng laway na nahahaluan ng dugo. Unti-unti siyang napaupo sa labis na kapagurang nadarama.

Ilang araw na siyang tumatakbo. Ilang araw na niyang pilit na tinatakasan ang mga armadong lalaki. Ang totoo'y kahit ilang taon na siyang naglalagi kasama ang mga iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit siya itinatago. Gustuhin man niyang malaman ay wala siyang magawa.

"Mahahanap ka namin, bata! Sige, tago lang at kami ang taya! Huwag kang papahuli at malilintikan ka!" Napapikit siya ng mariin tsaka nag-isip ng mabuti kung ano anong tamang gagawin upang makalayo.

Marahan siyang tumayo at hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay aksidente niyang natapakan ang sanga na siyang ikinagawa ng ingay --palibhasa'y gabi na at mahirap nang makakita.

Para bang nagtataguan silang mga bulag sa kagubatan. Ang lamang naman ng mga armadong lalaki ay sanay ang mga iyon pagdating sa gubat kaya lugi siya. Mabilis siyang tumakbo upang makalayo dahil sigurado siyang narinig na ng mga iyon ang ingay na nagawa niya.

Bakit hindi pa nila ako patayin? Isip-isip nito sa sarili tsaka huminga ng malalim. Lalo nang binalot ng kadiliman ang buong kagbutan kaya mas nahirapan siya at nangapa-ngapa sa paligid, natatakot na malaglag sa bangin.

"Malapit na kami bata!" Sigaw ng isa sa mga armadong humahabol sa kaniya sabay halkhak pa nito na tila isang demonyo. Patuloy lang siyang pilit na lumayo sa mga iyon hanggang sa mapahawak siya sa isang barbed wire. Natigilan siya at muling idinikit ang hintuturo sa barbed wire ng marahan.

Dead end.

Napakagat siya sa kaniyang kuko at umiyak nang umiyak. Tila ba wala na siyang tatakbuhan pa. Nararamdaman na niya ang unti-unting paglapit ng mga armadong lalaki sa kaniya. Ilang beses siyang tumingin sa barbed wire at sa kabilang daanan na kung saan ay makakasalubong niya ang mga humahabol sa kaniya.

Dahil sa labis na desperasyon na makatakas, dali-dali niyang inakyat ang mataas na bakod ng barbed wire. Paulit-ulit siyang umungol dala ng labis na sakit dahil sa pagkakatusok sa kaniya ng mga ito.

"Tangina!" Sigaw niya nang maramdaman niya ang pagtusok ng barbed wire sa kaniyang hita. Masyadong matalim iyon at bumaon na ng tuluyan sa kaniyang hita. Umiiyak man ay pilit niyang tinatagan ang loob. Pilit niyang binalewala ang pagtusok ng barbed wire sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.

"Pare, umaakyat sa barbed wire!" Tumindig ang balahibo niya nang maramdamang inuuga-uga ng mga lalaki ang bakod ng barbed wire. Hindi niya madiinan ng masyado ang paghawak sa barbed wire dahil babaon lamang ito sa kaniya. Kahit na ilang beses na muntik nang mapabitaw at lumaglag ay nakaya parin niya.

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon